May 9, 2013..
(will probably make it to my journal)
missed her for 2 days...
well, this update was a bit unexpected..
dahil hindi ko inasahan na manggagaling 'to sa ganitong klase ng source..
ang source kasi eh yung biological mother ko..
hindi ko masabi kung sino naman yung source niya..
pero base sa naikuwento niya, eh mukhang sa tumatayong mother ni Miss Robledo nanggaling yung balita...
kagabi kasi eh bigla na lang niyang na-open sa akin yung topic na yun..
matutulog na sana ako, nagkasalubong kami sa may kusina tas bigla na lang niyang sinabi saken yung istorya niya..
she told me na may crush daw saken yung anak ng isang 'W***', hindi ko pwedeng i-disclose yung pangalan..
ang sabi ko 'sino naman yun?'..
sabi niya yung taga-diyan sa tapat, sa malaking bahay, yung mayaman (hindi ko naman kasi kilala yung 'W' na tinutukoy niya)..
tas siyempre biglang may mga nag-pop-up na question mark sa ulo ko..
sabi
ko 'eh sino yun?', pero ang totoong gusto ko sanang itanong eh kung
sino ba dun sa mga anak yung tinutukoy ng biological mother ko..
hindi niya na-gets yung tanong ko..
basta paulit-ulit lang siya na basta yung taga-tapat na may malaking bahay..
parehas daw kasi na mahaba ang buhok namin nung tinutukoy nilang may crush saken..
tapos hindi ko na siya kinulit pa..
ayaw ko naman kasing maging obvious na parang may hinahanap talaga akong sagot mula sa kanya...
panibago na naman 'tong puzzle para saken..
ang tanong ko is - sino ba yung mismong source talaga nung tsismis na yun..?
gaano ba yun ka-accurate..?
at sino ba talaga yung tinutukoy nilang tao..?
gustung-gusto ko sanang makuha na yung sagot kagabi..
kaso kailangan ko talagang maging maingat para walang makabasa sa mga biologicals ko ng kung anuman ang iniisip ko...
so, ano nga bang mapapala ko kung mabe-verify ko yung mga bagong data na nakuha ko..?
una, mapapatunayan nun na tama yung mga narinig ko noon na usapan nilang magkakapatid..
may dalawang instance na narinig ko silang nagbibiruan nang makita nila ako eh..
ang problema nga lang eh hindi talaga ako sigurado kung sino ba yung kapatid nila na binibiro nila saken..
bale
kapag nagkataon na yung mas bata, na si chubby sister-in-law, ang may
crush saken eh halos walang silbi rin 'tong nakuha kong data..
i mean, c'mon, baka matuluyan na akong makulong nare dahil sa pagpatol sa mga bata...T,T
i don't know what to feel..
for some reason eh binibigyan na naman ako ng bagong data na 'to ng ibang speculation - na yung tipo na pabor saken..
naisip ko lang..
kung alam ni Miss Robledo na may crush saken yung sister niya..
posible kaya na yun yung dahilan kung bakit ni-reject niya ako nang todo..?
i mean, may ganun ba talagang epekto yung pagkakaroon ng crush sa pagitan ng magkakapatid..?
kung ganun, yung bata ba yung rason kung bakit hindi natuloy ang plano kong subukang mapalapit sa ate niya..?
at sa mas malabu-labo namang theory..
kung si Miss Robledo yung taong tinutukoy nila na may crush saken..
eh ano naman ang dahilan para i-reject niya ako..?
naman..
mukhang mas paguguluhin lang nitong bagong data na 'to ang mga bagay-bagay ah... >,<
No comments:
Post a Comment