Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 22, 2013 - My Requiem)

June 22, 2013..
2 months after kong gawin ang aking initial move..
ang araw ng aking Requiem..
(journal entry)

are yung kopya nung letter ko (na sobrang KAPAL at FEELINGERO T,T):


Miss Robledo..
pwede mo ba akong tulungan..?
gusto ko na kasing itanong yung hindi ko nagawang itanong sa'yo dati..
and i need you to be honest..
spare me, or break me even more..
dahil sa totoo lang, hanggang ngayon, wala pa rin akong makitang dahilan para ayawan na kita..
at nasasaktan ako, sa tuwing naiisip ko na 'wala' lang ako para sa'yo...

uunahin ko na ulit yung mga sorry ha..
sorry, kasi this is about how i feel for you - i couldn't help it..
and sorry kung hindi ko na 'to magawang itanong sa'yo nang harapan..
naubos na kasi yung lakas ng loob ko..
at yung kakapalan ng mukha ko..
at sobrang nahihiya na ako na humarap pa ulit sa'yo..
besides, nag-promise na rin kasi ako na hindi na kita ia-approach kung tungkol rin lang sa bagay na 'to ang sasabihin ko..
tsaka siguro, mas masasagot mo yung mga tanong ko nang husto kung hindi ko 'to idadaan sa personal...

sige na..
hindi ko na itatago sa'yo yung dahilan kung bakit gulung-gulo pa rin ako hanggang ngayon..
there's this stupid reason na pinanghahawakan ko pa rin hanggang ngayon..
oo, ang kapal ng mukha ko para umasa pa rin matapos ang mga nangyari..
pero ever since i heard about it, eh hindi na ako pinatahimik ng bopols kong sarili..
sa totoo lang, it would have been easier for me na kalimutan ka kung wala na lang sanang nagkuwento sa akin ng tungkol dun..
kaso andun na yun eh, nangyari na...

it happened 6 days after mo akong i-reject, bale May 9..
i didn't ask for it, basta na lang may nagkuwento sa akin out of nowhere..
akala niya siguro eh matutuwa ako dun sa istorya niya..
someone told me about this silly story..
i think it's 'silly' dahil iba yun kumpara dun sa kinahinatnan ko pagdating sa effort ko na makilala ka pa..
hindi ko alam kung gaano ba siya katotoo o ano, since yung mga sources are not very reliable..
wala rin akong makitang paraan kung paano ko siya mabe-verify, hindi ko rin naman kasi kilala ng personal yung stepmom mo eh - si Ma'am ****, right..?
and base sa mga kuwento, eh sa kanya daw nanggaling yung birong yun..
kaya sa'yo na lang ako lumalapit ngayon para malaman ko yung totoo..
sabi kasi dun sa biro na 'may crush ka daw sa akin'..
hindi ko alam kung saang panahon ba nanggaling yun, kung recent lang ba siya o dati pang istorya..?
but it broke me..
i would have been flattered kung nalaman ko yun bago mo pa ako na-reject..
but to think na lumabas lang siya, right after mo akong itinaboy (yun kasi yung pakiramdam ko), eh talagang nagulo nun yung mundo ko..
naglabasan nun yung mga tanong na:
- 'seryoso ba yung birong yun..?'
- 'then why would she reject me kung totoo man yun..?'
- 'baka naman na-misinterpret lang ng mga tao yung istorya..?'

andun yung pakiramdam ko noon na parang gusto kong pagalitan yung nagkuwento saken nun..
na gusto ko sanang sabihin na 'hindi yun yung tamang panahon para sa ganung klase ng biro! na huwag nyo naman akong pagkatuwaan!'..
how i wish na naiintindihan nila sana yung nararamdaman ko, kaso wala naman silang alam tungkol sa mga nangyari..
at hindi rin talaga sila yung mga tipo ng tao na pwede kong pagsabihan ng tungkol sa mga ganung bagay..
wrong timing na wrong timing naman kasi..
kaya pakiramdam ko tuloy na napagluruan pa ako ng pagkakataon..
sinasabi ko sa sarili ko na 'baka naman malaking pagkakamali lang ang lahat, na tsimis lang naman yun'..
baka kako naikuwento mo lang sa stepmom mo or sa family mo yung tungkol sa naging paglapit-lapit ko sa'yo noon, kaya ka nagawang biruin ni Ma'am **** sa akin..
or baka nagkamali sila ng interpretation sa kuwento mo - na sa halip na ako yung may gusto sa'yo, eh inakala nilang ikaw yung nagka-crush sa akin..
ah basta, sari-sari na yung ideya na pumasok sa utak ko eh..
at gulung-gulo na ako..
andun yung pakiramdam na may pinanghahawakan pa akong konti pang pag-asa, kung kaya hindi ko tuluyang ma-accept na ni-reject mo na nga ako...

kaya ayun ang first question ko sa'yo:
1) saan ba kasi nanggaling talaga yung birong yun, ano bang pinaghugutan nun..? bakit naman ako bibiruin sa'yo ng stepmom mo..?
2) totoo bang nagka-crush ka sa akin..? if 'YES', when and why..?

ang naging problema kasi eh parang contradicting na yung istorya na yun dun sa naging 'pagtataboy' mo sa akin..
hindi naman sa sinasabi ko na yung 'crush' automatically leads to 'love' na..
pero naisip ko lang na hindi ba pwedeng stepping stone yun para mas mapalapit ako sa'yo..
ayoko mang itanong sa'yo ang tungkol sa bagay na yun (dahil sobrang nakakahiya), pero sa ngayon yun na lang yung pinanghahawakan ko eh..
at ang naging resulting question nun eh:
3) bakit naman ire-reject ng isang babae ang lalaking crush niya 'DAW' kung gumagawa na nga ito ng paraan para makalapit sa kanya..?

at are pa yung ibang tanong:
4) like i said, your last message makes me feel na parang itinataboy mo ako, na parang ayaw na ayaw mong makilala kita - so why do you seem to hate me..? samantalang parang kabait mo namang makitungo sa akin dati.. may nagawa ba akong masama sa'yo..?
5) bakit mo nga ba ako ni-reject na kaagad..? from April 22 to May 3 eh napakaikli pa lang naman na panahon yun, at ni wala pa nga akong nagagawa nun eh...
6) bakit ayaw mo na lang kasi akong hayaan na subukang mapalapit sa'yo at makapasok sa buhay mo..?
7) naiilang ka ba sa akin simula nung malaman mo na interesado pala akong mas makilala ka pa nang husto..?
8) bakit nga ba bawal akong maka-connect sa'yo sa Facebook, maging sa text eh bawal ko ring makuha ang number mo..? pakiramdam ko tuloy na BAWAL talaga akong makapasok sa buhay mo...
9) mas gusto mo bang lumayo na lang ako at iwasan na kita nang tuluyan..?
10) mas gusto mo bang kalimutan na lang kita habambuhay..?

dati natutuwa talaga ako sa tuwing nakikita kita..
dahil madalas ka ngang ngumingiti..
inakala ko tuloy na cheerful ka talaga, at approachable - kahit na tungkol pa sa kahit na anong bagay..
kung alam ko lang na palalayuin mo lang ako kapag nagka-ideya ka na tungkol sa kung anuman ang nararamdaman ko para sa'yo..
edi sana hindi ko na lang sinubukan na mas makilala ka pa..
sana hindi ko na lang sinabi sa'yo ang lahat..
sana palihim na lang kitang ginusto hanggang sa mapagod na lang ako..
yun na yata yung pinakamalaki kong nagawang pagkakamali lately..
dahil kasi sa ginawa ko, parang hindi ko na tuloy makikita pang muli yung maganda mong mga ngiti...

11) single ka pa rin naman, di ba..? o baka naman nasa isang secret relationship ka na, at sinabi mo lang noon sa akin na wala ka pang boyfriend..?
12) are you in love with some other guy right now..? kaya parang inire-reserve mo na para sa kanya yang espesyal na lugar diyan sa puso mo..?

Miss Robledo..
ipagpaumanhin mo sana..
but i really need the answers from you..
all 12 questions - bawal ang blankong sagot..
feel free to say anything you want, just be sincere..
ikaw na lang kasi ang makapaglilinaw sa akin ng mga bagay-bagay eh..
so please..
ayoko nang tanungin nang tanungin ang sarili ko ng tungkol sa mga bagay na hindi ko rin naman masasagot..
tulungan mo naman akong makapag-decide - kung tama ba na gustuhin pa rin kita, o mas tama ba na kalimutan na lang kita...

sana magawa mong mapatawad ang puso ko..
hindi ko rin naman kasi hiniling na ikaw ang magustuhan ko eh..
basta na lang siyang nangyari..
hindi ko namalayan na unti-unti na palang nahulog ang loob ko sa'yo -
ang dalagitang tinatawag ko pa noon na 'Ineng'...


PS: sobrang ganda mo nga pala talagang magdala ng high heels..
nakita kasi kita last Thursday..
pasensya na, eh kita kasi sa screen ng pinto namin lahat ng nangyayari sa may labas eh..
at yun nga, bagay na bagay sa'yo yung ganun - ang mag-heels...

---o0o---


i was not planning to see her today..
ni wala nga talaga akong balak na maglalabas muna ng bahay para hindi niya talaga ako makita eh..
kaso nagkataon naman na nagkaroon ako ng kliyente..
so i was forced to come out..
siyempre pinagbuksan ko yung kliyente kong dalagita ng gate para papasukin siya..
tas saktong pagbukas ko ng gate namin eh narinig kong tumunog rin yung gate nina Miss Robledo..
i had a feeling that it was her..
kaya naman hindi ko siya nilingon, as in talikod kaagad..
pinaghintay ko saglit yung kliyente ko sa may terrace para kunin yung record book ko..
at habang nasa loob ako ng bahay, eh hindi ko rin naman natiis na hindi i-check kung sino nga ba yung lumabas mula sa lugar ng mga Robledo..
sinilip ko sa may isinumpang tindahan sa tapat namin kung sino ba yun..
at si Miss Robledo nga pala talaga iyon..
(lumakas na talaga yung pakiramdam ko pagdating sa kanya..)
damn coincidence! para hayaan ng pagkakataon na makita niya ako sa mismong araw kung kailan ko ni-launch ang aking final attack...

so ayun..
lumabas na rin ako para asikasuhin na yung kliyente kong dalagita..
at pagdaan ni Miss Robledo pabalik ng bahay nila eh hindi ko talaga siya nilingon man lang..
hanggang sa matapos na yung transaksyon namin ng aking kliyente...

after a few minutes eh lumarga na din yung buong mag-anak nila..
nasa loob ako ng bahay noon at nagbibilang ng pera eh..
ayoko talagang makita niya ako noong araw na yun..
pero ang pagkakataon naman ay talagang hindi pumapabor sa akin..
habang inilalabas yung SUV nila sa kanilang garahe, eh saktong dating naman ng kotse ng biological brother ko..
nakita ko yung mag-stepmom na parang kinikilatis yung kotse ng biological brother ko at ng asawa nito..
wala akong planong lumabas..
kaso bigla naman akong tinawag ng biological brother ko mula sa may gate namin..
tinawag nya paulit-ulit yung nickname na ginagamit nila sa akin..
kaya sumilip lang ako sa may pinto..
nagbilin siya sa akin na may darating daw na delivery at ako ang sasalubong..
hindi ako makaimik..
dahil ayokong marinig ako nung mag-stepmom..
kaso sabi ng biological brother ko na 'ba't ayaw mong sumagot'..
kaya napilitan rin akong magsalita..
ayun, siguro narinig ako nung mag-stepmom...

sobra na talaga yang pagkakataon na yan...

---o0o---


technically..
June 23 na ngayon..
at kinakabahan ako at natatakot na makita kung ano ba ang naging reply sa akin ni Miss Robledo kahapon..
ang totoo eh kahapon pa akong kinakabahan at nag-iiiyak...

bahala na nga...

---o0o---


at are na nga ang masamang nangyari..
my message was sent by 9:54 AM..
and base sa Facebook report eh she had probably read it by 1:48 PM..
so mga 3 hours and 54 minutes lang ang pagitan nun...

but unfortunately..
hindi niya talaga sinagot yun..
ni 'ha', ni 'ho' eh wala..
aw..
sobrang lupit naman niya talaga.. T,T
bakit ba wala siyang awa pagdating sa akin..? T,T
ano bang akala niya sa akin - masokista...? T,T


No comments:

Post a Comment