Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 12, 2013 - Panirang Bakasyon dahil sa Independence Day)

June 12, 2013..
(non-journal entry)

kailangan ko siyang makalimutan na..
dapat yung natural..
hindi yung araw-araw kong pinapamukha sa sarili ko na may kinakalimutan nga akong tao..
eh paano nga yung magtatagumpay kung ganun..?
kung that thought itself reminds me of her...T,T

---o0o---


shit!
i broke the streak..
i'm sorry..
dammit you independence day..
nanonood kasi ako ng tv eh..
nang biglang tumunog yung gate nila..
gumana tuloy yung reflexes ko nang hindi ko namamalayan..
nakita ko tuloy siya nang saglit.. T,T
naka-tangerine tee shirt..
at loose ponytail...

---o0o---


ano na nga ba ang dapat kong gawin ngayon..?
ilang linggo na rin akong idle eh...

i can't believe na kino-consider ko 'to ngayon nang dahil sa Espasol..
kabaliktaran pa naman nito yung original kong balak..
akala ko pa naman mamo-motivate niya akong magustuhan na ang buhay kung hinayaan man lang niya akong makilala siya..
kaso gunaw yung kinahinatnan ng buhay ko..
lumo...

may job offer kasi sa akin ang kaisa-isa kong mabuting Ninong sa mundo..
30,000 Php a month..
hindi na siguro masama yun..
kaso kailangan ko muna ng eligiblity sa civil service...

ewan..
sobrang naguguluhan na ako..
panahon na nga ba para isuko ko na ang mga pangarap ko..?
tutal parang wala ng katuparan yung mga yun eh..
kailangan ko na lang ba talagang mag-focus sa survival ko - para lang hindi masyadong maging brutal at masakit ang pangarap kong katapusan..?
sa bagay kung maglalalabas na ako sa mundo eh mas malapit na ako noon sa mga disgrasya, kaya hindi na siguro masama..
malas ko na lang kung mapuruhan ako pero maka-survive pa rin... >,<

pero sa totoo lang..
mas kino-consider ko 'to ngayon para lang makalayo na ako sa babaeng gustung-gusto ko sa ngayon..
siguro kapag tuluyan na akong nalayo sa kanya eh saka ko lang siya magagawang kalimutan na...

yun nga lang..
ang tanong eh, kaya ko na ba..?
Cavite, Laguna, Batangas, NCR..?
eh puros weakness ko yung mga lugar na yun eh..
impiyerno ang epekto saken..
huminga lang ako eh automatic na akong pagpapawisan dahil sa hyperhidrosis ko..
alangan namang araw-araw na lang akong mag-amoy daga in public.. >,<
dito naman sa lungsod na 'to eh halos walang oportunidad, at tsaka andito pa nga ngayon yung babaeng Espasol na yun...

tsaka kailangan ko ng lugar kung saan pwede kong dalhin ang kabuuan ng One Piece ko..
yung hindi dinudumog ng mga reproductive termites..
hindi pinamamahayan ng mga langgam..
at yung hindi binabaha o pinapasok ng ulan...

---o0o---


kung alam mo lang..
yung pakiramdam na gusto kitang makita..
pero kailangan kong pigilan ang sarili ko..
dahil hindi ko na talaga pwedeng gawin yung mga bagay na nakasanayan ko na..
dahil alam kong mas masasaktan lang ako kapag lalo pa akong nahulog para sa'yo...

well..
ganun yata talaga yung kaparusahan..
kapag nagkagusto ka sa babaeng ayaw naman sa'yo...

hindi na ako binibigyan ng katahimikan ng isang 'to...


No comments:

Post a Comment