Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - February 28, 2014 (Guitar Guy)

February 27, 2014..
end of Wednesday na pero nandito pa rin siya...

ayoko ng ganitong pakiramdam na para akong laging aligaga (tama ba 'tong Tagalog ko..?)..
basta hindi ako mapakali kapag nandito siya...

ang nangyari kasi eh mas tutok na ako sa pagbabantay ko sa kanya ngayon..
noon naman kasing regular pa siya sa school eh madali lang i-predict kung nasaan siya..
either school o bahay lang...

kaso nitong nag-start na siyang mag-training sa Manila eh mas tumindi na yung pag-aalala ko sa kanya..
dahil sa pagkakaroon niya ng tendency ng pagluwas-luwas, eh hindi na ako mapalagay ngayon..
nasanay na kasi akong inaalam kung kailan ba siya umaalis at umuuwi..
mas nakakampante kasi ako kapag may ideya ako kung nasaan siya parati..
mas kampante ako kapag nakikita ko siya mismo - kasi at least nalalaman kong okay at safe lang siya..
kaya naman nitong mga nakaraang araw eh bantay na bantay ako sa kanya para malaman ko lang kung kailan na ba siya ulit luluwas...

hindi ko kasi alam kung tapos na ba siya sa training niya o kung may inaasikaso lang siya sa school eh..
natatakot ako na baka tuluyan na akong matakasan nung bata..

eh pang-mauunlad na cities pa naman yung career niya..
siyempre ayokong malaman na lang isang araw na nakaluwas na pala siya nang walang balikan..
na kesyo napili na pala niyang mag-stay sa lugar na malayo naman sa akin... T,T 
feeling , drugs ka ba..? - eh kasi naadik na ako sa pagiging concern sa'yo eh...

---o0o---


February 28, 2014..
ang totoo, asar na asar ako sa araw na 'to..
hindi ko na-predict na marami pala akong dapat na obserbahan tungkol kay Crush..
pero dahil sa pagka-manyakis ng biological demon sperm donor ko, eh ako ang nag-alaga sa biological nephew ko sa mga maling pagkakataon..
though nakatulong rin naman yung pag-aalaga ko para malaman ko kung ano ba yung nangyari noong araw na 'to...

ang nangyari kasi..
mga bandang 11:00 AM na noon..
mahilig yung biological nephew kong tumambay sa labas ng kalye, kaya naman kinarga ko siya doon sa may shade ng puno sa tapat ng bahay nila (i mean, doon sa bahay nung baby).. 
noong mga oras na yun, napansin ko nang parang may mga nagbibiruan sa poder nina Crush...

after several minutes, nalikutan na ako dun sa sanggol..
kaya naisipan kong iupo na lang muna siya doon sa swing niya sa tapat ng bahay namin..
noong mga oras na yun, saka ko napansin na may misteryosong guitar guy pala sa bahay ng nagugustuhan kong babae..
he was playing with a guitar (kaya siya naging 'guitar guy')..
pulido naman siyang tumugtog for both strums and plucking..
puros love songs yata yung tinutugtog niya, tas isa pa sa mga yun eh yung pang-Be Careful na may lyrics na 'sorry, pwede ba'..
base sa music choices niya at sa boses niya eh tila isa siyang binata, kasing edad siguro ni Crush...

sa punto na na-realize ko na andun pala yung lalaking yun, eh nakaramdam ako ng lungkot..
eh ni hindi ko nga siya nakita at naitsurahan noong buong araw na iyon dahil nga sa abalang dulot ng biological demon sperm donor ko, at dahil na rin sa pag-general cleaning ko ng kuwarto ko..
edi ayun, puros selos yung naramdaman ko..
kasi parang ang saya-saya rin nung biruan nila, though hindi ko naman lubusang naiintindihan yung mga dialog nila..
andaming tanong na biglang pumasok sa isip ko:
sino ba yung lalaki..?
na kesyo manliligaw ba siya..?
na hinayaan ba siya nina Sir at Ma'am na makaakyat na ng ligaw sa mismong bahay nila kahit na hindi pa naman talaga nakaka-graduate si Crush..?

after mainip nung baby sa swing, eh bumalik kami sa kargahan doon sa tapat ng bahay nila (i mean, yung sa baby pa rin)..
ginawa ko yun kasi i was really curious kung sino ba yung masuwerteng lalaking yun..
by 11:25 AM eh natunugan kong may lalabas sa gate nina Crush..
narinig ko rin noon na parang nagtalo o nagbiruan o inasar ni Ma'am ang anak-anakan niya..
basta parang pasitang sinabi ni Ma'am na '..paalis na...', tapos sumagot naman si Crush na '..wala..' o '..hindi..'..
hindi ko masyadong nakuha yung buong lines nila eh, pero yun yung mga na-absorb kong wordings..  
pero hindi ako lumingon doon, kasi ganun ako kapag sa labas ako ng kalye nagmamanman eh - hindi ko direktang tinitingnan yung bahay nila..
sumugal ako na hindi tingnan kung sino yung lalabas, kahit na posibleng hindi ko siya makita kapag palabas ng subdivision yung tinahak nya (yung tinatambayan kasi namin eh sa papaloob ng subdivision yung direksyon)..
bale nakatalikod ako sa direksyon ng bahay nila para hindi naman obvious, at pinakiramdaman ko lang muna ang mangyayari...

at nasorpresa naman ako noong dumaan na sa tapat namin ang babaeng bumihag sa atensyon ko..
medyo seksi na naman siya; naka-pink na printed tee shirt, blue denim shorts yata, at black flip-flops..
kagaya ng ginagawa ko na naman lately, hindi rin siya para basta-basta lumingon sa akin nang walang rason..
pagkadaan niya, naisip ko tuloy kung sinita ba siya ni Ma'am dahil alam nito na makikita ko yung stepdaughter niya dahil sa gagawin nito..?

pakiramdam ko tuloy na tutol talaga sa akin si Ma'am eh.. T,T
anyway..
hindi pa man nakakarating si Crush sa pupuntahan niya, eh bigla namang sumulpot yung isa sa kliyente ko sa yelo na Bella Padilla ang dating..
kinailangan ko siyang asikasuhin siyempre, naisip ko nga na baka sakaling magselos si Crush dun sa kliyente kong iyon eh..
natapos ko nang bentahan yung babae, at suwerte naman na pagbalik ko sa tambayan eh hindi pa rin nakakabalik si Crush..
doon pala siya sa tindahan na malapit sa basketball court sa looban nagtungo..
hinintay ko kung anong magiging reaksiyon niya sa muling pagdaan niya sa tapat namin..
sinubukan ko siyang titigan..
pero mukhang wala siyang balak na tumingin dahil abala siya sa cellphone niya..
o baka naman hinihintay lang niya na tawagin ko siya..?
kaya naisip ko na 'huwag na lang, hindi pa rin naman pwede eh, at baka nasa likod ko lang sina Stepmom noon'...

noon ring mga oras na iyon eh inilabas nga pala yung kotse nila..
i'm not sure kung kailan ito mismo umalis..
o kung sumama ba sa paglarga nito si Crush...

after that eh nagpakain ako ng bata..
hanggang sa mag-general cleaning na nga ako..


sa mga oras na yun, andami ko na namang na-miss na movement sa poder nila..
sayang..
kasi mas naging malinaw sana kung anu-ano yung mga nangyari sa araw na iyon, kung naobserbahan ko lang ang mga ito nang husto...

dumating ang hapon..
bumalik na rin sa wakas si Ma'am..
tapos na rin ako noon sa paglilinis ng kuwarto ko, kaya naisip kong mag-obserba at baka may mangyari na naman na interesante..
by 4:12 PM nga eh may lumabas na ulit sa poder nila..
una ko talagang nakita si Crush..
naka-dress siya, isang brown (basta earth color) na may pagka-leopard print na 3/4 ang sleeves at above the knee ang taas na one piece dress..
tapos naka-black high heels pa siya at tila bagong kulot na ulit..
tapos eh ihahatid pa siya ni Ma'am sa pupuntahan niya..
naisip ko tuloy na 'aba teka, seryosohan na 'to ah?'..
idi-date ba niya yung guitar guy..??
naisip ko rin naman na baka para lang yun sa isang school event, kasi masyado siyang bihis..
pero hindi kasi bago yung dress niya eh, hindi rin gown-type, kaya na-consider ko pa rin nga na baka lalabas siya para sa isang date..
tapos by 5:44 PM eh nagatungan pa yung iniisip ko..
bumalik na kasi ulit noon si Stepmom, pero hindi na siya kasama..
at siguro mga 8:00 PM na siya nakauwi kagabi...

halos lagi akong tutok sa kanya this week..
pero ewan ko ba..
kung kailan kasi ako hindi nakatingin, eh saka naman sila may ginagawang mga kakaibang moves.. 
at ganun nga..
nagselos ako at nasaktan dahil sa isang bagay na wala pa namang katiyakan... T,T

---o0o---


March 1, 2014...

goodbye..!?
she believed, he lied..!?
ano bang ibig sabihin ng mga yun..??

ako ba yung tinutukoy mo, o meron ka na talagang ibang mangingirog..??
pinaghintay ako ng Stepmom mo, tapos maggu-goodbye ka na naman kaagad..???


so ibig bang sabihin na manliligaw mo na nga yung kahapon..?
at nakapanhik pa siya sa bahay nyo..?
at inaprubahan ba siya nina Sir at Ma'am, samantalang ako eh hindi..?
at nakipag-date ka pa ng naka-heels..?
at si Ma'am pa talaga ang naghatid sa'yo sa venue..?


(latest development as of March 1, 2014)..
okay..

sorry, kung inisip ko na 'date' talaga yung pinuntahan mo..
siguro nga para sa event ng school nyo yung lakad mo kahapon..
pero hindi ko pa rin alam kung sino at ano para sa'yo yung guitar guy na bisita nyo noong umaga..
malay ko ba kung date mo nga yun kahapon sa event nyo...


unfair naman yun (kung sakaling totoo)... T,T


PS: sabi na nga ba at mali yung suot niyang dress eh..
classy kaya yung suot ng mga batchmates niya..
mga naka-tube-type pa..
salamat na lang sa isa sa mga batchmate niya sa pag-klaro sa akin ng isa sa mga bagay na nakapag-paisip sa akin kahapon... :) 
feeling , huwag ka naman kaagad sumuko sa love team natin - hindi ko rin naman gustong patagalin pa 'to eh.


No comments:

Post a Comment