(non-journal entry)
Espasol Withdrawal...
mukhang sinalisihan niya ako habang nagche-check ako dun sa kabilang bahay ah..
mga 06:40 plus palang noon..
siya yata yung naka-white long-sleeves at black skirt na nakita ko na sa malayo nung pabalik na ako sa bahay eh..
anyway, i'll consider it as a miss, since hindi naman ako sigurado sa mga nakita...
so nakapag-decide na nga ako..
unti-unti ko nang aalisin sa puso ko areng nararamdaman ko para kay Miss Robledo..
hindi pala aalisin..
kumbaga gagamitan na muna ng tranquilizer o di kaya eh pampatulog.. >,<
para mapayapa naman ang isip ko..
malamang na hindi ko 'to magawa nang isang pasada lang..
pero uunti-untiin kong tanggalin yung mga nakasanayan kong gawin na patungkol sa kanya..
kaya malamang na mabawasan na rin ako ng mga blog entries sa mga susunod na araw..
tutal wala namang gaanong alam ang blog ko na 'to, kundi tungkol kay Miss Robeldo eh... >,<
---o0o---
mga 5 years ago (from 2008), wala na ako sa University noon, kaya naman wala na ring babae na masyadong nakakakuha ng atensyon ko..
sabihin na natin na mas disiplinado ako noon..
after kong maka-graduate at after kong mag-decide not to take a professional career, i was convinced na hindi na ako magiging deserving para sa kahit na kaninong babae out there..
for a lot of years, eh hindi nga ako namansin ng mga babae..
sa bagay, i confined myself at home most of the time, kaya hindi naman naging mahirap yun, dahil automatic na wala naman akong makakasalamuha nun...
the late 2011 came..
at bigla na lang nakuha ng isang bata ang atensyon ko, dahil lang kinausap niya ako..
i never really imagined na magkakagusto ako sa kanya..
ang totoo nga eh tinatawag ko pa siyang 'ineng' noon eh...
7 taon at mahigit isang buwan ang tanda ko sa kanya..
simula noong araw na mapukaw niya ang interes ko, eh hindi ko namalayan na unti-unti na pala niyang nakukuha ang atensyon ko..
2012 came..
noong mga panahon na yun, napansin ko na nagsimula na si Miss Robledo na maglagay ng mga kolorete sa mukha niya..
hindi ko naman talaga type yung mga babaeng mahilig sa kolorete, dahil ang talagang preference ko eh yung natural at simple lang magdala ng sarili..
pero biglang naiba yung preference ko pagdating sa kanya..
ewan, natutuwa kasi ako kapag nakikita ko siya na rosy cheeks eh..
noong mga panahon na yun, na-realize ko na yung batang tinatawag ko noon na 'ineng' eh nagdadalaga na pala...
natatandaan ko pa noong isang April ng 2012..
may reunion noon dito sa bahay, nakita siya noong isa sa mga bisita namin, and he/she (bading eh) told me, 'kakilala mo, akala ko pa naman girlfriend mo yun?'..
nasabi ko na lang sa sarili ko, 'how i wish.. eh kaso ni hindi ko pa nga alam yung pangalan niya eh T,T'...
all the while, she seemed to be nice naman..
yung tipo na parang madali lang i-approach..
yung tipo na palakaibigan sa mga tao..
hindi naman yung tipo na talagang sociable, pero may katangian ng pagiging magiliw..
pala-ngiti kasi siya eh..
at gustung-gusto ko na nakikita siyang naka-ngiti...
ilang beses ko noon na tinanong ang sarili ko..
ano bang nakikita mo sa batang yun..?
at ako naman eh, 'meron kasi siyang qualities nung babaeng pinapangarap ko'..
ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko, 'ano, gusto mo bang makipagkilala?'..
pero i wasn't doing good, my life isn't something na pwede kong maipagmalaki sa iba - lalo na sa isang babae..
and so, i was still convinced na hindi ako deserving na makilala ang isang tulad niya..
kasi i'm afraid na baka wala namang kahinatnan ang mga balak kong gawin, na mas malamang na masaktan na naman ako...
my college life wasn't a good one..
lahat ng babaeng natipuhan ko noon eh either may boyfriend na o may gusto ng guy..
so puros kabiguan lang ako noon..
kaya kumbaga yung takot ko sa mga babae eh nadala ko pa after college...
kaso dumating nga areng isang araw nitong late March 2013..
noong makita ko siya sa Sunday Dress niya..
she was so lovely sa ganung form, na lahat ng pag-aalinlangan ko eh bigla na lang nawala..
at nag-decide ako na 'kailangan ko talagang makilala ang babaeng ito'...
so ayun nga, i made my move..
pero ilang araw lang eh, ni-reject na ako ng babaeng gustung-gusto ko..
i hate myself, na bakit ba ang tanga ko na nag-decide pa ako na makipagkilala sa kanya..
hindi ko talaga in-expect na hindi maganda ang mangyayari..
i was hoping na at least pwede kaming maging magkaibigan o acquaintance man lang..
pero kabaliktaran yung nangyari..
doon sa rejection message niya, eh ramdam na ramdam ko yung sakit..
na para bang she hates me for some reason..
na para bang tinataboy na niya talaga ako..
na parang ayaw na ayaw niyang maging parte ako ng buhay niya..
na parang kahit yung fact na magkalapit-bahay lang kami eh isusuka niya kung pwede lang..
na parang walang halaga sa kanya yung existence ko..
total rejection talaga yung inabot ko...
pero ang mas masama nito..
kahit na alam ko na ayaw naman niya na makilala man lang ako..
eh hindi ko pa rin siya magawang ayawan na rin..
para ngang mas nagustuhan ko pa siya noong mga panahon na nalalapitan ko pa siya eh...
tapos 6 days after being rejected, may nakarating pa sa akin na tsismis o biro..
at mas pinagulo lang nun yung takbo ng isip ko sa ngayon..
na gustung-gusto kong malaman kung ano ba yung totoo, pero hindi ko na alam kung kanino ko pa makukuha yung totoong sagot...
oo, i lied..
i thought i can easily get over her..
na para bang madali lang talaga siyang kalimutan..
pero, hello!? almost 2 years ko nang dinadala 'tong damdamin ko na 'to para sa kanya, kaya hindi talaga madaling kalimutan ang lahat kung tutuusin..
sa nangyayari nga sa ngayon, eh mukhang kakailanganin ko nang umalis sa lugar na 'to para lang makalimutan ko na siya...
i like her a lot..
siguro nga mahal ko na rin siya for some reason..
sobrang bigat na ng pakiramdam kong 'to..
minsan nga bigla na lang akong naiiyak sa sobrang lungkot ko..
bigla na lang naiiyak ng dahil sa sobrang sakit - yung pakiramdam na may gusto kang babae, pero yung taong yun naman eh ayaw na ayaw sa'yo..
pero hindi ko na alam kung papaano ko pa 'to mailalabas..
kung papaano ko pa 'to mapapakalma...
Miss Robledo..
i'm so sorry..
sorry, pero gusto na talaga kita...
No comments:
Post a Comment