Saturday, April 12, 2014

June 13, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman


The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman

school year na ulit..
at nasa college na nga yung biological demon brother ko..
hindi pa man opisyal na nagsisimula ang klase nila eh andami nang binibigay na financial problem nung demonyong bata na yun..

andyan yung:
- ultimo tagihawatin niyang mukha eh gustong gastusan nang mainam dahil nakakahiya daw sa klase nila..
ano bang gusto niyang putang ina siya, ipa-Vicky Belo siya..? ano siya artista!??
- andyan yung mga high level na gastusin, kailangan puros printed, hindi pwedeng photo copy.. kailangan ay computerized, hindi pwedeng hand-written..
- tapos 120 Php daw yung baon niya a day.. pinakamalaki sa kasaysayan naming biological siblings.. pero ang masama nun eh bukod pa dun yung allowance niya sa load, na ang biological mother ko ang nagbabayad.. na matapos kong ma-load-an siya, ay yun pala ay ia-unli lang yung load niya para matawagan niya yung bago niyang puta na babae.. maiintindihan ko sana kung mahalaga yung pinag-uusapan nila eh.. eh kaso eh nagkuwento lang kung anong nangyari sa first day niya of school eh.. kakarumi ang sobrang pagpapa-uto sa kanya ng nanay niya..
- tapos kahapon eh layas na naman.. kunwari ay para sa pag-aaral ang pagkakaabalahan.. pero noong kausap naman yung babae nya sa phone, eh halata namang sila yung magkikita at isa-sideline lang yung kunwaring pag-aaral.. ang sa akin lang, sobrang tanga na talaga ng biological family na 'to para tustusan pa yung date niya, sarili na niya dapat yung gastos eh...


kay imbecile woman naman eh tuloy na ulit yung problema ko..
pasukan na kasi kaya panay ang dating dapat ng mga pera mula sa mga kababayan nila, para sa mga estudyante nila na lumuwas pa sa Luzon para makapag-aral..
pero dahil nga nasa tanga kong biological mother yung karamihan ng pera..
eh wala akong mai-release sa mga tao..
at ang masamang resulta:
- tigil yung negosyo sa branch namin..
- lumilipat sa iba yung mga kliyente namin..
- at napupuno lang ng kahihiyan ang pagkatao ko..
maige sana kung pwede kong sabihin sa kanila yung totoo na ang bopols kong biological mother ang dumekwat sa mga pera nila eh..
pero para sa kahihiyan ng buong biological family ko, napipilitan akong i-absorb na lang lahat ng kapalpakan at sisi...


at bilang panghuli..
yung biological demon father ko..
ayun, after matalo ng grupo nila sa nakaraang eleksyon eh balik na naman sa pagiging miserable..
are at nagiging delikadong tao na naman..
nangangalkal ng mga cabinet..
nagnanakaw ng kahit na anong pera na makita nya..
nangingikil sa mga anak niya..
at nagsusunog pa ng mga hindi maipaliwanag na bagay..? parang tanga talaga.. eh kung makasunog siya ng bahay ng may bahay.. >,<
tapos mainit pa ang mata doon sa retirement benefits na hinihintay ng biological mother ko..
kesyo gusto daw niya ulit magtayo ng casino..
sus...


kaya ayun..
halos walang pinagbago sa mga dati kong masasamang karanasan..
ang masama nare eh, sinabayan pa ng kabiguan ng puso ko... T,T


No comments:

Post a Comment