Friday, February 26, 2021

Set Aside the Criminal Difference

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 231...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 264 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung dating opisyales na idinadawit sa anomalya, pero muling bibigyan ng katungkulan ngayon
  • sa isang makabuluhang okasyon, yung mensahe tungkol sa pagwaksi sa mga hindi pagkakatulad samantalang hindi pa nga nakakamit ang hustisya laban sa mga tiwali
  • yung walang balak na hayaan na makapag-operate na gaya ng dati ang isang TV network kahit pa mabigyan ito ng permit ng mga kay kakayahan na magbigay ng ganun
  • yung may binuksan na issue na kaugnay ng isang bangko, pero muli namang na-clear yung TV network
  • yung pangmamaliit sa mga kababaihan regarding sa pamumuno
  • yung pagbabaling ng sisi sa mga Internet Service Provider dahil sa paglaganap ng child pornography
  • yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
  • yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
  • yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
  • yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
  • yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
  • yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
  • yung pag-aasal extortionist laban sa mga taga-West
  • kapag para sa Imperyo, eh libre lahat ng access, pero kapag mga taga-West, eh kailangan parati na may bayad o limos na ibibigay
  • yung pambibintang sa mga taga-Europe na kesyo iniipit daw yung mga vaccine
  • yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
  • yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
  • yung pinapalabas na masama ang pagbusisi sa pamimili ng mga vaccine, kahit na may mga kuwestiyonable naman talagang impormasyon na lumalabas
  • yung ayaw maging ehemplo sa pagpapabakuna
  • yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines
  • yung ayaw pahusgahan ang Imperial vaccine, pero hinuhusgahan na kaagad ang Pfizer vaccine
  • yung pagtatanggol na may sapat daw na kaalaman ang mga Imperyalista tungkol sa mga vaccine

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Daet, Camarines Norte, yung pulis na miyembro ng Police Mobile Force Battalion na hinuli dahil sa pagbebenta raw ng ilegal na droga
  • sa Pampanga, yung Konsehal na nahuli sa buy-bust operation
  • sa CALABARZON, yung 2 pulis na pinasisibak sa katungkulan matapos na mahuling nagpositibo sa illegal drugs
  • sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
  • sa Zambales, yung 4 na pulis na bahagi ng drug enforcement unit at 1 sibilyan na nahuli sa buy-bust operation sa isang shabu laboratory
  • sa Rio Hondo, sa Zamboanga City, yung sundalo at 3 pa niyang kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Arayat, Pampanga, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong mga baril
  • sa Calbayog City, sa Samar, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon niya ng mga hindi lisensyadong baril
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa Caloocan City Hall, yung empleyado na hinuli dahil daw sa pangingikil, business permit daw yung target
  • yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
  • sa Pasay, yung Deputy Warden ng Taguig City Jail, na inaresto dahil sa kasong panggagahasa raw sa 1 sa kanyang mga boarders
  • sa Zamboanga del Norte, yung dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na inaresto dahil sa patong-patong na kaso ng rape laban sa sarili niyang menor de edad na anak na babae
  • sa Camp CastaƱeda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
  • sa ParaƱaque City, yung clearing operations kung saan sinipa sa mukha ang isang lalaki na nasukol na nang husto ng ParaƱaque Task Force, nag-ugat yung gulo sa agawan sa kariton
  • sa Bacoor, Cavite, yung Traffic Enforcer na namaril at nakipagbuno sa ilang lalaki dahil lang daw sa pagkakaroon ng argumento
  • sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
  • sa San Rafael, Bulacan, yung dating pulis na wanted dahil sa kasong murder na napatay sa shootout
  • sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
  • sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa
  • sa Basilan, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa kasong murder, na from 2005 pa, may nakuha rin daw na baril at mga bala sa barangay hall kung saan nadakip yung suspek

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Davao City Jail, yung nasa Php 2 Million daw na halaga ng shabu na nadiskubre sa mga walis na donasyon daw ng kung anong religious group
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
  • sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
  • yung Mayor ng Los BaƱos, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung 2 Aeta na no read, no write daw, na dinakip dahil daw sa pagtatago ng mga armas at subersibong mga dokumento
  • sa Cebu City, yung pag-aresto ng mga pulis sa mga estudyante at mga guro sa isang Lumad school, kesyo rescue operation daw
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
  • sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
  • sa Laguna, yung aktibista raw na magsasaka na mula pa sa Bulacan, na natagpuang patay, nakasilid sa drum, at ginamitan pa ng concrete
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
  • yung sinasabing Search Warrant Queen

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung naguguluhan na ang mga expert kung kailan nga ba ang tamang panahon sa pagdadaan sa mga international travelers sa swab test
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung kagustuhan na hayaan na ang mga bata na maglalabas din ng bahay, para daw sa ekonomiya
  • yung planong buksan na ang mga indoor cinemas kahit na napasok na ang bayan ng UK variant at hindi nga ma-determine pa kung paanong nahawaan nun yung ibang mga carriers
  • yung suggestion na magbaba ng quarantine protocol para sa buong bayan, kung kailan may mga kumakalat na mas nakahahawa at hindi basta-basta kinakaya ng mga vacccine na COVID-19 variant
  • yung mga area ng mga tourist destination, na ayaw na ngayong mag-require ng COVID-19 test, kung kailan may mas malalakas na variant na ang pasimpleng kumakalat
  • yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
  • yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
  • yung masyadong paghihigpit sa mga local government unit at private companies sa pag-aangkat ng mga ito ng COVID-19 vaccines, at mas willing pa nga na mangutang na lang ng limpak-limpak na halaga na ikababaon ng bayan
  • yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
  • yung namimili sila ng mas mahal pero less effective na COVID-19 vaccine, tapos sasabihan ang mga mamamayan na huwag daw maselan pagdating sa pagpapabakuna
  • yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
  • yung paiba-ibang presyuhan ng confidential na Imperial vaccine, na mahal pa rin para sa bayan kumpara sa presyo nila para sa ibang mga bansa
  • yung mga lihiman tungkol sa presyuhan ng mga bakuna
  • yung may paparating na raw na supply ng Imperial vaccine sa bayan, samantalang ni wala pa nga silang nakukuhang permiso
  • yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
  • yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
  • yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
  • yung maganda na raw ang response ng pamunuan laban sa COVID-19, samantalang nakapasok na rin nga sa bayan yung UK variant dahil sa kawalan ng total international travel ban gaya pa rin noong 2020
  • yung okay lang daw na may mga vaccine na masira
  • yung opisyales na binabago-bago na yung efficacy rate para lang maka-convince ng mga mamamayan, samantalang balitang-balita na kung gaano lang kabisa ang galing sa Imperyo, pero minamanipula ngayon at pinapalabas na 100% na effective
  • yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
  • yung naging kapabayaan din pagdating sa indemnification
  • yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
  • yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
  • yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
  • yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
  • yung mga surgical mask na medyo matagal nang nasa merkado, na ngangayon lang sinisita dahil hindi pa pala regulated
  • sa Iloilo, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang public market dahil sa isang carrier na government employee na may pag-aari na stall doon sa lugar, kung saan nasa 220 daw yung napeste
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa mismong Navotas City Hall, nasa 20 plus ang nasabugan
  • sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
  • sa Davao City ulit, yung 4 na kawani ng LGU na kabilang daw sa Rapid Action Team laban sa COVID-19 na nahuling nag-iinuman sa loob ng isang paaralan, sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban doon
  • sa Caloocan City, yung 2 Barangay Captain na ipinagpapaliwanag tungkol sa naganap na paliga ng basketball sa kanilang lugar noong February 14
  • sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung muling napeste ng COVID-19 ang MRT system ngayong early 2021, sa depot daw
  • yung napeste ng COVID-19 ang Kalibo International Airport
  • yung Shangri-La sa Boracay, kung saan napeste ng COVID-19 yung mga staff
  • yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
  • yung napasok na ng COVID-19 UK variant ang bayan dahil sa kawalan ng total international travel ban
  • yung positive na rin ngayon yung ina at nobya nung original local COVID-19 UK variant carrier, samantalang dati eh negative pa RAW yung nobya
  • yung hinahanap pa ulit yung mga possible contact nung kauna-unahan daw na COVID-19 UK variant carrier
  • yung close contact ng COVID-19 UK variant local carrier na hindi pa rin mahagilap hanggang sa ngayon
  • yung 7 pasahero na nakasabay daw nung unang COVID-19 UK variant carrier, na positive na ngayon sa COVID-19
  • sa Bontoc, Mountain Province, yung ilang barangay na napeste na ng COVID-19 UK variant
  • sa Bontoc, yung umaabot na sa 80 plus ang mga close contact na mga COVID-19 virus carriers na rin
  • sa Calamba, Laguna, yung tinamaan ng COVID-19 UK variant, kaso ay wala namang known na possible close contact at wala ring travel history sa ibang bansa
  • yung UK variant carrier na taga-Cebu, OFW daw from Korea, na napag-alamang nagpagala-gala na sa Quezon City at Metro Manila kahit noong panahon na dapat naka-quarantine siya
  • sa Ilocos Norte, yung UK variant carrier na galing daw sa Bahrain, na sa halip na na-contain lang sana sa Metro Manila, eh hinayaan ngang makarating pa doon sa probinsiya
  • yung paghahabol sa voters' registration eh alam namang may delubyo pa sa paligid, sa bayan, at sa buong mundo
  • ang muling pagpoprotekta ng COMELEC sa premature campaigning
  • yung pinagtibay ng Supreme Court na disallowances laban sa PhilHealth na nauna nang nasilip ng COA, nasa lagpas Php 200 Million na mga kalokohang benefits
  • sa Cebu, yung mga opisyales ng PhilHealth at ng isang tunog Imperial na ospital, na kinasuhan ng NBI dahil sa sabwatan daw sa pag-iimbento ng FAKE COVID-19 claims ng pasyente
  • yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
  • yung mabagal na aksyon laban sa pagpapataas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth, kaya tuloy natuloy yung pagkaltas ng increased rate sa ibang mga members
  • yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
  • sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
  • yung nasilip ng COA sa Supreme Court, yung nasa halos Php 4 Billion daw na hindi nagamit na pondo, na ginawa na lang daw savings
  • yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • sa Quezon Avenue, sa Quezon City, yung maling signboard sa EDSA Busway Station na nagdulot ng kalituhan sa mga tao
  • sa Land Transportation Office (LTO), yung palpak na distribusyon nung bagong size ng mga motorcycle plate
  • yung mga kinasuhan ng graft dahil dun sa importation ng aluminum sheets yata iyon na gagamitin para sa mga plaka, pero lumalabas na underdeclared yung value sa Bureau of Customs
  • yung privatization daw ng mga motor vehicle inspection centers, pero ang problema ay hindi raw naman reliable yung mga machine
  • yung inirerekomenda din ng NBI para kasuhan, mga tauhan sa BOC at PDEA, patungkol sa shipment ng ilegal na droga noong 2019 yata iyon kung saan i-d-in-eclare yung kargamento bilang tapioca starch daw
  • yung mga bahagi ng pamahalaan na namimihasa na hindi na dumadaan sa consultations lately
  • yung FAKE news tungkol sa isang soft drink company, tungkol sa tanggalan ng mga empleyado
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
  • yung problema sa supply ng manok sa panahon ng COVID-19, for 2021
  • yung sobra-sobrang pagkiling daw ng Department of Agriculture sa importation
  • yung plano ng Department of Agriculture na babaan pa ang taripa para sa meat importation
  • yung opisyal na nagre-react nang dahil lang sa simpleng lyrics
  • yung opisyales na nagsisinungaling na kesyo nagtatagumpay na raw ang pamunuan sa paglaban sa COVID-19 samantalang kumakalat na nga yung UK variant dahil sa maluwag nilang patakaran sa pag-travel
  • yung claim na handa RAW sila in case na pumalpak yung planong pagluluwag ng malawakang quarantine protocol, samantalang ni hindi nga nila magawang i-quarantine nang husto yung mga international travelers na nagpapasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
  • yung mga opisyales na kinunsinti muna yung bagong Imperial law, tapos saka kinontra
  • yung opisyales na hindi pa man tapos yung project pero nauuna na kaagad yung pagyayabang at panunumbat
  • yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
  • yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
  • yung pag-amin ng opisyales ng DOJ na may mga paglabag ang mga pulis sa kanilang protocol sa drug war
  • yung pagpapalagpas ng DOJ sa kaso nung isang Senador na handang ipahamak noon ang isang ospital dahil sa kanyang pagiging COVID-19 carrier
  • yung pagbasura sa petisyon na ipawalang bisa ang pagpasok ng isang Party-list na nawalan noon ng qualified na kinatawan
  • yung opisyales na iba ang trabaho, pero nakikialam sa protesta ng ibang tao
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung city na may mahigit Php 1 Billion na pondo para labanan daw ang mga rebelde, pero dati eh ipinagmamalaki nila na kasundo nila ang mga iyon
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung FAKE list ng mga alumni na kesyo nadakip o napatay daw bilang bahagi ng rebelyon
  • yung pagba-brand sa iba't ibang universities, hindi na lang basta mga pampubliko, bilang source ng mga rebelde
  • sa AFP, yung sinibak na Deputy Chief-of-Staff for Intelligence dahil sa paglalabas ng maling listahan
  • yung bintang ng isang opisyales na kesyo FAKE news daw yung balita tungkol sa ilang Aeta na naka-base naman sa isang totoong petisyon
  • sa Quezon City, yung naging barilan ng PNP at PDEA, kung saan may mga napatay at nasugatan
  • yung Representative na umayaw na dati, pero muling kinuha yung katungkulan, na nakikialam na ngayon sa usapin tungkol sa mga grant
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung opisyales na nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
  • yung opisyales na binabalewala yung mga pagdinig
  • yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
  • yung tanong sa NBI, na paano daw sila nakakuha ng urine sample mula sa naembalsamo nang bangkay nung babaeng flight attendant na namatay noong New Year
  • sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
  • yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
  • yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
  • yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
  • yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
  • yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
  • sa Bureau of Immigration, yung panibago daw modus na kapalit ng Pastillas Scam, daan-daang libo yung pinag-uusapan kapalit ng madaling pagpapapasok ng mga Imperial citizen sa bayan na 'to
  • yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
  • yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
  • yung mga mamamayan na naniniwala na ligtas na hindi sila mag-mask sa loob ng mga sarili nilang sasakyan, samantalang hindi naman sila nakasisigurado na ligtas ang mga pinupuntahan nilang lugar
  • yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung mga celebrities na binabalewala na ang mga health protocol basta't nakadaan sila sa RT-PCR test
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • sa Pasay City, yung maraming barangay na isinailalim sa ECQ
  • yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
  • sa ParaƱaque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • sa Bacolod City, yung isang BPO company na nasabugan ng COVID-19, nasa 40 plus ang mga na-infect
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
  • sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
  • sa Quezon City, yung pasaway na restobar kung saan mga customers man o empleyado eh wala ng sinusunod na health protocol, at sinasabi din na wala pa palang mayor's permit yung establishment na iyon
  • sa Quezon City, yung ni-raid na male entertainment bar, dahil sa paglabag sa mga health protocol, at dahil na rin sa kawalan ng permit para mag-operate sa panahon ng COVID-19
  • sa Las PiƱas, yung restobar na pasaway din, mahigit 100 customer at mga tauhan ang hinuli dahil din sa paglabag sa mga health protocols
  • sa Negros Occidental, yung 5 taga-Negros na hindi ipinaalam na nanggaling sila sa United Kingdom nang umuwi sila sa kanilang bayan
  • yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019 
  • sa Davao City, yung mga nahuling online sabongero na naisipan pa rin talagang magkumpulan sa panonood, sa panahon ng COVID-19
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Davao City, yung pasahero na nahuli dahil sa paggamit ng pekeng swab test result, tapos napag-alaman na positive pala siya sa COVID-19
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • sa Boracay, yung 3 turista na gumamit ng mga pekeng COVID-19 test result, na lumabas na positive na pala dun sa infection
  • sa El Nido, Palawan, yung 2 turista na sinubukang makapasok doon sa area gamit ang mga pekeng swab test result
  • yung wala pang sense sa ngayon yung paggamit ng vaccine passport o proof of vaccination card dahil posible ngang maging COVID-19 carrier pa rin ang mga may kumpletong bakuna na
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung maraming mamamayan na nagbebenta ng pekeng version ng isang kilalang Taiwanese brand ng face shield
  • sa Sampaloc, Manila, yung mga kriminal na nambabangga ng biktima gamit ang tricycle bago ito pagnakawan
  • yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
  • yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • sa UST, yung bawal na sa kanila ang readmission ng mga estudyante na magiging bahagi ng mga aktibista
  • yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
  • yung mga basurang mamamayan na nakiisa sa pagwasak sa isang TV network, pero ngayon eh ginagamit nila yung TV network para sumikat sila
  • yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
  • sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
  • yung bagong pangmatagalan daw na variant ng ASF naman, na hindi lang pang-buhay na baboy, pero kaya rin daw tumagal sa frozen meat kahit hanggang 300 days
  • sa ParaƱaque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Pasay, yung mga nasabat na smuggled Imperial medicines
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
  • sa ParaƱaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pangho-holdap sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Laguna, yung 7 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na hinuli dahil sa pagdukot at pagpatay sa ilang POGO workers
  • yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
  • yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
  • yung ang COVID-19 South African variant daw ang isa pang mas nakahahawa na klase
  • yung posibilidad na ma-infect ng magkaibang variant ng COVID-19
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung barko ng Imperyo, na ginamit sa dredging sa Zambales noong 2019 pa raw pero ilegal na pumasok sa Manila Bay
  • sa Indonesia, yung mga underwater drones na nakuha, na posible daw na mga drone ng Imperyo
  • yung batas ng Imperyo, na kesyo pwede na silang manira ng sasakyan o structures ng ibang mga nasyon sa dagat
  • sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
  • yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
  • yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
  • sa Brazil, yung Imperial vaccine na nasa 50% plus lang ang efficacy rate
  • yung OFW na galing sa UAE, na naturukan na ng 2 dose ng Imperial vaccine, pero nag-positive pa rin daw sa COVID-19 noong nasa Mandaue City na
  • yung banta ng mga FAKE COVID-19 vaccines na galing sa ibang bansa
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
  • yung imbestigasyon sa place of origin ng bioweapon na mahigit 1 taon nang huli
-----o0o-----


February 21, 2021...

sa Pasay City..
yung nasa 33 na barangay na nasa ilalim ngayon ng ECQ...

is ⚠ feeling , sana ma-control.. sana hindi na kumalat sa mga katabing city...

---o0o---


February 22, 2021...

sa El Nido, Palawan..
yung 2 turista de terorista, na sinubukang makapasok doon sa area gamit ang mga pekeng swab test result... šŸ™

is feeling , may panggala.. pero ayaw magpa-test...


>
yung claim na handa RAW ang pamunuan in case na pumalpak yung planong pagluluwag ng malawakang quarantine protocol...

mga put*ng ina ninyo..
yun nga lang simpleng pagka-quarantine sa mga international travelers eh hindi ninyo magawa nang tama..
mga naghihintay pa lang ng swab test result pero hinahayaan nyo nang makapaggala..
tapos magyayabang kayo na handa kayo...??

handa para sa ano..?
sa pangungutang na naman...??

is feeling , mga basura kayong mga terorista kayo...

---o0o---


February 23, 2021...

sa ngayon hindi pa reliable yung idea tungkol sa vaccine passport o proof of vaccination card..
kasi may patunay na na pwede pa ring mahawa nung bioweapon kahit yung mga naturukan na ng 1 or 2 dose... šŸ™

is ⚠ feeling , magiging lason lang kung paniniwalaan na naman na automatic na negative yung mga dumaan na sa vaccination...


>
yung plano ng Department of Agriculture na babaan pa ang taripa para sa meat importation...

is feeling , hindi sila bias...


>
yung mga basurang mamamayan na nakiisa sa pagwasak sa isang TV network..
hindi lang basta pagdadamot ng permit, kundi pagpapasara ang gusto nilang mangyari noon...

pero ngayon eh ginagamit nila yung TV network para sumikat sila..
yung mismong istorya ng pagsuporta nila sa pagpapabagsak doon sa network ang ginagamit nilang background... šŸ™

is feeling , mga linta...


>
yung mga area ng mga tourist destination..
na ayaw na ngayong mag-require ng COVID-19 test..
kung kailan may mas malalakas na variant na ang pasimpleng kumakalat...

is ⚠ feeling , nalaspag na sila.. lumuluwag na.. ang kapabayaan...

---o0o---


February 24, 2021...

[Natural Calamities]

balik sa ibaba..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , takbo na ang mga pahamak na tatakbo...


>
yung naging kapabayaan din pagdating sa indemnification..
last year pa palang alam..
pero hindi naman kaagad nilinaw na kailangan pa pala ng bagong patakaran for that..
at hindi rin nagkusa ang mga nasa tuktok kahit na pwede naman pala silang umaksyon...

is feeling , ganun ba naman yung ready..?? o ready lang sa mga pangungutang...??


>
ang muling pagpoprotekta ng COMELEC sa premature campaigning... šŸ™

is ⚠ feeling , kailangang maintindihan ng mga tao na kahit hindi pa opisyal yung mga ganitong technique.. eh may pondo na gumagalaw sa likod ng mga ganitong pagkilos.. kaya ang tanong ay kanino nila babawiin ang mga perang ginagastos nila..? o may nauna na ba silang napagkuhanan ng pondo...??


>
sa Rio Hondo, sa Zamboanga City..
yung sundalo at 3 pa niyang kasama na nahuli sa buy-bust operation...

is feeling , among them...

---o0o---


February 25, 2021...

yung inirerekomenda din ng NBI para kasuhan..
mga tauhan sa BOC at PDEA eh..
patungkol sa shipment ng ilegal na droga noong 2019 yata iyon..
kung saan i-d-in-eclare yung kargamento bilang tapioca starch daw...

nakapagtataka nga naman kasi na nabigyan yung kargamento ng clearance...

is feeling , mas matindi iyon.. kasi pwedeng-pwede namang ma-check, pero nakapasa pa rin...


>
sa Quezon City..
yung naging barilan ng PNP at PDEA..
kung saan may mga napatay at nasugatan...

nakapagtataka lang kung anong nangyari sa intelligence gathering nila..?
kasi hindi naman para mangyari iyon kung verified na kalaban yung io-operate nila..
unless hindi nga sila nagkamali sa naging target...

naalala ko na naman tuloy yung nangyari sa teritoryo na nasakop noon ng mga terorista..
kung saan binomba ang sariling mga kakampi... šŸ™

is feeling , sino na naman ba ang nagsayang ng pondo...??


>
dahil sa okasyon..
yung mensahe tungkol sa pagwaksi sa mga hindi pagkakatulad...

well..
obvious naman simula't sapul..
para sa kapakinabangan lang ng Dictator Clan yung mensahe..
gusto nila na magkalimutan na lang..
walang parusa, walang bibitayin..
walang hustisya.. šŸ™
basta kalimutan na lang ang lahat..
at ibalik ang mga put*ng ina sa dati nilang trono... šŸ™

is šŸ’€ feeling , kamatayan para sa buong alyansa...


>
yung pagsabog ng COVID-19 sa mismong Navotas City Hall..
nasa 20 plus ang nasabugan...

is feeling , huwag nang mag-quarantine protocols...??


>
yung opisyales na binabago-bago na yung efficacy rate para lang maka-convince ng mga mamamayan..
yung balitang-balita na kung gaano lang kabisa ang galing sa Imperyo, pero minamanipula ngayon at pinapalabas na 100% na effective... šŸ™

is feeling , gago kang pahamak ka...


>
yung pag-amin ng opisyales ng DOJ na may mga paglabag ang mga pulis sa kanilang protocol sa drug war...

is feeling , may mga paglabag, pero okay lang...??

---o0o---


February 26, 2021...

sa Bacoor, Cavite..
yung Traffic Enforcer na namaril at nakipagbuno sa ilang lalaki dahil lang daw sa pagkakaroon ng argumento...

is feeling , bawal sa kanila yung ganung armas.. kaso Cavite yung lugar eh...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of February 2021 (Time with Him)

Loveless Story


February 21, 2021...

kailangan ko ng matinong panahon..
yung hindi ganitong pang-Winter..
at hindi din naman maulan..
magma-March na..
kaya kailangan na ang Summer-mode...

hindi din pwedeng maulit yung nangyari noong November..
na may katapat na delubyo yung mismong itinakdang araw ng aming pagkikita...

is feeling , kung sino man ang may puso na nakikinig dyan sa universe.. sana hayaan ninyo akong mairaos nang matiwasay ang araw na iyon...


>
[Medical Condition]

1 month na akong gumagamit ng virgin..
ng virgin coconut oil.. XD
este, hindi na pala virgin..
extra virgin na lang...

sa Goblin Slayer, merong holy-type na healing ritual na mas nagiging mabisa kung may katabing virgin na babae ang isang napinsalang mandirigmang lalaki sa kanyang pagtulog o pagpapagaling...

is feeling , gumana ka na, please.. pahupain mo muna yung isinumpang pagkabulok ng katawan ko...


>
at totoong naubusan na ako ng mga pwede kong i-render this time..
nasaid ko na kahit yung mga extra...

pero madami pa ring kulang para sa plano...

is feeling , kailangan na munang makabalik nang konti sa trabaho...


>
unang mistake na nagawa ko..
ipinag-download ko ang biological mother ko ng isang gaming app na pang-exercise sana ng utak..
nainggit yung asawa niya..
nakikigamit tuloy nung phone..
eh baka kako may virus yung kamay dahil parating umuubo at dumadahak..
kaya ayun, ipinag-download ko sa sariling phone niya...

ang problema..?
dahil nalaman niya na madami akong nasasagutan doon sa mga puzzle.. 
sa akin tuloy siya lapit nang lapit..
madalas na sumisilip sa bintana ko..
humihinga doon..
at nagtatanong kung anong sagot sa mga puzzle...

so para akong naglason sa sarili ko.. šŸ™
binigyan ko ang isang sobrang outgoing na tao ng dahilan para maglalapit sa akin, sa panahon ng bioweapon..
tapos kapag sinita mo siya..?
ayun at magagalit na kesyo sobrang selan naman daw...

is feeling , huwag lang talagang makakapitan ng bioweapon ang pabayang 'yon.. kundi, maniningil talaga ako ng malaki...


>
mga bagong threat para sa plano... šŸ™

dahil kami yung mahirap sa angkan..
dahil kami yung madalas na walang ambag at maraming mga utang noon..
plano nila na dito na paalagaan sa bahay yung pasyente nila na nailigtas ng pera mula sa kamatayan..
isang pasyente na may learning disability, at may background na rin pala ng Tuberculosis...

pero walang magagawa..
kami ang basura sa angkan..
kaya sa amin rin ang tapon ng ibang mga basura... šŸ™

pero bago yung pasyente..
una muna naming haharapin yung mga ipapadala nilang construction workers..
walang swab test, swab test..
basta bahala na kayo sa mga buhay ninyo sa panahon ng mas malalang mga variant...

is feeling , FATE, anong plano mo..? bakit mo 'to idinidikit sa quarantine period ko..? universe, huwag na huwag mo akong padadalhan ng put*ng inang carrier dito sa bahay...

---o0o---


February 22, 2021...

simula na ng laban..
paano umiwas sa bioweapon challenge..
at may kasabay pa siyang ulan..
meaning, pang-delay sa kung ano man yung ginagawa nila sa lote namin...

is feeling , stay negative...


>
kasalanan ko ba..?
dahil binigyan ko siya ng parang guarantee...??

nasa probinsya pa rin siya..
kasama ng angkan ni Arjo kamakailan..
pinainom pa yata ng alak, na naman..
tapos niyayaya pa ng kanyang mga kakilala na gumala... šŸ™

mga hinayupak naman kayo o'..
kailangan ko siyang maging ligtas mula sa bioweapon..
hindi siya pwedeng mapeste..
subukan nyo lang talaga siyang dalhan ng bioweapon..
t*ng ina..
wawasakin ko talaga kayong lahat sa isinumpang lugar na 'yan...

is šŸ’” feeling , bumalik ka na.. lumayo ka na mula sa kanila.. at mag-quarantine din, please...

---o0o---


February 23, 2021...

[Medical Condition]

15th try..
meron pa ring foreign mass..
pero mukhang mas clear naman kumpara dun sa 14th...

nasa day 79 na ako..
at 1 try na lang ang natitira para sa akin...

is feeling , kailangan ko ng matinding himala sa buhay...


>
kung next week pa siya babalik..
hindi na siya magkakaroon ng sapat na panahon para mag-quarantine...

is feeling , ano bang inaasikaso mo..?? at saan...?

---o0o---


February 24, 2021...

may laman na...

pero hindi pwedeng ma-excite..
bawal kang ma-excite..
kailangang baliktarin ang mga dati ng kakayahan..
wasak na ang dati mong maskara..
kaya naman hinding-hindi mo na iyon pwedeng gamitin pang muli..
ibang tao ka na ngayon...

is ⚠ feeling , matutong maghintay ng paanyaya...


>
balik-trabaho na simula noong Monday..
kahit papaano, mas maayos ngang magtrabaho kapag bawas na yung mga iniisip..
ratsada naman..
nagbabawi ng mga nasayang kong araw...

so far, okay pa naman ang lahat..
kaso mahaba-haba pa ang dadaan na panahon..
sana lang eh walang malubhang kabobohan na gawin ulit ang pamunuan..
para iwas sa mga bagong mahihigpit na patakaran...

is feeling , hindi ko pwedeng pabayaan yung buhay na babalikan ko pagkatapos ng lahat...

---o0o---


February 25, 2021...

nasasaktan na ako..
mukhang live-in na talaga yung setup nila ni Arjo... šŸ™

ginamitan ko siya ng god's Eye, kasi siya lang yung gusto kong makita..
at ganun naman nga yung sitwasyon noong simula..
siya lang, at walang pesteng lalaki sa buhay niya..
kaso pumasok nga sa eksena si Arjo... šŸ™

ewan..
mas gusto ko pa tuloy yung mga panahon na parang mga palaboy pa sila..
oo, mahirap ang buhay..
bagsak ang ekonomiya..
pero at least hindi niya kailangang tumira na kaagad sa bahay ng isang lalaki...

kung naging maayos lang sana yung family nila..
kung hindi lang sana siya naging extended member lang..
kung hindi sana naghangad ng iba pang pamilya yung mga naging magulang niya noong panahon na nagkakawatak-watak na sila..
kung nagkaroon lang sana ng pagmamahal at atensyon na masasabi niya na para lang sa kanya..
kung nagkaroon lang sana siya ng lugar na matatawag niyang tahanan..
kung saan siya nabibilang, at hindi isang bisita lamang...

is šŸ’” feeling , bumalik ka na, please.. ayoko nang makita pa si Arjo sa mga alaala mo...


>
kahit masakit..
kailangan kong tiisin...

currently, siya ang pinakamalapit sa tipo ng babae na hinahanap ko..
hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon na gawin yung ganung klase ng experiences at memories..
eh kasi naman napaka-babastedin ko talagang klase ng lalaki...

kaya naman..
pipilitin ko na 'yong makuha..
this time..
kahit sa panahon pa ng bioweapon...

is šŸ’” feeling , kailangan ko lang talaga ng opportunity para matuloy iyon...

-----o0o-----


February 23, 2021...

okay lang sa akin yung 5 Mbps..
hindi ko kailangan ng sobra-sobrang bilis na internet..
sayang lang ang pera kung pinagbabayad ka ng bandwidth na hindi mo naman nagagamit nang husto...

stable na connection..
mabilis na repair..
pagdating sa mobile data, yung hindi nagnanakaw ng load kahit na naka-off naman..
tsaka yung tapat sa singilan..
ayos na ako sa ganun...

hindi ko kailangan ng mala-Imperyong bilis ng internet..
hindi ako mag-aambag sa panggawa nila ng mga aircraft carrier at mga base militar..
hindi ako mag-aambag sa pag-iimbento nila ng mga bago pang bioweapon...

is feeling , doon.. doon na lang kayo sa isinumpa ninyong Imperyo...

---o0o---


February 24, 2021...

[Lottery]

mukhang may nangyayari na namang kakaiba sa lottery..?
katulad din noong mga panahon bago ang selection process for 2019...

sunud-sunod na nakukuha ang mga pangunahing papremyo nang maiksian lang ang interval...

is feeling , reds...

---o0o---


February 25, 2021...

Bio-Hybrid..
ang galing nito, may pang-cargo din..
tamang-tamang ka-partner ng renewable energy sources...

may matatalino naman talagang mga tao eh..
marami lang talaga yung parati na lang nagmamadali..
ang gusto eh mabilis at komportable..
pero mas magiging maganda ang mundo kung makaka-imbento sila ng mga sasakyan na may power multiplier na dependent lang sa sariling energy ng mga tao o di kaya eh sa renewable energy source nga...

is feeling , para sa Earth...

---o0o---


February 26, 2021...

kalahating nilalang pa lang ako..
as in sperm pa lang, at wala pang ka-union na egg..
eh naninigarilyo na ako...

hanggang ngayon, naninigarilyo pa rin ako..
kasi naman hindi ako makaalis-alis sa paligid ng biological father ko...

pero pati ba naman karpintero eh dumadagdag pa sa load ko ng usok..
mga put*ng ina..
jalousie lang ang bintana ko, hindi salamin ng mall..
sinong mga put*ng ina ang nagturo sa inyo na hindi kayang makapasok ng usok ng sigarilyo sa saradong jalousie..?
bakit kailangan nyo parating tumabi sa put*ng inang bintana ko kapag naninigarilyo kayo...??

is šŸ’€ feeling , mga sugo kayo ng demonyong si FATE...


Friday, February 19, 2021

Variant Traps

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 224...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 247 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung dating opisyales na idinadawit sa anomalya, pero muling bibigyan ng katungkulan ngayon
  • yung walang balak na hayaan na makapag-operate na gaya ng dati ang isang TV network kahit pa mabigyan ito ng permit ng mga kay kakayahan na magbigay ng ganun
  • yung may binuksan na issue na kaugnay ng isang bangko, pero muli namang na-clear yung TV network
  • yung pangmamaliit sa mga kababaihan regarding sa pamumuno
  • yung pagbabaling ng sisi sa mga Internet Service Provider dahil sa paglaganap ng child pornography
  • yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
  • yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
  • yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
  • yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
  • yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
  • yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
  • yung pag-aasal extortionist laban sa mga taga-West
  • kapag para sa Imperyo, eh libre lahat ng access, pero kapag mga taga-West, eh kailangan parati na may bayad o limos na ibibigay
  • yung pambibintang sa mga taga-Europe na kesyo iniipit daw yung mga vaccine
  • yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
  • yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
  • yung pinapalabas na masama ang pagbusisi sa pamimili ng mga vaccine, kahit na may mga kuwestiyonable naman talagang impormasyon na lumalabas
  • yung ayaw maging ehemplo sa pagpapabakuna
  • yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines
  • yung ayaw pahusgahan ang Imperial vaccine, pero hinuhusgahan na kaagad ang Pfizer vaccine
  • yung pagtatanggol na may sapat daw na kaalaman ang mga Imperyalista tungkol sa mga vaccine

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Daet, Camarines Norte, yung pulis na miyembro ng Police Mobile Force Battalion na hinuli dahil sa pagbebenta raw ng ilegal na droga
  • sa Pampanga, yung Konsehal na nahuli sa buy-bust operation
  • sa CALABARZON, yung 2 pulis na pinasisibak sa katungkulan matapos na mahuling nagpositibo sa illegal drugs
  • sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
  • sa Zambales, yung 4 na pulis na bahagi ng drug enforcement unit at 1 sibilyan na nahuli sa buy-bust operation sa isang shabu laboratory
  • sa Arayat, Pampanga, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong mga baril
  • sa Calbayog City, sa Samar, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon niya ng mga hindi lisensyadong baril
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa Caloocan City Hall, yung empleyado na hinuli dahil daw sa pangingikil, business permit daw yung target
  • yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
  • sa Pasay, yung Deputy Warden ng Taguig City Jail, na inaresto dahil sa kasong panggagahasa raw sa 1 sa kanyang mga boarders
  • sa Zamboanga del Norte, yung dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na inaresto dahil sa patong-patong na kaso ng rape laban sa sarili niyang menor de edad na anak na babae
  • sa Camp CastaƱeda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
  • sa ParaƱaque City, yung clearing operations kung saan sinipa sa mukha ang isang lalaki na nasukol na nang husto ng ParaƱaque Task Force, nag-ugat yung gulo sa agawan sa kariton
  • sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
  • sa San Rafael, Bulacan, yung dating pulis na wanted dahil sa kasong murder na napatay sa shootout
  • sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
  • sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa
  • sa Basilan, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa kasong murder, na from 2005 pa, may nakuha rin daw na baril at mga bala sa barangay hall kung saan nadakip yung suspek

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Davao City Jail, yung nasa Php 2 Million daw na halaga ng shabu na nadiskubre sa mga walis na donasyon daw ng kung anong religious group
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
  • sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
  • yung Mayor ng Los BaƱos, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung 2 Aeta na no read, no write daw, na dinakip dahil daw sa pagtatago ng mga armas at subersibong mga dokumento
  • sa Cebu City, yung pag-aresto ng mga pulis sa mga estudyante at mga guro sa isang Lumad school, kesyo rescue operation daw
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
  • sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
  • sa Laguna, yung aktibista raw na magsasaka na mula pa sa Bulacan, na natagpuang patay, nakasilid sa drum, at ginamitan pa ng concrete
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
  • yung sinasabing Search Warrant Queen

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung naguguluhan na ang mga expert kung kailan nga ba ang tamang panahon sa pagdadaan sa mga international travelers sa swab test
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung kagustuhan na hayaan na ang mga bata na maglalabas din ng bahay, para daw sa ekonomiya
  • yung planong buksan na ang mga indoor cinemas kahit na napasok na ang bayan ng UK variant at hindi nga ma-determine pa kung paanong nahawaan nun yung ibang mga carriers
  • yung suggestion na magbaba ng quarantine protocol para sa buong bayan, kung kailan may mga kumakalat na mas nakahahawa at hindi basta-basta kinakaya ng mga vacccine na COVID-19 variant
  • yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
  • yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
  • yung masyadong paghihigpit sa mga local government unit at private companies sa pag-aangkat ng mga ito ng COVID-19 vaccines, at mas willing pa nga na mangutang na lang ng limpak-limpak na halaga na ikababaon ng bayan
  • yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
  • yung namimili sila ng mas mahal pero less effective na COVID-19 vaccine, tapos sasabihan ang mga mamamayan na huwag daw maselan pagdating sa pagpapabakuna
  • yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
  • yung paiba-ibang presyuhan ng confidential na Imperial vaccine, na mahal pa rin para sa bayan kumpara sa presyo nila para sa ibang mga bansa
  • yung mga lihiman tungkol sa presyuhan ng mga bakuna
  • yung may paparating na raw na supply ng Imperial vaccine sa bayan, samantalang ni wala pa nga silang nakukuhang permiso
  • yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
  • yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
  • yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
  • yung maganda na raw ang response ng pamunuan laban sa COVID-19, samantalang nakapasok na rin nga sa bayan yung UK variant dahil sa kawalan ng total international travel ban gaya pa rin noong 2020
  • yung okay lang daw na may mga vaccine na masira
  • yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
  • yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
  • yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
  • yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
  • yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
  • yung mga surgical mask na medyo matagal nang nasa merkado, na ngangayon lang sinisita dahil hindi pa pala regulated
  • sa Iloilo, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang public market dahil sa isang carrier na government employee na may pag-aari na stall doon sa lugar, kung saan nasa 220 daw yung napeste
  • sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
  • sa Davao City ulit, yung 4 na kawani ng LGU na kabilang daw sa Rapid Action Team laban sa COVID-19 na nahuling nag-iinuman sa loob ng isang paaralan, sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban doon
  • sa Caloocan City, yung 2 Barangay Captain na ipinagpapaliwanag tungkol sa naganap na paliga ng basketball sa kanilang lugar noong February 14
  • sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung muling napeste ng COVID-19 ang MRT system ngayong early 2021, sa depot daw
  • yung napeste ng COVID-19 ang Kalibo International Airport
  • yung Shangri-La sa Boracay, kung saan napeste ng COVID-19 yung mga staff
  • yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
  • yung napasok na ng COVID-19 UK variant ang bayan dahil sa kawalan ng total international travel ban
  • yung positive na rin ngayon yung ina at nobya nung original local COVID-19 UK variant carrier, samantalang dati eh negative pa RAW yung nobya
  • yung hinahanap pa ulit yung mga possible contact nung kauna-unahan daw na COVID-19 UK variant carrier
  • yung close contact ng COVID-19 UK variant local carrier na hindi pa rin mahagilap hanggang sa ngayon
  • yung 7 pasahero na nakasabay daw nung unang COVID-19 UK variant carrier, na positive na ngayon sa COVID-19
  • sa Bontoc, Mountain Province, yung ilang barangay na napeste na ng COVID-19 UK variant
  • sa Bontoc, yung umaabot na sa 80 plus ang mga close contact na mga COVID-19 virus carriers na rin
  • sa Calamba, Laguna, yung tinamaan ng COVID-19 UK variant, kaso ay wala namang known na possible close contact at wala ring travel history sa ibang bansa
  • yung UK variant carrier na taga-Cebu, OFW daw from Korea, na napag-alamang nagpagala-gala na sa Quezon City at Metro Manila kahit noong panahon na dapat naka-quarantine siya
  • sa Ilocos Norte, yung UK variant carrier na galing daw sa Bahrain, na sa halip na na-contain lang sana sa Metro Manila, eh hinayaan ngang makarating pa doon sa probinsiya
  • yung paghahabol sa voters' registration eh alam namang may delubyo pa sa paligid, sa bayan, at sa buong mundo
  • yung pinagtibay ng Supreme Court na disallowances laban sa PhilHealth na nauna nang nasilip ng COA, nasa lagpas Php 200 Million na mga kalokohang benefits
  • sa Cebu, yung mga opisyales ng PhilHealth at ng isang tunog Imperial na ospital, na kinasuhan ng NBI dahil sa sabwatan daw sa pag-iimbento ng FAKE COVID-19 claims ng pasyente
  • yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
  • yung mabagal na aksyon laban sa pagpapataas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth, kaya tuloy natuloy yung pagkaltas ng increased rate sa ibang mga members
  • yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
  • sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
  • yung nasilip ng COA sa Supreme Court, yung nasa halos Php 4 Billion daw na hindi nagamit na pondo, na ginawa na lang daw savings
  • yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • sa Quezon Avenue, sa Quezon City, yung maling signboard sa EDSA Busway Station na nagdulot ng kalituhan sa mga tao
  • sa Land Transportation Office (LTO), yung palpak na distribusyon nung bagong size ng mga motorcycle plate
  • yung mga kinasuhan ng graft dahil dun sa importation ng aluminum sheets yata iyon na gagamitin para sa mga plaka, pero lumalabas na underdeclared yung value sa Bureau of Customs
  • yung privatization daw ng mga motor vehicle inspection centers, pero ang problema ay hindi raw naman reliable yung mga machine
  • yung mga bahagi ng pamahalaan na namimihasa na hindi na dumadaan sa consultations lately
  • yung FAKE news tungkol sa isang soft drink company, tungkol sa tanggalan ng mga empleyado
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
  • yung problema sa supply ng manok sa panahon ng COVID-19, for 2021
  • yung sobra-sobrang pagkiling daw ng Department of Agriculture sa importation
  • yung opisyal na nagre-react nang dahil lang sa simpleng lyrics
  • yung opisyales na nagsisinungaling na kesyo nagtatagumpay na raw ang pamunuan sa paglaban sa COVID-19 samantalang kumakalat na nga yung UK variant dahil sa maluwag nilang patakaran sa pag-travel
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
  • yung mga opisyales na kinunsinti muna yung bagong Imperial law, tapos saka kinontra
  • yung opisyales na hindi pa man tapos yung project pero nauuna na kaagad yung pagyayabang at panunumbat
  • yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
  • yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
  • yung pagpapalagpas ng DOJ sa kaso nung isang Senador na handang ipahamak noon ang isang ospital dahil sa kanyang pagiging COVID-19 carrier
  • yung pagbasura sa petisyon na ipawalang bisa ang pagpasok ng isang Party-list na nawalan noon ng qualified na kinatawan
  • yung opisyales na iba ang trabaho, pero nakikialam sa protesta ng ibang tao
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung city na may mahigit Php 1 Billion na pondo para labanan daw ang mga rebelde, pero dati eh ipinagmamalaki nila na kasundo nila ang mga iyon
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung FAKE list ng mga alumni na kesyo nadakip o napatay daw bilang bahagi ng rebelyon
  • yung pagba-brand sa iba't ibang universities, hindi na lang basta mga pampubliko, bilang source ng mga rebelde
  • sa AFP, yung sinibak na Deputy Chief-of-Staff for Intelligence dahil sa paglalabas ng maling listahan
  • yung bintang ng isang opisyales na kesyo FAKE news daw yung balita tungkol sa ilang Aeta na naka-base naman sa isang totoong petisyon
  • yung Representative na umayaw na dati, pero muling kinuha yung katungkulan, na nakikialam na ngayon sa usapin tungkol sa mga grant
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung opisyales na nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
  • yung opisyales na binabalewala yung mga pagdinig
  • yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
  • yung tanong sa NBI, na paano daw sila nakakuha ng urine sample mula sa naembalsamo nang bangkay nung babaeng flight attendant na namatay noong New Year
  • sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
  • yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
  • yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
  • yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
  • yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
  • yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
  • sa Bureau of Immigration, yung panibago daw modus na kapalit ng Pastillas Scam, daan-daang libo yung pinag-uusapan kapalit ng madaling pagpapapasok ng mga Imperial citizen sa bayan na 'to
  • yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
  • yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
  • yung mga mamamayan na naniniwala na ligtas na hindi sila mag-mask sa loob ng mga sarili nilang sasakyan, samantalang hindi naman sila nakasisigurado na ligtas ang mga pinupuntahan nilang lugar
  • yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung mga celebrities na binabalewala na ang mga health protocol basta't nakadaan sila sa RT-PCR test
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
  • sa ParaƱaque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • sa Bacolod City, yung isang BPO company na nasabugan ng COVID-19, nasa 40 plus ang mga na-infect
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
  • sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
  • sa Quezon City, yung pasaway na restobar kung saan mga customers man o empleyado eh wala ng sinusunod na health protocol, at sinasabi din na wala pa palang mayor's permit yung establishment na iyon
  • sa Quezon City, yung ni-raid na male entertainment bar, dahil sa paglabag sa mga health protocol, at dahil na rin sa kawalan ng permit para mag-operate sa panahon ng COVID-19
  • sa Las PiƱas, yung restobar na pasaway din, mahigit 100 customer at mga tauhan ang hinuli dahil din sa paglabag sa mga health protocols
  • sa Negros Occidental, yung 5 taga-Negros na hindi ipinaalam na nanggaling sila sa United Kingdom nang umuwi sila sa kanilang bayan
  • yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019 
  • sa Davao City, yung mga nahuling online sabongero na naisipan pa rin talagang magkumpulan sa panonood, sa panahon ng COVID-19
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Davao City, yung pasahero na nahuli dahil sa paggamit ng pekeng swab test result, tapos napag-alaman na positive pala siya sa COVID-19
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • sa Boracay, yung 3 turista na gumamit ng mga pekeng COVID-19 test result, na lumabas na positive na pala dun sa infection
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung maraming mamamayan na nagbebenta ng pekeng version ng isang kilalang Taiwanese brand ng face shield
  • sa Sampaloc, Manila, yung mga kriminal na nambabangga ng biktima gamit ang tricycle bago ito pagnakawan
  • yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
  • yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • sa UST, yung bawal na sa kanila ang readmission ng mga estudyante na magiging bahagi ng mga aktibista
  • yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
  • yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
  • sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
  • yung bagong pangmatagalan daw na variant ng ASF naman, na hindi lang pang-buhay na baboy, pero kaya rin daw tumagal sa frozen meat kahit hanggang 300 days
  • sa ParaƱaque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Pasay, yung mga nasabat na smuggled Imperial medicines
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
  • sa ParaƱaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pangho-holdap sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Laguna, yung 7 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na hinuli dahil sa pagdukot at pagpatay sa ilang POGO workers
  • yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
  • yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
  • yung ang COVID-19 South African variant daw ang isa pang mas nakahahawa na klase
  • yung posibilidad na ma-infect ng magkaibang variant ng COVID-19
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung barko ng Imperyo, na ginamit sa dredging sa Zambales noong 2019 pa raw pero ilegal na pumasok sa Manila Bay
  • sa Indonesia, yung mga underwater drones na nakuha, na posible daw na mga drone ng Imperyo
  • yung batas ng Imperyo, na kesyo pwede na silang manira ng sasakyan o structures ng ibang mga nasyon sa dagat
  • sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
  • yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
  • yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
  • sa Brazil, yung Imperial vaccine na nasa 50% plus lang ang efficacy rate
  • yung OFW na galing sa UAE, na naturukan na ng 2 dose ng Imperial vaccine, pero nag-positive pa rin daw sa COVID-19 noong nasa Mandaue City na
  • yung banta ng mga FAKE COVID-19 vaccines na galing sa ibang bansa
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
  • yung imbestigasyon sa place of origin ng bioweapon na mahigit 1 taon nang huli
-----o0o-----


February 14, 2021...

yung pagiging extortionist nga naman nung santo ng mga tiwali...

eh ano pa nga bang maaasahan...?? šŸ™

is feeling , idol Dictator Clan.. idol Cosplayer...

---o0o---


February 15, 2021...

yung planong cinema trap.. šŸ™
gamit ang mga traditional na sinehan...

put*ng ina..
mga expert nga talaga..
bukas ang borders ng bayan, kaya patuloy ang pagpasok ng mga mas delikadong variant para mapeste ang mga nasa loob lang..
at talagang kung kailan nariyan at hindi na nila matukoy o tinutukoy kung saan-saan na talaga kumakalat yung variant, eh saka nila mas hinihikayat na maglalabas ang mga tao..
isang perpektong plano para tulungan ang Imperyo at ibaon sa utang ang bayan... šŸ™

mabuti na lang talaga ay may konti pang mga tagapag-bantay ang bayan...

is ⚠ feeling , plano nilang i-welcome ang South African variant na nakabukakang-bukaka ang depensa ng bayan...


>
sa Safest City..
yung mahigit Php 1 Billion na pondo para labanan daw ang mga rebelde...

noong bago magpilian dati, eh magkabati sila..
noong nakaupo na, eh magkaaway..
at heto, dumadaloy ang pondo..
isang put*ng inang milking scam...

at saan nga ulit area napunta yung malalaking pondo na pinakawalan ng PhilHealth...??

is feeling , 2022...


>
yung sobra-sobrang pagkiling daw ng Department of Agriculture sa importation..
na lalong pumapatay sa local industry...

is feeling , ang alyansa ang mga terorista...

---o0o---


February 16, 2021...

kung hindi pamilyar ang lahat sa mga injection..
may tinatawag na placebo..
placebo lang...

is ⚠ feeling , baka lang may mga maloko ng Placebo Technique...


>
kapag Imperyo, eh libre lahat ng access, takutan lang ang kapalit..
pero kapag mga taga-West, eh kailangan parati na may bayad o limos na ibibigay...

is feeling , tuta ka, santo ng mga tiwali...


>
yung mga bahagi ng pamunuan..
na namimihasa na hindi na dumadaan sa consultations lately..
tungkol man sa mga sasakyan, agrikultura, at maging sa napakahalaga ngayon na kalusugan...

is feeling , mga terorista...


>
yung suggestion na magbaba ng quarantine protocol..
kung kailan may mga kumakalat na mas nakahahawa at hindi basta-basta kinakaya ng mga vacccine na variant...

is ⚠ feeling , para sa ngalan ng Imperyo...


>
sa Davao City..
yung nurse ng Department of Health..
babae pa yata..
na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga...

is ⚠ feeling , kung saan-saan talaga matatagpuan ang kasamaan...

---o0o---


February 17, 2021...

sa Cebu City..
yung pag-aresto ng mga pulis sa mga estudyante at mga guro sa isang Lumad school.. šŸ™
kesyo rescue operation daw...

is feeling , siguro kailangang target-in ang mga indigenous people para mapagkaperahan ang mga lupain nila...


>
yung mga kinasuhan ng graft..
dahil dun sa importation ng aluminum sheets yata iyon na gagamitin para sa mga plaka..
pero lumalabas na underdeclared yung value sa Bureau of Customs...

is feeling , project-galore...


>
sa Ilocos Norte..
yung UK variant carrier na galing daw sa Bahrain..
na sa halip na na-contain lang sana sa Metro Manila, eh hinayaan ngang makarating pa doon sa probinsiya...

is feeling , tapos maya't maya nilang ipinagmamalaki na ang galing na ng management nila dun sa bioweapon, kaya pwede nang kumilos ang mas maraming mamamayan...

---o0o---


February 18, 2021...

sa Caloocan City..
yung 2 Barangay Captain na ipinagpapaliwanag tungkol sa naganap na paliga ng basketball sa kanilang lugar noong February 14...

is feeling , mga promotor...


>
yung OFW na galing sa UAE..
na naturukan na ng 2 dose ng Imperial vaccine..
pero nag-positive pa rin daw sa COVID-19 noong nasa Mandaue City na...

is feeling , lagot na.. palyado ang made in...


>
sa Bureau of Immigration..
yung panibago daw modus na kapalit ng Pastillas Scam..
daan-daang libo yung pinag-uusapan eh..
kapalit ng madaling pagpapapasok ng mga Imperial citizen sa isinumpang bayan na 'to...

is feeling , lahi ng mga likas na mapamaraan...


>
sa Caloocan City Hall..
yung empleyado na hinuli dahil daw sa pangingikil..
business permit daw yung target eh...

is feeling , kung saan-saan na lang...

---o0o---


February 19, 2021...

grabe ang ginagawa ng mga mamamayan ng bayan na 'to laban sa Taiwan... šŸ™

sa lahat ng ch-in-eck ko kahapon na nagtitinda ng Taiwanese na brand ng face shield..
ni isa, wala akong nakita na may original na logo..
ultimo yung nasa rehistradong pharmacy, eh hindi original..
at ako man, napilitan tuloy na bumili na lang ng peke, eh kasi wala akong mahanapan nung lehitimo eh...

is feeling , sorry, Taiwan...