Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (September 20, 2013 - Early Post)

(halo, may official journal entry at meron rin namang hindi)

forever broken..
nakakapagod na..
minsan ko nang pinagdaanan ang ganitong emotional torture..
at sa ikalawang pagkakataon, nagkamali na naman ako sa pagpili..
mabuti at kahit papaano kusang lumabas lahat ng data doon sa nauna kong experience nang ganito..
at least naging mas madaling tanggapin ang lahat ng masasamang nangyari after that...

pero sa sitwasyon ko ngayon, eh napakahirap basahin ng batang Espasol..
eh ni hindi nga yata naka-connect sa kanya yung boylet niya eh..
o kung naka-connect man..
siguro talagang private na private yung pagka-setup niya sa kupaling 'luckiest guy on Earth' na yun, maging sa mga album nila... T,T

---o0o---


September 18, 2013...

got the chance na lumabas naman ng bahay...

pa-gabi na nang umalis ako ng bahay namin..
at saktong dating naman ng SUV nila..
mga 6:00 PM na noon eh, kaya may possibility na nasa bahay na siya noon..
mga ilang segundo ring bumubusina sa labas ng kalsada yung auto nila..
tas maya-maya eh tumunog na yung gate nila..
hindi ko na lang pinansin kung siya ba yung nagbukas nun o ano..
minsan kasi you just have to pretend that you don't care anymore..
kasi sobrang sakit na..
na yung tipo na, pati yung pag-smile niya eh parang ang dating eh pinagti-trip-an ka lang niya at pinagtatawanan dahil nagkagusto ka sa kanya at ni-reject ka naman niya na parang wala lang...

at ang realization..
na may iba pa rin nga naman palang mga espasol sa mundo..
eh noong gabi na nga lang eh nasa 2 na kaagad yun..
yun nga lang - mga taken na rin..
kapag inihanay ko sa mga yun yung Espasol ko eh taob yung saken - walwal pa..
ewan ko nga ba kung bakit siya pa eh... T,T

kasuswerte naman ng mga kabataan ngayon..
sana magkaroon rin ako ng sarili kong Espasol balang araw..
pero ano nga bang probability na may makikilala pa akong libreng espasol sa panahon ngayon...?

hindi naman sa gusto ko talagang maghanap..
na parang natututuhan yang 'love' na yan..
i just feel so broken right now na hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa iba..
tapos makikita mo pa yung ibang lalaki na hindi rin naman guwapo na may kanyang espasol - ay shet... T,T

---o0o---


September 20, 2013...

hay.....
'tang ina, 'love'..
bakit ba kasi mas madalas kitang makita sa maling babae..? T,T

last 6 to 7 days to decide.. what to do.. what to do..? T,T


nakita ko naman siya ngayong araw..
suot yung latest tourism uniform nila..
wala yung cap, at nakalugay lang ang buhok..
white long-sleeves na may collar..
red na ma-disenyong scarf..
dark grayish office skirt..
black stockings..
at black pumps...

medyo na-verify ko na rin ang schedule niya for a Friday..
Friday kasi ang papatakan ng September 27..
that f*cking day that i fell for her charm..
so i had to be more accurate with her schedule..
wala pa naman akong final decision..
lately kasi eh nanahimik na naman siya..
ano ga, Ineng..?
break na kung break!
kagulo nyo eh!

ayun nga..
depende pa rin sa kanila kung anong gagawin ko..
kaso mga 5:00 PM pa pala yung uwi niya kapag ganung araw..
meron ba naman kayang delivery ng mga ganung oras na..?
baka mamaya pati eh itapon lang yun ng dad niya kapag hindi siya mismo ang nakatanggap eh... T,T


this is bullshit..
if only there's a way for me to release this kind of emotion all at once..
if i can only get a chance to verify this feeling...


No comments:

Post a Comment