Friday, December 29, 2017

The Untouchables

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


andami pang pahabol na mga kapalpakan at kaduda-dudang mga bagay..
brought to you by the pamunuan...

---o0o---


update ulit (241 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
  • yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
  • yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
  • yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
---o0o---


December 24, 2017...

[Climate Change / Natural Calamities]

ang lulupet na nga ng mga bagyo ngayon..
hindi naman malalakas ang puwersa, hindi naman masyadong mabibilis..
pero pamatay na rin... :(

was feeling , sa bagay.. mga tao rin naman ang may gawa kung bakit lumalakas yung impact nung ibang sama ng panahon...

>
ang dalas lumabas nung commercial nung mayor dito sa [Name of City]..
totoo namang matagal na niyang tradisyon yun..
pero saan ba talaga nila kinukuha yung pera para makapaglabas ng commercial ng mga pagbati sa regional channel...?

kanina ko lang kasi na-realize..
paid advertisement yung latest nila..
well, duda ako na sariling pera nila yun..
may sponsor ba sila para sa mga ganung exposure..?
o galing ba yun sa mga pinipitik nila mula sa kaban ng city...??

was feeling , bumalik na nga kayo sa beach side...

---o0o---


December 25, 2017...

yung report na sa mismong organisasyon nanggaling...

sa Montalban, Rizal..
yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing...

was feeling , with great gunpowder comes great responsibility...

---o0o---


December 26, 2017...

sa panahon ngayon kung kailan maraming nag-aagawan sa kapangyarihan..
hindi na pwedeng basta-basta i-consider ang delikadesa...

halimbawa na lang eh yung mga approved na official na pag-travel na biglang na-convert bilang mga alegasyon..
kasi kung pagaganahin ang delikadesa sa lahat ng mapanirang sitwasyon, eh paulit-ulit na lang na magpapalit ng mga pinuno ang hanay...

hindi puwerket matunog sa media ang pangalan mo..
hindi puwerket maraming paninira at alegasyon ang naibabato laban sa'yo, eh sapat na yung dahilan para bumitaw sa katungkulan..
gumagana na lang dapat ang delikadesa kung may katotohanan man sa mga paratang laban sa'yo..
dahil kung hindi mo paninindigan yung kini-claim mo na katotohanan, eh para mo na ring inamin na may ginagawa ka ngang mali...

was feeling , o baka naman malapit na ngang magkabukuhan...??

---o0o---


December 27, 2017...

yung taxi driver na kinuyog..
sa Makati yata yun..
sa mismong araw pa daw ng pasko...

one on one lang noong una eh..
tapos naging mala-isang one versus 1 street..
pati babae eh nakihambalos pa ng upuan...

gaano kaya kasama yung taong yun para gawin yun sa kanya ng napakaraming tao..?
may napatay na ba siya dati o nasaktan sa kaparehong manner..?
bagsak na eh kinukuyog pa rin..
o likas lang na masasama at gutom sa dugo yung mga taong gumulpi sa kanya...

kung base lang dun sa video, at hindi sa history nila..
eh talaga namang hindi patas yung naging laban na yun..
suntukan noong una, madaya pa nga yung umatake dahil may bote yata yun na ipinang-atake eh..
tapos unti-unti pang dumami yung mga umaatake sa kanya..
at may mga nanghataw pa ng kung anu-anong mga bagay...

in case na hindi naman masyadong masama yung atraso sa kanila nung taxi driver noon..
eh sa tingin ko, deserving lang sa grupo na yun na pagpapatayin na rin sila..
eh kahit pulis na umawat eh hindi na inirespeto eh...

was feeling , tama naman yung kaanak nung biktima.. nasaan na nga yung batas tungkol sa pag-iinuman sa mga kalye...?

>
kawawa naman yung OFW na namatayan ng asawa at anak sa Cavite..
dagok na nga sa kanya na namatayan siya ng mga mahal sa buhay..
tapos may lumabas pa ngayon na anggulo na kesyo may ibang lalaki DAW yung misis niya... :(

edi lalabas na karma yun nung babae..?
at nadamay naman yung bata... :(

was feeling , holy crap!!?

>
yung tungkol sa mga perang walang mukha...

sa totoo lang, may posibilidad rin nga na legit yun..
may ilang Php 100 bills na rin akong na-encounter noon..
natanggap ko sa money remittance raket..
noong in-examine ko siya eh mukhang tunay naman lahat ng security features na present..
kaso for some reason eh wala siya nung metallic security thread..
galing naman daw lahat ng yun sa ATM...

kaya naman tinanggihan ko yung pera..
at sinabihan ko yung sender na sa bangko niya na lang idaan yun dahil hindi ko masabi kung tunay ba yun o peke..
tapos noong sumunod na beses na nagpadala siya eh sinabi nga niya na tinanggap yung pera na yun sa bangko...

so that proves na may mga nangyayari ngang error sa printing ng pera, at maging sa pagre-release ng mga ito...

was feeling , naman BSP...?

>
isa pang BSP issue...

yung plano nila na magpalit ng mga coins..
not yet sure, pero parang yung Php 5 at Php 10 lang yung papalitan..
masamang pinuno na yata ang tingin nila kay Aguinaldo, kaya papalitan na siya ni Bonifacio..?
ayaw na rin yata nila kay Mabini, kaya papalitan na nila siya ng mas sumikat lately na si Luna...?

ang totoong concern ko dito ay yung mga commemorative coins na inilabas recently..
madaming klase yun lalo na para sa Php 5 at Php 10..
kaya ano kayang mangyayari sa mga yun (kulay gold pa naman yung mga Php 5 na commemorative coins)...?

at tsaka yung bagong Php 5 eh kakulay nga ng Php 1 at halos magkasing-laki pa sila..
hindi kaya malito lang (at malugi) ang mga tao...?

parang tanga na may plano pala silang magpalit..
pero naisip pa rin nilang maglabas ng sari-saring commemorative coins..
baka mahirapan niyan ang mga tao sa pagtukoy kung anu-ano pa ba ang legit at hindi...??

was feeling , parang tanga naman na improvement yun...

>
good news naman (sana nga)...

gagawin na daw 1 year ang validity ng prepaid load..
sounds good...

pero base sa nae-experience kong reklamo ng mga kliyente ko..
sa tingin ko mas magiging active lang neto ang mga telecommunications companies sa pagpapakawala ng mga automated subscriptions na kumakain sa mga load...

was feeling , kailangan pa ring maging vigilante...

---o0o---


December 28, 2017...

una..
yung kaso nung miyembro ng Gwapings...

nahulihan siya ng maraming marijuana..
aminado siya na gumagamit siya...

pero ngayon eh laya na..?
at yung mas simpleng kaso na lang niya ang kanyang haharapin...??

was feeling , so sinong trumabaho dun...?

>
ikalawa...

yung umamin na ang BSP na nakapag-commit nga sila ng error sa pagpo-produce ng perang papel..
yung kaso ng mga perang walang mukha...

tapos eh may value pa rin daw yung mga ganung klase ng pera..?
bawas na kaagad ang security features nun kung ganun..
eh paano kung may gumawa at magpakalat ng mga pekeng pera na base dun...??

was feeling , bakit hindi na lang kaagad bawiin at sirain na...?

>
ikatlo..
yung may bago ng mahahawakan na puwesto yung dating pinuno ng customs sa kabila ng mga naging alegasyon laban sa kanya...

samantalang yung iba, eh kuwento-kuwento pa lang ang mga paratang, pero sibak na kaagad ang kinahahantungan...

i guess that only proves na may hawak rin nga siyang mahalagang lihim ng Hokage na Mahilig...

halos kagaya rin nung nangyari dun sa mga Mayor slayer eh..
may mga nagawang kaduda-duda..
pero paspas palagi ang pagbibigay sa kanila ng mga posisyon o ang pagbabalik sa kanila sa trabaho...

baka para maprotektahan ang Davao Group...???

was feeling , mas maganda sana kung inilabas na lang ang mga lihim...

---o0o---


December 29, 2017...

sa Mandaluyong..
yung AUV na pinagbabaril ng mga rumespondeng pulis..
kung saan 2 ang napatay, at 2 ang sugatan...

galing daw sa barangay yung tawag eh..
at maging yung mga humabol daw na tanod eh nagpaputok rin ng mga baril...

ang problema..?
eh mukhang inosente yung pinagraratrat nila..
dadalhin lang daw sana ng mga biktima sa ospital yung babaeng nabaril sa isang naunang insidente..
kaso eh sila yung nahabol nung mga taga-barangay at sila nga rin ang nai-radyo sa mga pulis..
for some reason eh wala nang harangan at pasukuan na nangyari (kagaya nung mga ipinapalabas sa mga movies)..
basta pinagbabaril na lang yung mga biktima..
matapos yun ay saka nga sinabi na wala naman daw na-recover na armas mula sa mga biktima..
at unfortunately, namatay rin nga yung babaeng isusugod lang sana sa ospital...

nakapatay na nga ng mga inosenteng mamamayan..
eh nakatakas pa yung totoong suspek..
overkill yung nangyari base sa isang video, considering na hindi nga armado yung mga biktima...

wala eh..
either na-excite na mamaril ng mga suspek..
o nag-panic dahil may baril nga yung totoong suspek according sa ini-radyo sa kanila ng mga taga-barangay, kaya inunahan na nila yung mga kaawa-awang sakay nung AUV...

was feeling , hindi rin pala nila alam yung konsepto ng roadblock...?

>
mahirap talagang makaaway ang mga Filipino na Muslim (ewan ko lang yung mga version sa ibang bansa ha)..
base na rin sa experience namin sa maraming mga Muslim na nasa palengke sa [Name of City]...

mapa-lalaki man o mapa-babae..
basta nagalit ang mga yan sa'yo..
asahan mo na gaganti ang mga yan..
at nagkakampihan rin ang mga yan..
regardless kung sino ang tama o mali, o sino ang pinagmulan ng gulo, pakiramdam nila na sila parati ang api..
ewan, siguro parati nilang iniisip na may kinalaman sa pagkakaiba ng relihiyon ang nagiging trato sa kanila..
matatapang talaga ang mga ganyan...

ang lagi ngang turo sa akin ng biological mother ko noon, eh kesyo huwag makikipag-argue sa mga Muslim kapag namimili...

was feeling , mga takaw-gulo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of December 2017 (Money is Everything)

Loveless Story


December 23, 2017...

sa survival formula ko na per month..
pasok ang bayarin sa bigas..
pasok ang bayarin sa iba pang pagkain..
pasok ang bayarin sa tubig..
pasok ang bayarin sa kuryente..
pasok ang bayarin para sa gasul..
pasok ang bayarin para sa internet (pero hindi yung upgraded na plan)..
pasok rin ang bayarin sa SSS (kaso yung early 2017 pa na rate)..
pasok ang bayarin sa PhilHealth (pero yung early 2017 rin ang rate)..
siyempre pasok rin ang Lotto allowance...

ang hindi kasali sa kuwentahan ay bahay..
at budget para sa panliligaw... :(

was feeling , ang kulit ko kasi.. sinabi nang bawal eh...

>
at dahil down NA NAMAN ako..
hindi ko maiwasan na isipin...

nasaan kaya ako ngayon kung tinulungan lang ako ng mga kadugo ko sa plano ko noong 2013..?
yung kasing bilis kung paano sila bumili ng mamahalin na laptop within just 2 weeks, na ginagamit lang naman ngayon para sa Arena of Valor...??

was feeling , posible ba na kaya ko na sanang i-pursue si Miss C sa panahon ngayon...?

>
sa 5 na alternative LIKE button sa Facebook..
yung puso ang hinding-hindi ko pa nagagamit...

siguro dahil hindi ako maka-relate...

was feeling , zero stat...

-----o0o-----


December 24, 2017...

ayun..
desperado na eh..
kaya nang-holdap na sa mall..
sa money remittance center... XD

let's see..
Php 50.10 to USD 1.00 yung palitan today..
tapos nasa Php 49.85 yung sa kanila na exchange rate..
hindi na masama..
mas mababa rin ngayon yung binayaran kong buwis...

konting ipon pa at makakapagbukas na ako ng bank account para sa PayPal ko..
yun ay kung hindi nila ako pahihirapan gaya ng ginagawa sa akin ngayon ng Globe...

speaking of Globe..
ayun..
wala pa rin sa 4th attempt ko..
bale 6th yun, kung isasama pa yung attempt nung kasama ko sa bahay..
at since November pa yun..
priority yata nila yung mga naka-postpaid eh..
ang rason naman sa akin kanina eh kesyo holiday na daw, kaya wala na daw muna silang SIM upgrade service..
wala na yata talaga akong maaasahan sa kompanya na yun... :(

was feeling , konti pa at magagatasan ko na yang PayPal ko...

---o0o---


December 25, 2017...

ito talaga yung pinakaayaw kong bahagi ng modernong pasko sa bansa na 'to eh...

yung kung sinu-sino pang mga hindi naman mga kakilala ang nanghihingi ng pera (ni hindi na caroling eh)..
respeto naman sa mga kamag-anak at mga kakilala nung mga taong hinihingan ninyo..
sila nga yung dapat na priority sa mismong araw eh..
samantalang yung mga basurang yun eh November pa lang eh nagka-caroling na... :(

matuto naman kayong kumapa sa buhay ng ibang tao...

was feeling , parating na ang mala-impiyernong tax reform.. tama na ang panggagatas sa kapwa...

>
kasalanan talaga 'to ni Saint Nicholas eh..
nagpauso pa ng pagreregalo..
akala tuloy ng mga bobong tao na dapat na compulsory yun...

was feeling , tinuruan nyo lang yung mga tao na mangikil...

>
napakamapanghusga naman nitong Facebook..
alukin ba naman ako ng holiday offer ng Trike Patrol...?

huy, may taste naman ako..
hindi ko linya ang exotic..
hindi ako banyaga...

was feeling , bakit may ganun na rin sa Facebook...??

>
done with all the basic renders..
yung mga fix naman ngayon..
double render mode..
kaso nasa 11 pages rin yun...
2 days pa...

was feeling , kailangan ng project para sa January...

---o0o---


December 26, 2017...

[TV Series / K-ture]

Goblin

so sa ganun pala nagsimula yung trahedya sa buhay nila sa nakaraan..
isang batang hari na naging biktima ng manipulasyon ng isang ganid na tagapaglingkod..
at isang love story na naudlot at nabahiran ng pulitika...

eh yung kaibigan ng Mama ni Missing Soul..
na maagang namatay, at hindi nakatupad sa pangako nilang magkaibigan sa isa't isa..
kaya naman binantayan na lang niya si Missing Soul hanggang sa pagdadalaga nito..
at matagal niya ring pinrotektahan yung savings ng kanyang kaibigan para sa future ng anak nito... :)

was feeling , sobrang ang tatalino ng scriptwriter neto...

---o0o---


December 27, 2017...

sa wakas..
natapos na rin sa lahat ng render..
took me 36 days para matapos lahat ng scenes..
tapos 6 days para i-render yung mga natira..
bale inabot ako ng 42 days...

nakakapanghinayang na 6 days akong idle..
may iba pa sana akong nagawa sa mga panahon na yun..
pero ganun talaga eh, hindi pwedeng istorbohin yung engine habang siya lang mag-isa ang nagta-trabaho...

last 4 days..
wala na ulit pahinga...

was feeling , photoshop-mode na ulit...

---o0o---


December 28, 2017...

last day of white hoarding..
wala ng masyadong pera at space para makapag-imbak pa...

hindi rin kagandahang araw..
iba ang supervisor for today...

at hindi na naman maganda ang timing ko..
alanganing araw natapos ang mga render ko..
sinundan ng grocery day..
tapos manga Friday bukas..
at trabaho na naman sa Sabado...

was feeling , mukhang 2018 na rin nga ako matatapos neto...

---o0o---


December 30, 2017...

[Gadget-Related]

para ma-preserve ang power button ng tablet ko..
(na maagang nasira dahil sa kaka-screenshot)..
eh charger na ang ginagamit ko para mag-wake up yung tablet...

mahirap na..
mas malaking problema kapag tuluyan na yung bumigay..
ewan ko lang kung anong epekto nung teknik ko sa battery...

is feeling , dapat kasi mala-pang-Sony game controllers ang button ng mga gadget, para pang-matagalan...

>
39 plus pages pa ang ie-edit..
last 2 days..
sigurado nang sa 2018 ako matatapos nito...

is feeling , alanganin na naman...


Friday, December 22, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2017 (Ignored)

Loveless Story


December 21, 2017...

ewan ko kung good news ba yun o hindi...

nakabalik na siya..
up na lahat ng hidden profile niya..
matapos ang maraming buwan..
at kung kailan patapos na rin ang December...

hindi ko pa alam ang plano niya..
hindi ko pa siya nakakausap eh..
sana naman eh hindi yun yung tipo na hanggang the end of December na lang...

titingnan ko kung magagawa ko siyang makita sa January...

was feeling , sumagot ka na, please...

>
so tinanong ko si Miss V kung totoo ba na nakabalik na si Miss C..
kung nasa Manila na ba ulit siya...?

luckily, sinagot naman ni Miss V yung tanong ko..
totoo nga daw...

pero bakit ganun..?
bakit hindi siya sumasagot sa akin..?
galit ba siya sa akin...??

ano ba yan, kinakampihan na ba niya ang FATE..?
siya na ba mismo ang ayaw na makita pa ako..??
mahigit isang taon ko na siyang hindi nakikita eh... :(

was feeling , idaan natin 'to sa formality, FATE...

---o0o---


December 22, 2017...

kaninang madaling araw ko lang napansin..
hindi na pala active yung huling number na ginamit niya..
hindi ko alam kung nagpalit lang ba siya dahil kino-contact ko siya..?
o kung talagang naging inactive na yung number na yun dahil matagal niyang hindi ginamit...?

3:00 AM noon..
basta kinutuban lang ako..
at naisip ko nga na pa-ring-in yung phone niya..
tapos sinabi nga na "not in use" na yung number na yun..
so binuksan ko yung router para mag-internet saglit..
at nakita ko nga na bago na yung number niya...

ni-resend ko yung mga messages na una ko nang s-in-end sa kanya kahapon..
kahit na 3:00 AM pa lang noon..
kasi umaasa ako na yun yung kauna-unahan niyang mababasa pagkagising niya...

pero talagang hindi pa rin siya sumasagot hanggang ngayon... :(

was feeling , ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya...??

>
kapag sarili ko lang ang iniisip ko..
parang okay na lang ang lahat..
na parang sapat na yung ginagawa ko..
na okay na ang buhay, basta matapos ko lang yung One Piece..
mamatay lang ako nang sa hindi masakit na paraan, eh sapat na...

pero sa tuwing nagkakagusto ako sa babae..
parati pa akong naghahangad na umangat sa buhay..
parati akong nagmumukhang pera..
parati kong ginugusto na patunayan pa yung sarili ko..
parati kong pinagsisisihan kung bakit hindi ko pinili yung normal na buhay..
parati akong naaasar sa sarili ko...

pakiramdam ko wala akong kasuwerte-suwerte sa buhay..
ultimo timing na nga lang eh mali-mali pa ako..
sa tuwing may ginagawa akong desisyon, kinabukasan pa lang eh may pagbabago na kaagad na nangyayari..
parang parati na lang akong naghahabol ng bagay na hindi ko naman magagawang maabot kahit na ano pang gawin ko... :(

was feeling , napakadamot mo, FATE...

>
lagot na..
mukhang ayaw na talaga niya akong kausapin eh..
baka nagalit dahil nasira ko yung lovelife nila nung si Happily Married Rich Old Client last year...? :(

hindi naman ako makagawa ng follow-up dahil baka mamaya eh mapasubo na naman ako...

paano ko pa siya makikita kung ayaw na niya akong makita..?
malas pa dahil wala pa nga akong nahahanap na matinong clue na magtuturo kung nasaan nga ba siya sa totoong mundo..
ni hindi pa nga ako nakakahingi ng picture sa kanya eh...

naman!
yung mga nasa itaas diyan..
kahit isang beses lang..
kahit isang suwerte lang..
wala ba talagang himala na nakalaan para sa akin..?
parang parati na lang yung ibang mga tao ang nakakaramdam na anak sila ng diyos eh..?
hindi ako hihintayin ng pagkakataon..
kailangan ko ng mabilis na paraan para magawa 'to... :(

was feeling , kahit pa masaktan ako.. ang mahalaga makakuha ako ng picture para maalala ko yung mukha niya hanggang sa mga huling sandali ng buhay ko...

---o0o---


December 23, 2017...

i guess wala na ngang better me..
kahit paano ko pa subukan..
lahat ng nasa paligid ko, either masisira nang dahil sa akin o sisirain ako...

wala na siguro talagang option kundi maghintay na lang ng katapusan..
at siguro yun na yung magiging best me..
yung wala na..
unless may kasumpa-sumpa pa rin na existence matapos ang kamatayan...

is feeling , bakit ba talaga ako pa...?

-----o0o-----


December 16, 2017...

according dun sa website..
256 Kbps yung magiging bandwidth for the rest of the month kapag nasaid na yung limit..
ewan ko lang kung updated yung policy na yun..?
masama yun, dahil mas mabagal na yun sa 384 Kbps na natatamasa ko noon...

sinubukan ko na rin yung online monitoring..
kaso eh alamat lang yata yun...

ang sunod na problema ay kung tama ba ang pagkuwenta ng Globe sa internet usage..?
eh yung sa daily na 1 GB pa nga lang eh duda na ako na nauubos ko yun within 2 hours eh..
kaya paano kung doktorin nila ang data nila...?

hindi pa naman detailed yung internet usage sa computer ko..
pero below 1 GB per day yung average nun..
pati yung router eh wala ng information tungkol sa internet usage..
pero siyempre eh labas sa kuwentahan yung iba pang gadgets dito sa bahay...

basta nasa 12.9 GB a day ang dapat na budget for 31 days..
sounds big para sa mga non-video streamers at non-downloaders..
pero pandaraya ang totoong kalaban kapag nagkataon...

was feeling , lokohan na kapag nakaubos kami ng 400 GB...

---o0o---


December 17, 2017...

[Gadget-Related]

ayun..
sa Marshmallow gumana...

5.4 GB in 3 days..
bale 1.8 GB per day yun..
pero wala pa dun yung daan-daang e-mails at yung Arena of Valor game nung isa..
wala pa ring OS update at leech engine nito...

bukas magkakaalaman kung anong totoong average dito sa bahay..
dun talaga ako natatakot sa pagli-leech ng mga bagong hollywood movies at hentai anime eh... :(

was feeling , aksaya-mode...

---o0o---


December 18, 2017...

[Gadget-Related]

okay..
may tantsa na ako ng regular usage namin ng internet..
nasa 1.4 GB per day..
yun ay kung walang video download at system update...

yun nga lang..
noong malaman nung paboritong anak yung tungkol sa naging upgrade ay binanatan na nga ng download..
mahigit 1 GB pa naman ang isang hollywood na movie..
kesyo 10 GB naman daw ang budget per day eh...

pero ang problema dito ay yung mga user na hindi alam ang ginagawa ng mga device nila..
gaya ng auto-update sa mga app, kahit na sa mga hindi naman nila kailangan..
at lalong-lalo na yung OS update at yung automatic na paggamit ng Service Host: Delivery Optimization ng bandwidth kahit na wala naman itong ginagawa..
sa tingin ko eh yun yung nakakaubos sa monthly allowance ng ibang user na nagrereklamo doon sa website...

regarding system update..
sinubukan ko kanina kung makakapag-browse ba ako kahit na ginagamit niya halos yung buong bandwidth..
at gumana naman..
yun nga lang, napatunayan ko na hindi rin sapat na basehan yung bandwidth at available internet allowance para ma-guarantee na magiging successful ang pag-download at pag-install ng update..
gaya kanina, andami pa rin nung nag-fail, kaya automatic na nasayang lang yung ginamit nun na internet allowance..
at problema kung uulit-ulitin yun nung sistema..
isa 'tong hindi naman siguro sinasadyang benefit ng Microsoft para sa Globe...

dahil sa ginawa ko ay na-update na rin yung NVIDIA ko..
bale nasa pang-October na yung nakuha kong update..
pero hindi pa yung pinaka-latest..
at bukas ko pa makikita kung mag-i-improve ba yung performance ng Iray engine ko, o kung lalala pa sa kalagitnaan ng project ko...

ang totoo, may kakayahan naman akong i-regulate yung paggamit nung iba nung internet dito sa bahay..
papatayin ko lang yung wireless signal o iba-block yung mga device nila, at tapos na kaagad ang problema..
kaso eh unfair naman yun, dahil hindi ko rin naman para ma-maximize yung paggamit nung 400 GB in a month...

was feeling , under observation...

>
[V-League]

PVL on Tour

holy crap!
nakabalik na sa court ang Queen Falcon..
at SSC-R with Soltones pa talaga ang tinalo nila...

JeMa Galanza is love... 

PS: sa February 3, 2018 pa daw ang first match nila sa UAAP Season 80..
at NU pa talaga kaagad ang makakalaban nila...

— feeling , iwas na lang parati sa paa ng mga kalaban...

---o0o---


December 19, 2017...

wrong move..
maganda pala ang araw ngayon..
kaso hindi ako nakapaghanda na umalis...

anyway..
3.4 GB yung nakain kahapon..
leche..
update failed yung malalaking files..
ibig sabihin pwede yung maulit-ulit pa...

tapos..
halos wala ring pinagbago sa performance ng Iray engine ko... :(

was feeling , aabutin pa yata ako ng January...

>
[Online Marketing]

kahit papaano..
secured na ang January ko..
sigurado nang may sasahurin na porsyento dahil sa tulong ng mga foreigner...

was feeling , nakaka-discouraged na tuloy mag-SSS at PhilHealth.. bumalik na lang kaya ako sa sleeping pills at cremation plan...

---o0o---


December 20, 2017...

3 scenes na lang..
bale 2 lang pala, at yung cover..
makakapasok na ulit sa auto-pilot mode...

was feeling , dapat umabot sa 2017 ang copyright...

>
natapos na sa wakas sa lahat ng scenes..
inabot ako ng 57..
tapos na ang 39..
meron pang 18 na kailangang i-render..
at 5 plus na kailangan ng double render...

was feeling , auto-pilot na umpisa kanina.. sana hindi maulan bukas ng umaga at magho-hoarding na ako...

---o0o---


December 21, 2017...

[Gadget-Related]

ayun na nga ang sinasabi..
kahahabol ko sa lecheng GCash app na yan..
nasira ko yung tablet ko..
wala na tuloy siyang kakayahan na mag-download from anywhere, nang hindi kailangan ng mga account(s) o password(s)...

hindi gumana ang restore factory settings..
kailangan kong subukang maibalik yung dati... :(

was feeling , malas...

>
[Business]

kahit malakas ang ulan eh namili na rin..
naubusan na rin kasi ng pang-load sa mga tao eh...

okay naman..
basa..
pero andun naman si Emoji-Girl eh...

nag-hoard na rin ng mga kayang bilhin ng pera..
siguro 1 month lang ang itatagal nun..
pero wala eh..
hanggang dun lang ang kaya kong tulong para sa mahihirap na lalo pang pinahihirapan...

after that..
baka magsara na lang ako kapag naging pang-mayaman na lang ang presyo ng mga bilihin...

was feeling , nakakatamad nang lumaban sa buhay...

---o0o---


December 22, 2017...

[Gadget-Related]

medyo naayos ko na yung tablet..
hindi gumana yung basic na restore factory settings..
kaya dun ko idinaan sa hard reset na restore factory settings...

well..
hindi ko na siya naibalik sa dati..
kung noon eh isang bukod tanging website lang yung hindi niya kayang kuhanan ng content..
ngayon eh sa mga piling website na lang pwede...

pero at least ay medyo naibalik ko yung kakayahan niya...

was feeling , nakikialam pa kasi eh...

>
naka-ready na yung isa kong sahod..
yung cash na..
susunduin ko na lang kapag nagka-oras ako...

was feeling , parang kulang pa na mas galingan, kapag ekonomiya na mismo ang humahadlang sa'yo...

---o0o---


December 23, 2017...

[Gadget-Related]

okay..
UPS demolition time na ulit..
kahapon pa..
maya't maya ang switching nung UPS..
tang inang power source yan...

putang ina!
kung kailan patapos na ako sa ginagawa ko..
sisirain nyo pa yung UPS ko...

is feeling , putang ina! sirain nyo na lahat!


The Milking Project: Build & Destroy

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


build projects..
destroy the lives of the poor (yung mga walang fixed at regular na suweldo at hindi rin naman tinutustusan ng pamunuan)...

magkakaalaman rin kung anong totoong anyo ng plano na yan...

---o0o---


update ulit (236 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
---o0o---


December 9, 2017...

yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force..
na posible daw na sanhi ng away na nag-ugat naman sa pag-iinuman...

was feeling , tapos palabas pa kanina sa SOCO yung pangunguyog na nag-ugat sa sagian ng mga manginginom.. nakakatakot na talaga yang alak na yan...

>
magaling rin nga 'tong bagong Jutsu ng Hokage na Mahilig...

una, pino-provoke niya ang mga Zombie na panatiko niya na magsulong ng anti-constitution na pamunuan...

tapos yung mga takot naman na sa diktadurya eh tinatakot niyang muli sa pamamagitan nang pagsundot-sundot ng pagiging diktador niya..
at habang nagre-react naman ang mga rallyista eh mas napapalabas ng hanay ng Hokage na Mahilig na may mga sumasalungat nga sa pamunuan nila...

siyempre kasali na rin nga dun yung mas pagpaparami pa sa mga kaaway ng pamunuan, sa halip na makipag-ayos...

was feeling , mukhang dire-diretso na 'to...

---o0o---


December 16, 2017...

yung nangyari sa PCUP eh parang internal trap..
eh kasi inaprubahan yung mga lakad..
kaya nga daw nakagamit ng official passport eh..
tapos biglang sisiraan na kesyo layas nang layas..?
eh sino bang mga bugok ang nag-a-approve nung mga lakad nung taong yun...??

katulad rin yun nung ibang kaso laban dun sa top justice eh..
yung mamahalin daw na sasakyan na binigyan naman pala ng go signal para mabili..
tsaka yung mamahaling room sa resort na nasa plano rin naman pala at nagamit pa nga DAW sa mas nakatitipid na paraan...

so ganun na pala ang galawan ngayon sa loob ng sistema..?
kapag may potensyal na mala-anumalya na value ang isang project o lakad, eh sadyang ina-approve..
tapos saka yun gagamitin laban sa'yo kapag nagawa mo na yun at nailabas na yung budget...

was feeling , naku magka-Kariton, huwag na.. gagamitin lang nyan ang pangalan mo bilang pampabango sa nangangamoy Diktador niyang pagkatao...

---o0o---


December 17, 2017...

sa may Cubao..
yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation...

was feeling , nag-aaral pa lang, bago, kasalukuyan, at dati.. saan nga ba nila nakukuha yung tendency na maging masama...?

>
ngayon lang ako nakasaksi (ibig kong sabihin eh na-perceive ko, not necessarily nakita) ng pa-christmas party ng gobyerno..
isang ahensya ang involved eh, ilang nasa legislative branch, at iba pang mga pulitiko..
pinag-party nila yung mga taong binigyan nila ng mga trabaho, na under rin naman ng gobyerno...

ganun ba talaga kalakas ang bigayan..?
andami ng appliances para dun sa raffle eh..
tapos may Php 300,000 pa na ipina-raffle na pera..
actually, sa Php 200,000 lang yun nagsimula..
kaso nag-request yung mga tao na sana daw ay mas marami ang makatanggap..
so pinaliit yung papremyo, tapos ay dinagdagan pa nga ng Php 100,000, at hinati sa mas maraming tao...

in a way, maganda naman yung purpose..
ganun naman talaga yung mga taong may trabaho, may pagkakataon para mag-party at makatanggap ng mga regalo o reward..
pero saan ba galing yung pera..?
bukod kasi sa mga GOCC, eh wala akong alam kung sa paanong paraan kumikita ang iba't ibang antas ng pamahalaan maliban sa pamamagitan ng buwis at yung mga sinisingil nila kapalit ng kung anu-anong mga documents..
hindi katulad sa mga pribadong kompanya na talagang nagbebenta ng mga produkto o serbisyo..
yun ba eh kasali na sa kuwentahan ng budget para sa project na yun, na anticipated na nila na magpa-party sila..?
o galing ba yun sa savings mula sa ganung project..?
kasi imposible naman na sa suweldo yun nung mga pulitiko nanggaling, unless may mga negosyo sila...?

was feeling , curious lang...

---o0o---


December 18, 2017...

so pabor pala siya sa same sex marriage..?
parang kilala ko na kung sinong kaalyado niya yung makikinabang dun kung saka-sakali..
makukuha niya rin ang suporta ng community na yun para sa kahit na anong gustuhin niya sa ganitong paraan...

pro-HIV ba siya at pro-STD...??

ang bobo talaga ng diyos, ano..?
assign pa nang assign ng kasarian, eh rational naman ang mga tao..
mas makapangyarihan ang mga tao para mag-decide para sa mga sarili nila..
yung puwet, ginawa talaga yun bilang pasukan ng tutut at hindi lang bilang labasan ng tae...

wala namang nagbabawal sa kanila para magsama at magmahalan..
yung sistema ng live-in eh matagal nang ginagawa ng marami..
pero bakit gusto pa nila ng VIP treatment at sarili nilang sistema..?
sa pagkakaalam ko maraming mga batas ng tao ang ibinatay sa mga kautusan at aral ng diyos (o kung sinuman talaga ang gumawa ng mga yun mula umpisa)..
kaya paano nila nagagawang baguhin ang mga bagay-bagay nang dahil lang sa pang-mortal na mga interes nila..?
o talaga bang gawa-gawa lang ng sangkatauhan ang lahat, maging ang mga bagay na may kinalaman sa diyos o mga diyos, kaya pakiramdam nila eh kaya nila itong baguhin nang naaayon sa kanilang kagustuhan...

wala akong pakialam sa mga tao kung gusto nilang maging mga bakla..
in a way, maige nga yun at nababawasan ang mga kaagaw sa mga babae..
though totoong hindi ko gusto yung kawalan ng marami sa kanila ng sense of censorship sa katawan at pananalita nila..
yung ultimo mga elementary student eh sesenyasan ng blowjob at aalukin na magpa-chupet (true to life story).. :(
naiintindihan man lamang ba nila yung mga batas against sa kahalayan, at laban pa talaga sa mga menor de edad...?

okay naman ako pagdating sa mga lesbian..
oo, sayang yung mga magagandang babae na nagiging tomboy dahil kabawasan yun sa mga pagpipilian..
at kaagaw rin yun sa mga pagpipiliang mga babae..
pero wala naman silang masyadong health threat according sa mga research...

yung mga biological male lang na may kakayahan talagang mag-swing ang nakakatakot..
yung kayang pumatol sa parehong mga bakla at babae..
dahil nga sa kakayahan nilang ipasa yung mga sexually transmitted na sakit, according to research..
tapos eh mga date rape drug user pa pala yung iba sa kanila... :(

consider this..
yung mga nasa normal nga na relasyon eh nagkakagaguhan o nagkakasawaan pa eh (Hokage na Mahilig at Representative Boss na lang bilang mga sample), yun pa kayang sa gusto nilang mangyari..?
sa showbiz pa lang eh andami ng istorya tungkol sa mga gamitan..
ganun din maging sa loob ng industriya..
kailangang aminin ng mga tao na may mga gumagawa lang nun kapalit ng pera, pero babae pa rin ang talagang habol nung iba sa mga yun..
kaya bakit kailangan pa nila ng espesyal na atensyon...??

was feeling , pampadami ng Zombies...?

>
boto kayo nang boto..
tapos ngayon kayo matatakot sa magiging problema nating lahat ng dahil sa gagawing panggagatas sa petrolyo at iba pa...

was feeling , kayo ang kumumbinsi sa Hokage ninyo, ipa-try nyo sa kanya kung paano ang maging mahirap habang ginagatasan pa...

>
ah, i see..
so gagamitin at sasakyan niya yung interes nung community para sa plano ng alyansa nila na baguhin ang saligang batas para sa kapakinabangan nila... :(

kagaya rin nung intensyon noon ni Representative Boss..
yung sinakyan naman niya yung kaparehong issue para makakuha naman ng mga kakampi para sa pagsasabatas ng pagbabasura sa mga kasal...

users... :(

was feeling , ayos ang galawan ng Hokage na Mahilig ah...

---o0o---


December 19, 2017...

astig rin yung si Kalbo eh...

aware siya na may mga nagaganap na katiwalian at pagmamalabis..
sa hanay man ng mga awtoridad o ng mga sundalo..
(alisin na muna natin yung sa hanay ng pamunuan)...

tapos ia-assure niya ang mga tao na walang magmamalabis at aabuso kung sakali mang maging nationwide na ang Dictator's Law...??

was feeling , hihingi ng tiwala, pero sila eh nagke-cleansing pa rin hanggang ngayon...?

>
sana yung mga ini-interview na lang ngayon sa TV ang tumakbo bilang mga Jonin at Chunin ng pamunuan...

mas matatalino kasi sila nang di hamak..
alam nila na hindi naman lahat ng mga mamamayan eh sumusuweldo...

hindi kagaya nung mga tanga..
na asa sa suweldo, sa komisyon, at sa kurakot..
ni wala nga yatang nakakasalamuha yung mga bugok na yun na mga tao na hindi naman umaasa sa regular na suweldo eh..
kaya paano nga sila makaka-relate sa mga mahihirap...?

putang ina!
so yun pala ang mahihirap para sa pananaw nila..?
yung mga kaya pang sumuweldo ng Php 250,000 and below..??
ang galing naman... :(

kagaya rin yun nung ginawa nilang kapritsosong pakikinabang dun sa palasyo eh..
sila lang ang masusunod... :(

was feeling , wala na, pirmado na.. katapusan na ng mahihina...

>
posible pa ba talaga ang pag-unlad sa bayan na 'to..
eh parang parati na lang may nire-rehabilitate na mga lugar eh... :(

pero ang totoong mahalagang tanong ay..
kung sakali mang umunlad nga ang bayan matapos na may maipagawa na sangkatutak na mga projects..
eh bababa na ba ulit ang presyo ng mga bilihin..?
ibababa ba nila sa dati ang halaga ng iginagatas nilang buwis sa mga mamamayan...?

dahil simula noong panahon na naging aware ako sa Php 1.50 na pamasahe sa jeep..
sa Php 2.50 na presyo ng itlog na puti..
sa nasa Php 20.00 plus pa lang na presyo ng kada kilo ng bigas..
sa Php 2.50 na presyo ng Rebisco Choco Sandwich..
sa Php 1.00 halaga ng yelo..
at sa Php 5.00 na presyo ng pancit canton..
simula sa medyo matino pang panahon na yun..
maliban sa presyo ng pamasahe sa jeep na nagro-rollback rin naman nang kaunti kahit na papaano..
halos lahat ng produkto ay sa papataas lang ng presyo ang trend... :(

was feeling , economical genocide...

---o0o---


December 20, 2017...

sa Makati..
yung bagitong pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay..
nanutok rin daw ng baril..
at ayon na rin sa kapwa niya mga pulis ay dati na siyang tinanggal sa serbisyo dahil daw sa involvement sa ilegal na droga...

was feeling , masama na pala dati, eh bakit ibinalik pa...?

---o0o---


December 22, 2017...

eh yung nasa Php 6,000,000 daw yung nagastos ng PCSO para sa christmas party..?
at may claim pa nga na nasa Php 10,000,000 daw yun..
ganun ba talaga kasaya ang mga party sa gobyerno...??

may napasukan naman akong bahagi ng gobyerno noon..
pero parang savings lang sa budget nila yung napunta para sa mga pa-raffle at expenses..
tapos yung recent nga na party na nasaksihan ko eh above Php 300,000 yung sa cash prize pa lang na pina-raffle...

totoong malaking pera ang pumapasok sa kanila..
pero, gaano ba kalaki ang organisasyon ng PCSO para pumalo sa milyunan yung pagsasaya nila...??

was feeling , dun ba napunta yung 1% na kaltas sa mga papremyo...???

>
ganun pala ang christmas party sa PCSO..?
kailangan naka-5 star hotel..?
nasa Php 4,000 ang budget per head, nasa 1,500 daw na katao yung nag-party, pero hindi naman strict yung ganung proportion...

pero ang masama pa nun eh sinasabi na mas malalaki pa kumpara dun ang gastos sa party ng mga nakaraang pamunuan nung charity office...

was feeling , pasarap-buhay...