Saturday, April 12, 2014

Dreams - July 6, 2013 (Slasher & Chase)

heto ang pinakauna kong blog entry regarding 'dreams'..
minsan kasi nananaginip ako nung mga medyo weirdo, o di kaya sobrang nakakatakot, o di kaya yung mga interesanteng bagay..
minsan nagtataka ako kung bakit ako nananaginip ng tungkol sa mga ganung pangyayari, kaya naman naisip ko na i-share na rin sila dito sa blog ko...


bale hindi ko alam kung dugtung-dugtong ba yung mga panaginip ko last night..
hindi ko na rin nga matandaan yung tamang pagkakasunud-sunod eh..
basta ang isa sa mahalagang detalye na natatandaan ko eh, may sorpresa daw na naghihintay na sa akin dun sa Facebook drone account ko..
bubuksan ko na lang daw yung notification para malaman kung tungkol saan ba yun, pero naudlot pa yun for some reason...

the next thing i remember eh palibot-libot na ako sa isang masikip pero pataas na gusali..
may mga kalaban ako na naghahabol sa akin..
noong una mga baril pa yung gamit ko..
pero may mga sumugod sa akin na naka-katana..
may napansin akong dalawang katana..
isa na may hilt na nababalutan ng kulay black at isa namang nababalutan ng kulay puti..
although mas may advantage sana ang paggamit ng mga baril..
eh nung nakita ko na yung mga yun, eh basta na lang akong nagdesisyon na kunin yung katana..
bale hindi ko masabi kung ano dun sa dalawang katana ang kinuha ko, o kung parehas ko ba silang ginamit..
basta nung paghawak ko kasi sa kanila o sa isa sa kanila, eh may sumulpot na ulit na mga kalaban kaya nag-panic ako..
slash dito, slash doon..
takot na takot ako tuwing may baril yung sumusulpot na kalaban..
mabuti na nga lang at paisa-isa lang yung paglabas nila..
kaya ginagawa ko ang lahat para makalapit kaagad ako sa kanila, para mataga ko na kaagad sila..
minsan binabato ko pa sila ng kugn ano para ma-distract sila..
tapos karipas ako nang takbo papalapit sa kanila, habang kinakabahan ako..
noong una, hindi ko pa napapansin kung paano ko sila pinagpapapatay at pinagtatataga..
basta pagkabagsak nila sa sahig eh diretso na ako sa susunod na kalaban..
pero nung mga pahuli na..
hindi ko na madaling natatapos yung mga kalaban ko..
ilang ulit ko silang kinakailangang tagain para lang mamatay na sila..
at noong time na yun, napapansin ko na yung mga damages na dinudulot ko sa kanila..
kung paanong bumubuka yung mga taga sa katawan nila na parang karne ng hayop..
alam kong hindi accurate yung representasyon sa panaginip ko ng katawan ng tao..
dahil para nga silang karne lang ng baboy - mapapansin yung parteng taba at parteng laman, at walang masyadong dugo..
pero andun din yung mga pagkakataon na kahit na nakalupage na yung kalaban ko sa sahig eh kinakailangan ko pa 'tong lapitan at saksakin sa dibdib para lang masiguro ko na hindi na ito makakapanlaban pa..
hindi makikita noon yung malinaw na emosyon ng tao - yung sakit..
pero the thought itself na ikaw yung pumapatay sa kanila, na sinasaksak mo sila nang paulit-ulit nang hindi mo naman masiguro kung sapat na ba yung puwersang ginagamit mo para mas mapadali na yung paghihirap nila sa kamay mo..
nakakaawa din..
at sa puntong iyon, hindi ko na natiis yung ka-brutal-an ko, kaya gumising na ako...

the next scene (yata)..
ang una kong impression eh para siyang overnight with friends and batchmates somewhere..
tas unti-unti kong na-realize na parang nasa isang school setting pala kami..
basta naisip ko na lang na parang hindi akma na doon kami matutulog noong time na yun..
halos nakahiga na noon lahat ng iba kong kasama..
bigla kong natanong yung isa sa kanila (babae eh), "seryoso ba kayong dito tayo matutulog..?"..
tumanggi siya, at sinabi na hindi daw pwede yun, depende daw kasi dun sa gagawin nung tao na kanina pang andun sa bintana..
noon ko nga rin lang napansin na may tao nga palang nakaupo lang dun sa may bintana..
and it turned out na baliw siya..
natakot ako noon para sa safety ng mga kasama ko, na karamihan eh babae pa..
maya-maya pa ay bumaba na doon sa may bintana yung baliw na bata at sinubukan nang lumapit sa amin..
sa sobrang takot, hindi ko pa man alam kung anong balak niyang gawin, eh pinaghahampas ko na siya ng kung anong hindi ko na maalala..
sinubukan ko siyang paatrasin ulit doon sa may bintana..
at noong nakasandal na lang siya doon, eh naisip kong itulak na lang siya at ilaglag sa labas nung room..
yun ang tinatawag kong ultimate self and others' defense..
pagkahulog noong bata, eh sabay-sabay na kaming lumabas nung room...

hindi ko maalala nang malinaw pero may parang cutscene eh..
napunta na lang kami sa 2nd floor ng isang bahay (bale yun yung impression ko dahil may hagdan pababa sa may malapit eh)..
halos katulad yun ng bahay bakasyunan ng blood clan namin sa probinsiya eh..
pero mas modern iyon at pinturado ng puti..
dalawa sa mga batchmate ko na babae yung natatandaan ko na kausap ko pa noon..
hindi ko na lang maalala kung ano yung napag-usapan namin...

sunod ko na lang na natatandaan eh isinama na ako ng kung sino sa isang parang dungeon..
balak pala nila akong ipasok sa isang silid na may kung anong mababangis na hayop na parang si Wildmutt ng Ben 10..
natakot na naman ako..
iyong isa sa mga kasama nung lalaki na nagdala sa akin doon eh napalapit dun sa silid ng mga kakaibang hayop, at inatake siya nung mga nilalang na iyon..
wala naman kasing pinto yung silid eh, pero ewan ko ba kung bakit hindi lumalabas doon yung mga bopols na nilalang..
sa kabilang dako noong silid ay may isa pang daan na may nakaharang nang parang monster na tao, at sa bandang likod ko ay yung daan na pinaggalingan namin..
ewan ko ba, pero mas naisip ko na salubungin na lang yung mga monster at tahakin yung daan na hindi ko pa alam kung saan ba patungo..
nagtatakbo lang ako, pinagtutulak ang mga nakakasalubong ko, at nagtatago kapag may pagkakataon..
sa pag-ikot-ikot ko doon sa lugar eh na-realize ko na lang na isa pala yung building na may parang mall, na may parang maliliit lang na hotel rooms din..
doon sa mall at doon sa isang room na napasukan ko, eh pakiramdam ko na mga monster din yung mga nakikita kong tao (na naka-disguise lang)..
pagkapasok ko nga doon sa hotel room, eh may nakita akong hagdanan na pababa, tas nasa likod ko yung mga tao (monsters) na laman nun..
naisip ko na lang na dead end na yata yun, kahit na may hagdanan pa naman sa harapan ko..
at parang doon na rin natapos yung eksena...

ang next scene na natatandaan ko eh parang katatapos ko lang maligo..
parang nagtutuyo na lang ako ng katawan ko gamit ang isang towel sa harapan ng mahabang parang lababo tas may mahaba ring salamin sa ibabaw nito, parang sa mga public comfort rooms..
naman, wala talaga akong saplot noon..
ni hindi ko nga alam kung paanong napunta dun yung eksena eh..
tas bigla na lang may sumilip doon sa mga cubicle sa likuran ko..
nakakapagtaka nga eh, kasi pakiramdam ko na yun dapat yung area nung hagdanan gaya nung sa cutscene, pero bigla na lang ngang nagkaroon ng mga parang cubicle doon..
ayun, sumilip nga sa itaas nun yung isa kong kaibigan na babae (na parang ginawa na rin niya sa panaginip ko earlier - deja vu)..
parang kinamusta nya yata ako eh dahil sa mga naging adventures ko..
tas casual na casual siya, lumapit na siya sa akin kahit na hindi pa ako nakakapagbihis..
tas kausap pa rin siya nang kausap sa akin..
eh kahit yung towel eh hindi pa nakabalot sa bandang ibaba ko eh..
inilapat ko daw yung tutut ko doon sa may lababo para naman hindi niya makita..
tas nung nakakuha na ako ng tiyempo eh ibinalot ko na yung tuwalya kong hawak sa ibabang parte ng katawan ko..
sunod kong naalala eh naging hagdanan na lang ulit yung cubicle area..
nasa may gilid kami nung hagdanan..
tas nakatuwad na kami parehas sa sahig..? (hala, bakit naging ganun yung eksena??)
tas hiniritan daw ako nung kaibigan ko na maligo daw kami at hiluran ko daw siya..
tas doon na mismo sa dialog na yun natapos yung panaginip ko..
amp! antinding ending nun ah para sa isang maaksyon na panaginip...


No comments:

Post a Comment