walang interesanteng nangyari...
---o0o---
October Day 2..
i thought na may nangyaring interesante, so nag-reflect siya sa official journal ko...
End of Day 2..
ayoko mang sabihin 'to..
pero lahat pala ng nangyari sa araw na 'to eh isa lang malaking bullshit..
isang malaking pagkakamali..
at sobrang tanga ko para umasa..
andun yung pakiramdam na para kang tinaihan ng baka sa ulo mo habang nakabukas pa yung bibig mo... T,T
---o0o---
earlier in the morning..
ang nangyari kasi eh mas nauna kong i-check yung primary account ko kesa dun sa follower account...
..after a month..
mawawalan na ng silbi lahat ng data na nakuha ko tungkol sa schedule mo sa school... T,T
[ feeling unti-unti nang nami-miss ang mga mumunting bagay tungkol sa Espasol ko... ]
---o0o---
at noong maalala ko na hindi ko pa pala nasisilip yung follower account ko...
hindi..
imposible 'to..
ano bang ginagawa mo, Ineng..?
bakit mo biglang ini-unblock ang account ko..?
hindi mo ba nabasa na 48 hours pa ulit ang kailangan mong hintayin bago mo ulit ako mai-block..?
hindi mo man lang ba naisip na posibleng makita ko yung ginawa mo na yun..?
at nakita ko na nga..
dahil sa totoo lang araw-araw kong chini-check yung account ko na yun hoping na one day eh ia-unblock mo nga ako..
at hoping na one day, sasagutin mo rin lahat-lahat yung mga tanong ko sa'yo...
totoong may mga makikita ka rin dun na data tungkol sa kasalukuyan kong nararamdaman para sa'yo..
maging yung cover photo na reminder ko sa sarili ko kung gaano mo ako nasaktan..
pero, ano nga ba ang iniisip mo sa ngayon..?
sinusubukan mo bang malaman kung ako nga yung nagpadala nung mga bulaklak noong 27...?
[ feeling ..iyak na lang nang iyak sa sobrang pagkalito... ]
this is supposedly 85 days after akong i-block nung Espasol sa Facebook...
---o0o---
at
heto naman yung reply ko sa message ng isa kong friend noong tanghali
na, na nagde-describe kung ano ba talaga yung nangyari noong umaga kung
bakit ako nasorpresa:
hi!
good afternoon, [name of friend]...
oo eh..
kasi hindi naman niya talaga ako b-in-lock dati, di ga..
tas nung sinabihan nga niya ako na huwag ko na rin siyang i-cha-chat eh s-in-uggest ko sa kanya na i-block na niya ako..
siguro less than a day lang after i told her about that, eh b-in-lock na nga niya ako...
tas ngayong araw nga lang..
nasorpresa ako nung bisitahin ko yung account ko, tas nakita ko na sa Messages eh may picture na ulit yung Facebook ID niya..
naisip ko nga na mukhang in-unblock na niya ako..
in-open
ko nga yung conversations namin, at ayun, visible na nga ulit siya para
sa akin - meaning na inalis nga niya yung pagka-block niya sa akin...
kinakabahan ako, [name of friend]..
hindi ko kasi alam na naman kung anong tumatakbo dun sa utak nung batang Espasol eh..
hindi ko alam kung chini-check ba niya ako o baka pino-provoke lang... T,T
at heto pa ang isang reply sa later message nung friend ko:
[name]..? nope..
iba pong account ko yung naka-link sa kanya eh..
eh andami ko pa namang pen names na ginagamit..
kaya hindi po niya ako basta mahuhuli dun...
pero ch-in-eck ko yung mga messages ko sa kanya dati..
at merong clue dun na pwedeng mai-connect niya dun sa flowers last September 27..
aside from that, eh posible ring mai-connect niya yung latest wall post ko dun sa account na yun dun nga sa flowers..
sinabi
ko kasi dun yung mga hinaing ko eh - na kesyo alam kong malapit na
siyang umalis, at hindi ko na siya magawang lapitan dahil mismo sa
pagbabawal niya sa akin na gawin yun, at na parang wala na nga akong
magagawa kundi maghintay na lang hanggang sa lumayo na siya...
wala naman akong inaasahan na na magandang posibleng mangyari..
pero
siyempre, hindi ko maiwasang ma-curious sa kung ano ba ang tumatakbo sa
isip nung batang Espasol sa ngayon kung bakit niya nagawa yung bagay na
yun...
---o0o---
warning, dahil heto na yung sobrang nakakahiyang part ng nobelang 'to...
hapon na..
kaya naisip ko na mag-check na ulit ng Messages dun sa follower account ko..
baka kako may panibago na namang sorpresa eh, gaya ng isang message galing sa kanya...
so ayun nga..
edi nag-log-in ako dun sa account ko na yun..
medyo topak pa nga ang internet connection ko noong time na yun..
at nangyari na nga yung bagay na hindi ko kaagad naisip na i-consider...
nagpunta ako sa Messages..
in-open ko yung conversations namin..
at habang ini-inspect ko yung entry niya dun..
eh napansin ko na naka-black font pa rin ito..
kapag
kasi naka-block ang isang user eh mawawalan ng image yung ID picture
nito (dahil base sa policy ng Facebook eh hindi na magkakakitaan maging
ng thumbnail ng ID picture man yung user na nang-block at yung user na
b-in-lock niya), at tsaka nagiging black yung font nung username niya..
kapag ganun ay hindi na yun maki-click..
kapag nag-hover ka naman ng mouse pointer eh hindi na rin magpa-pop-up yung preview nung ID at cover photo nung user na yun...
that time na-realize ko na mukhang nagkamali lang ako ng interpretasyon sa mga pangyayari..
hindi ko in-expect na magkakaroon ng error yung social networking site na yun sa ganito pang panahon..
kung kailan napaka-kritikal para sa akin na mabasa lahat ng ikinikilos at iniisip nung Espasol ko..
and to think na kahapon lang eh pulido pa naman yung blocking mechanism nila..
sobrang pang-asar..
na naiisip ko na posibleng si FATE na naman ang nasa likod nito para paglaruan lang ang isip ko... T,T
kaya naman, para makasiguro lang..
eh binuksan ko rin yung drone ko..
at gaya nga ng pangalawang assumption ko..
mukhang nagka-glitch sa blocking mechanism yung social networking site..
kaya lahat ng mga naka-block at nang-block na users eh nagkakakitaan na ng ID picture recently..
at hindi yun magandang balita para sa akin..
(NOTE: iba pa dito yung kaso kapag naka-deactivate lang yung account mo...)
kaya ayun..
'tang ina, F*c*book!
'tang ina, Z*ckerberg!!
'tang ina yung programming team na naka-assign sa blocking mechanism!!!
dapat sa inyo mawalan ng mga trabaho eh..
mga palpak kayo!!!!
i can't believe na isa lang yung false alarm..
why did it have to happen this October..?
isang F*c*book glitch kung saan nagkakakitaan ng thumbnail ng ID picture ang mga taong blocked na from one another..
sobra nila akong ipinahiya at pinagmukhang tanga..
bukod pa dun..
eh nalalagay din sa alanganin yung drone ko nang dahil lang sa error na yun..
nice timing!
sobrang gandang biro nito, FATE!!
kasalanan ko..
hindi ako dapat nagpadala sa excitement ko..
hindi ko dapat inisip na pulido na ang mga mechanism ng social networking site na yun..
nakalimutan kong i-double check ang sitwasyon bago ako nag-isip ng kung anu-ano..
sinabi ko na nga ba at imposible na makipag-ayos pa sa akin yung Espasol na yun..
hindi ako dapat umasa..
sobrang naging babaw ko..
to think na nag-iiyak pa ako dahil inakala kong finally gagawa na ng moves niya yung bata para maayos na ang lahat..
at
ngayon, wala na namang natitira sa akin kundi ang pagkapahiya sa aking
sarili, ang pagkapahiya sa mata ng ibang tao, at purong kabiguan lang...
non-sense lang pala ang mga pinagsasabi at pinag-iisip ko buong araw... T,T
No comments:
Post a Comment