Wednesday, April 16, 2014

August 14, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman


The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman

bakit ko nga ba nakalimutan..?
na ang pinakamabisang paraan para maiwasang mag-isip tungkol sa kung anu-anong bagay - ay ang maglaro na lang ng computer game..
thanks sa Final Fantasy IV (DS) version...

lumilipas ang bawat araw nang hindi ko na masyadong napapansin ang mga nasa paligid ko..
lalo na yung Espasol na yun..
yun nga lang, kinakabahan pa rin ako sa tuwing nagkakalkal na ng mga cabinet yung biological demon father ko..
mahirap talaga na may kasamang katulad niya sa iisang bubong - nawawala yung tiwala mo sa mga tao at sa kapaligiran mo na rin..
balak siguro nung ipa-hack yung pin ng ATM ng biological mother ko para makanakaw na naman siya ng pera..
pinakaayaw ko talaga 'tong mga panahon na nagtatago siya dito sa bahay..
dahil ang worst case scenario eh ang biological mother ko na naman o ang mga biological brother ko ang magbabayad sa mga utang na hindi naman namin alam kung saan ginastos nung mokong na yun - at talagang nakaka-badtrip yung ganun...

tapos kapag andito siya sa bahay eh laging bukas ang tv sa maghapon at magdamag - eh wala naman siyang ambag sa pambayad ng kuryente..
tapos lagi pa ang hanap ng pagkain: merienda sa umaga, sa hapon, at sa gabi - kapag tinamaan pa ng lintik eh nagluluto - nasayang na yung pagkain namin dapat para sa basic meal, eh sayang pa sa gasul...

at ako nga eh are, nakikiaksaya na rin ng kuryente matakasan lang ang totoong mundo... T,T

alam kong dati eh sinabi ko na hindi ko na hihilingin pa ang kamatayan ng ibang tao..
pero nagkamali ako..
hindi ko naman in-expect na talagang uulit-uulitin pa rin ng demonyong yun yung panggagamit niya sa ibang tao na nagiging dahilan ng kanyang pagtatago eh..
please lang, mamatay ka na...


No comments:

Post a Comment