Wednesday, April 16, 2014

K-ture: The Tale of Arang


The Tale of Arang

mystery siya, na may pagka-mythical Korean, na romance-comedy, tungkol sa pagmamahal ng taong alam mo namang mawawala rin sa'yo eventually, tungkol sa kung paanong nakakapagpabago ng tao ang pag-ibig, tungkol sa pagsasakripisyo para sa minamahal, at justice na rin...

nakakaawa yung istorya nung binatang kalaban dito..
na-inlove siya sa babaeng minsan niyang sinubukang patayin..
ang dalaga na naging dahilan ng kanyang pagbabago - yung bidang babae..
pero di kalaunan ay nawalan naman ito ng gusto sa kanya..
huli na nang malaman niya na ito pala ay ang dalaga na itinakdang ipakasal sa kanya noon..
at na ito rin ang taong minsan nang sumagip sa kanyang buhay..
nag-suicide siya bilang pagsisisi sa kanyang mga naging kasalanan - ang taong walang nararamdamang takot sa pagtarak ng punyal sa puso ng kanyang mga biktima..
bago yun ipinangako niya na sakali mang magtagpong muli ang kanilang landas ng babaeng kanyang mahal at kanyang minsan nang nasaktan, ay hindi na ito mangangahas na umibig pang muli dito..
sa bandang huli, napili siya ng mga pinuno ng kalangitan na maging isang taga-tugis ng mga kaluluwa...

sa ending ng Koreanovela na ito..
isinakripisyo ng bidang lalaki ang sarili niyang buhay upang matupad lang ng bidang babae ang misyon nito na iniatang dito ng hari ng kalangitan..
ito ay sa kabila ng pagtulong ng bidang lalaki at babae na maresolba ang problema ng mga pinuno ng kalangitan sa mundo..
siguro dahil sa mga naitulong ng bidang magkasintahan o mag-M.U., eh sa bandang huli ay ibinalik sa kanila ng mga pinuno ng kalangitan ang kabutihang kanilang nagawa..
yung bidang lalaki ay na-reincarnate sa pamamagitan ng kanilang mga sidekick..
nagkatuluyan kasi ang kanilang mga sidekick, at sa naging anak na lalaki ng mga ito muling nabuhay ang katauhan ng bidang lalaki..
yung bidang babae naman ay na-reincarnate din sa hindi natukoy na paraan (i mean, kung kaninong angkan siya nagmula)..
at ang kakatwa sa naging ending nito, ay yung dalawang bida ay nagawang panatilihin ang mga alaala nila mula sa nakaraan nilang mga buhay, pero mula sa pagkabata ay biniro nung bidang lalaki yung babae na wala siyang natatandaan..
kumbaga nabigyan sila ng pagkakataon na ipagpatuloy yung naudlot nilang pag-iibigan, at nagawa pa nila itong muling simulan mula sa kanilang pagkabata...


No comments:

Post a Comment