kaso parang hindi ko rin mararamdaman yun dahil sa iniliit ng komisyon ko this month..
nasira na nga nung nagdaang pesteng eleksyon ang kita ko last month, tas pati ba naman itong pesteng buwan na simula ng pesteng school year eh sinira na rin nila..
ikaw ba naman ang tumanggi nang tumanggi sa mga kliyente dahil nawawala yung pondo ng business..
nakakabuwiset..
eh halos mapupunta lang sa expenses ang kinita ko ngayon eh...
tapos andun pa yung mga pang-bopols na hirit ng mga taong may kasalanan kung bakit nasisira yung negosyo..
patatamaan pa ako na edi maghanap na ako ng trabaho, eh sila nga itong mga bobong sinaid na nang sinaid yung pera ng kamag-anak nila..
tapos mas inuna pang ipangutang yung pambayad ng utang niya, kesa sa bayarin sa kuryente at internet..
at katanga ko naman, dahil pinautang ko nga ang biological mother ko, dahil nangako siya sa akin na malapit na daw matapos yung pesteng processing ng retirement niya..
sana lang naiisip nila na sa halip na ipangutang at gamitin sa private school ang mga dumadating na pera..
eh sana eh binabalik na lang nila yung pondo nung negosyo..
tutal wala rin namang naipapasang accounting exam yung bobong bata eh..
30 to 40 thousand Php for 5 months, eh bayad na sana sila nun dun sa mga ninanakaw nila dun sa negosyo eh..
at hindi pa sana nila ako napeperwisyo sa sarili kong buhay...
hindi ko na alam ang gagawin ko..
lahat ng pang-load ko eh nautang na rin nila..
kagagastos sa load kahit wala namang kuwenta ang mga pinag-uusapan..
ni hindi ko na nga magawang mag-reload ng mga load wallet ko para ituloy yung micro-business ko eh..
sumasakit na ang ulo ko sa pagpapaikot ng mga pera ko..
ang masama nare eh baka mamaya eh may lumabas na ulit na bagong Star Wars nang wala naman akong cash on hand na...
haaay..
kailan nga ba magiging patas ang buhay..?
o forever na ba ang 'Tonight' ko..?
---o0o---
best way to get out of this CURSED life..?
just DIE...
everything's broken eh...
ang importanteng tanong sa lahat, eh kelan ba ang schedule ko..?
kakainip na eh...
---o0o---
tae, tulog na naman maghapon..
wala eh..
ang hirap nang gising..
lalamunin ka ng konsensya mo dahil sa panloloko mo sa mga blood relatives mo..
magi-guilty ka dahil hinihila ng bulok mong biological family yung mga blood relatives mo pababa..
magi-guilty ka dahil nasisira sila sa mga kliyente dahil sa kagagawan mo..
magi-guilty ka dahil nasisira na rin yung mismong negosyo nila dahil sa kapabayaan mo..
magi-guilty ka dahil alam mong buong buhay mo naging mabuti sa inyo ang mga taong yun, pero wala kang magawa kundi lokohin at biguin lang sila..
bukod pa dun yung kailangan mong isipin kung paanong hindi kayo mapuputulan ng kuryente, ng tubig, at ng internet..
bukod pa yung nakikita mong nagtatapon lang sila ng pera sa mga kapritsosong bagay..
bukod pa yung nanghihinayang ka na pati sweldo mo eh nawawala nang dahil sa pagpapa-uto mo sa biological family mo..
bukod pa yung pakikipag-debate mo madalas sa stupid mong biological mother na puros wala nang sense ang mga sinasabi at tinatanong - na kesyo bakit ka ba namomroblema sa buhay na parang hindi niya talaga naiintindihan yung damages na naidudulot ng katangahan niya..
bukod pa yung nakakairita nang maya't mayang paghahanap at paghahabol sa stupid biological mother mo ng HSBC na parang ang kulang na lang eh sabihin mo sa kanila na patay na yung taong hinahanap nila..
bukod pa yung pag-iisip mo ng paraan kung paanong patuloy na mapapatakbo yung iba mo pang raket dahil wala na ngang nagbabayad sa'yo ng mga utang nila..
bukod pa yung pag-iisip kung paano ka magpapatuloy sa koleksyon mo..
bukod pa yung pag-iisip kung paano mo ba matatapos yung manga-movie teaser mo nang garineng andaming gumugulo sa isip mo..
bukod pa yung pag-iisip kung gaano ka kamalas talaga sa buhay..
bukod pa yung pag-iisip at pagkatakot tungkol sa kung ano pa kayang kamalasan ang mararanasan mo sa mga susunod na araw..
at bukod pa talaga yung babaeng gumugulo sa isip mo, na tipong mapalingon ka lang sa may labas ng bahay nyo eh kumikirot na yung puso mo...
kagaling ko talagang mag-isip..
puros problema na lang eh..
hay..
nakakatamad na talaga 'to..
checkmate na nga ako dati..
tas mas na-checkmate pa ako ngayon...
wala bang feeling sa Facebook na 'SOBRANG DOWN'..?
---o0o---
hindi ako ganitong ka-pessimistic noon, hanggang sa napansin ko na lang na sunud-sunod na ang trahedya sa buhay ko..
kung pwede nga lang sana eh yung mas malalala na eh, na tipong may namamatay na miyembro ng biological family ko..
kaso hindi naman ganun..
puros medyo simple lang pero pangmatagalan naman na damages ang napapala ko... T,T
---o0o---
sana isang umaga..
ma-realize ko na lang na hindi na ako muling magigising pa dito sa masalimuot na mundong 'to..
(bale mas gusto ko palang wala na talaga akong ma-realize pa sa puntong yun - as in burado talaga ang existence)...
eternal slumber...
No comments:
Post a Comment