(non-journal entry)
earlier thoughts muna...
ano bang pumapasok sa isip ko..?
99% na yung chance na may mahal na nga siyang iba..
pero bakit ba ako nag-aalala nang dahil sa kalungkutan niya..
problema na nila dapat yun, di ga..?
bakit ko ba iniisip na makisawsaw pa..?
ano ako, superhero..?
tingin ko ba talaga na matutulungan ko siya kahit papaano..?
iniisip ko ba talaga na mapapasaya ko yung bata..?
mag-isip naman nang maige, *name*..
mas may kabuluhan pa ang Star Wars kumpara sa mga babae...
---o0o---
nagiging impulsive ka dahil sa emosyon mo, kaya't kahit na alam mong mali na, eh gusto mo pa ring magpaka-martir..
tanga ka talaga..
kung nabibili lang sana ang sleeping pills sa ebay, edi sana tapos na yang mga pagde-desisyon na yan matagal na... >,<
---o0o---
hoy, bobong *name*!
ganito na lang ang deal naten..
you still have 10 days to decide on what to do..
at tutal may kakayahan ka na rin lang na basahin ang iniisip ng ibang tao..
eh lubusin mo na..
within 10 days at hindi nagbago ang mood ng Espasol..
within 10 days at walang ginawang magandang hakbang yung kupalin na magaling na lalaking yun..
edi sige..
gawin mo yung plano mo..
makialam ka na...
ipapagamit ko sa'yo yung Star Wars budget naten para lang dyan sa kapritsoso at walang kasiguraduhan mong pambababae...
simple lang ang goal..
hindi mo kailangang magpa-pogi na parang aso..
ni hindi niya kailangang malaman na gagawin mo 'to..
it doesn't matter kung ikaw man o ibang lalaki ang gagawa nito para sa kanya..
hindi rin mahalaga kung anong nararamdaman mo..
you just have to try and make her feel or realize that she's still being appreciated..
na hindi tamang umikot lang yung mundo niya sa kupalin na lalaking yun (teka, kailangan ko rin sigurong i-advice 'to sa sarili ko ah)..
make her smile at medyo ilayo siya doon sa kalungkutan na idinudulot sa kanya nung 'luckiest guy on Earth' na yun, and that's it...
okay..?
---o0o---
stupid na kung stupid, basta walang basagan ng trip, tutal buhay ko naman 'to...
---o0o---
8:30 PM na siya nakauwi ngayong gabi..
hindi ko sigurado..
but it seems na may naghatid sa kanya..
naka-kotse pa yata eh..
hindi ko talaga masabi dahil hindi ko naman siya nakitang bumaba mismo galing sa kotse eh..
basta ganun lang yung pakiramdam ko..
pero posible rin naman na nagkataon lang na nagkasabay yung dating niya at nung kotse ng kapitbahay namin..
ah, ewan..
selos-mode lang siguro 'to...
gusto kong malaman kung sino bang karibal ko..
kung ano ba talaga ang kalibre nung kupaling 'luckiest guy on Earth' na yun..
gusto kong malaman kung gaano siya ka-perpekto..
kung Iglesia ba siya..
at kung bakit ganun na lang ang epekto niya dun sa Espasol...
No comments:
Post a Comment