gaano ba ka-mali ang magbigay ng flowers sa isang babaeng may boyfriend na, o hindi mo alam na may boyfriend na pala, o kahit dun sa may ka-MU pa lang...?
may nabasa akong parang medyo interesante..
may isang guy kasi na biglang nag-comment sa isang post niya..
nagkataon kasi na may ideya yung guy kung saan sila galing ng family niya nitong nakaraang weekend..
nagtaka tuloy siya, kaya tinanong naman niya yung guy kung paano nito nalaman kung saan sila nagpunta..
sumagot naman yung guy na "para namang noong TIME NATIN eh naikukuwento mo na madalas kayo sa [name of place]", something like that..
i thought na medyo nakakahinala yung term na ginamit nung guy...
after a day..
ayun, burado na yung reply nung guy..
binura niya siguro..
kaya naisip ko na "aba teka, at mukhang may itinatago pa ang babaeng 'to"..
posible kayang ex- niya yun..?
o di kaya eh ex- na manliligaw..?
hmmm...?
pero hindi yun yung talagang disturbing..
ang nakakapag-isip eh..
payatot na kalbo yung guy na yun, at mukhang tambay lang..
basta walang ni gatiting na normal na kagwapuhang taglay sa katawan...
ganun ba yung taste niya sa lalaki...?
---o0o---
September 26, 2013...
ang bilis ng tibok ng puso ko..
at hindi rin ako nakatulog nang ayos kagabi, pakiramdam ko kasi Friday na kaagad..
so i guess kailangan ko ngang bitayin ang sarili ko..
andun pa rin siyempre yung risk na baka mas masaktan ko lang ang sarili ko sa gagawin kong 'to..
pero gusto ko ring magbakasakali na posible nitong mapakawalan lahat itong pakiramdam na kinikimkim ko sa puso ko...
araw na nga ng pagde-desisyon..
mas hindi na ako sigurado nitong mga nakaraang araw..
bigla kasing wala nang data na pumapasok eh..
hindi ko tuloy masabi kung ano na ang nangyari sa pagitan nila nung lalaking yun..
andun yung tanong na 'what if nagka-ayos na sila nung luckiest guy on Earth na yun..?'..
tapos nagsi-shift na naman siya ng schedule lately..
gaya ngayong araw, 3 hours ahead siyang lumarga kumpara sa usual na pasok niya sa school...
bukod pa dun eh kailangan ko ng araw hanggang bukas..
so please, Apollo, makisama naman kayo ng araw...
[ feeling wala nang urungan 'to..? ]
---o0o---
so ano nga bang nangyari sa recon mission ko ngayong araw..?
6:30 AM pa nga lang eh umalis na kaagad ang Espasol kaninang umaga..
at anong nangyari..?
nitong hapon, mga 2:18 PM na noon..
noong nakalabas na ako ng subdivision eh bigla ko na lang siyang nakasalubong..
naman FATE! huwag mo naman siyang bigyan ng clue tungkol sa ginagawa ko..
paglabas ko kasi sa may highway eh ang napansin ko muna eh yung mga estudyanteng nakasalubong ko..
tas maya-maya pa eh nagulat nga ako dahil siya na pala yung kasalubong ko..
at least alam kong walang naghatid sa kanya today..
eh ano naman kaya ang meaning nung pagku-krus ng mga landas namin na yun...?
naka-black theme siya ng casual attire (bakit kaya eh Thursday naman..?)..
tas naka-ponytail..
hindi ko alam kung na-recognize man lang ba niya ako..
pero hindi ko siya pinansin, basta tumungo na lang ako noong nakita ko na siya..
ayoko man kasing gawin yun..
eh sa yun yung request niya eh..
kung babatiin ko siya, eh baka naman bigyan pa niya ng malisya..
edi hindi na lang..
kakausapin ko lang siya kung siya mismo ang mag-i-initiate ng usapan, pero hindi ako para magsimula ng conversation with her..
unless i-lift na niya yung ban sa akin...
tapos tungkol sa mismong recon..
ala, natatanga ako dun sa mga flower shop na nakahilera sa bus stop eh..
bakit kasi puros maliliit lang yung shop, at mukhang masisikip..
dun na lang tuloy ako dumiretso sa Flowers & Greens..
andami ko kasing kailangang ibigay na instructions eh..
tsaka gusto ko ay komportable, para hindi ako atakihin ng hyperhidrosis ko... >,<
ang good news, pwede daw silang mag-deliver hanggang mga 7:00 PM kung hanggang [Name of Barangay] lang naman daw yung area eh..
at pwede akong manatiling anonymous..
i just hope na nasa bahay nga yung Espasol bukas, para kasing medyo busy siya lately eh..
ang inaalala ko lang eh, parang oo na lang nang oo yung kausap kong babae sa mga details na sinasabi ko, pero hindi naman siya nagno-note..
kailangan ko pang bumalik bukas ng 8:00 AM para dun sa mismong transaction..
and i HATE ROSES..
malay ko bang ang 2 dozen eh katumbas na ng 3 unit ng Star Wars..
mabuti sana kung yung pagbibigyang babae eh yung tipo na nagtatago ng pinatuyong petals as souvenir eh..
well, tutal umabot na rin ako sa puntong 'to, eh ikasa na nga..
nagawa kong lumabas kahit na masama ang panahon nang dahil sa'yong Espasol ka...
tapos, natanong ko pala dun sa nag-accommodate sa akin kung may kakilala ba sila na ka-apelyido nung family nung Espasol..
at sumagot naman siya na 'personally wala'..
pero may nahawakan na daw silang ganung client before, sa kasal sa Iglesia..
does that mean na lahat ng ka-apelyido nung Espasol eh Iglesia...?
what i'm thinking..?
wala naman akong dapat na asahan, yun yung pinaka-praktikal kong masasabi..
pero somehow, i'm hoping na she would appreciate it..
na yung tipong ipo-post pa niya yung gagawin ko sa Facebook or Twitter or Instagram, wondering kung sinong nagpadala nung flowers..
kasi honestly, gusto ko ring makita yung magiging itsura nung design ko, pero since idi-deliver siya sa hapon na eh hindi ko na siya makikita.. T,T
tapos..
i'm also hoping na baka sakaling i-confront niya ako one day to ask about those roses..
tapos sasampalin ko siya para isumbat sa kanya ang lahat ng hinanakit ko, *joke*..
wala lang..
nag-i-imagine lang...
- 24 - kasi 24 months (2 years) na simula noong araw na makuha niya ang atensyon ko..
- 3 reds - means 'i LIKE you', tsaka to symbolize yung almost 3 months na gumawa ako ng effort para mapalapit naman sa kanya - na nauwi lang lahat sa rejection..
- color red - katumbas ng LOVE o kung anuman 'tong nararamdaman ko para sa kanya ngayon..
- color white - para sa PURITY o kalinisan ng aking intensyon o hangarin na makilala naman siya..
- 3:21 na red to white ratio - sumisimbolo sa namumuo kong pagtingin para dun sa bata..
- at letter '[censored]' - kasi yun yung initial niya..
sana lang makuha nung florist yung tamang arrangement..
good luck na lang sa akin at sa Flowers & Greens Flower Shop bukas..
i won't ask for anything special in return..
ang wish ko lang eh sana mapangiti ko naman siya kahit na sa loob ng isang araw lang..
at medyo maalis sa isipan niya yung hindi patas na pagtrato sa kanya nung luckiest guy on Earth na yun...
[ feeling kasado na ang plano.. ga-lingan na lang... ]
---o0o---
hindi pa man September 27 pero sad news na..
ayun..
seryoso nga siya sa balak niyang lumipad or ang magka-connection sa career na yun..
nagpa-notaryo na siya ng waiver para sa Student Training Program nila sa Philippine Airlines..
November to March 2014 ang duration nung training..
meaning hindi ko na pala siya makikita after nitong first sem..
and probably even after that, dahil ganun nga yung career niya eh..
kaya meron na lang akong buwan ng October para makapiling siya, sa loob ng iisang subdivision, within a few meters lang ang distansya namin sa isa't isa..
pero hindi ko man lang masusulit yung panahon na yun, dahil sa RO (Restraining Order) na ipinataw niya sa akin...
how sad..
so ganun pala yung magiging ending nung Untimely Love Story ko... T,T
[ feeling sobrang lungkot na, andito pa siya pero nami-miss ko na siya nang maige... ]
No comments:
Post a Comment