Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (July 10, 2013 - A New Hope?)

July 10, 2013..
(journal entry)

okay naman yung ginawa ko..
medyo may mga pagkakamali lang..
pero sana maayos pa sa hinaharap...

at ang plano ko sa ngayon, matapos akong ma-block..
edi makikiramdam pa rin..
susundin ko na ulit kung anuman ang idinidikta sa akin ng damdamin ko, kung pakiramdam ko na gusto ko siyang makita edi titingnan ko siya, kung gusto kong ma-check kung anu-ano pa ang mga Samba-dress at shoes niya edi iche-check ko.. hindi na ako iiwas kung hindi ko rin naman gustong gawin yun, dahil ako lang naman ang nahihirapan kapag ganun..
ipapaubaya ko na lang sa panahon at pagkakataon ang revelation ng mga bagay-bagay na gusto ko talagang malaman, since hindi nga sumasagot yung bata..
susuko lang ako kapag nagka-boyfriend na siya, o habang may boyfriend pa siya..
magpo-focus muna siguro ako sa development ng sarili ko (kung talagang posible pa nga yun at kung hindi na ako hahadlangan ng pagkakataon).. para naman maging deserving ako sa isang katulad ni Miss Robledo kung saka-sakali..
magko-concentrate na muna ako dun sa pagbuo ko nung manga movie ko (kahit na wala naman akong sariling malakas na scanner at computer na kayang mag-edit sa photoshop at mag-edit ng video)..
tas by next year, kung single pa rin nga yung bata, at kung sa puntong yun eh gusto ko pa rin talaga siya, edi susubukan ko ulit na sumugal at liligawan ko na siya...


No comments:

Post a Comment