Wednesday, April 16, 2014

September 18, 2013 - Reproductive Termites


anak ng putsa..
tag-ulan na naman kaya naglalabasan na naman ang mga garineng klase ng nilalang..
for some reason eh tinatawag namin silang mga 'gamu-gamo', although hindi naman talaga sila related sa mga moth...

may lakad pa man din ako noong araw na iyon..
at habang nagpapake ako ng mga gamit ko..
eh napansin kong may mga bagong butas na naman sa mga kahon ng gamit ko..
na-alarma ako..
kung kaya't nag-ubos ako ng ilang oras para lang i-check yung damage na nagawa ng mga pesteng are..
at 10 unit nila yung naalis ko dun sa kahon ko, ang iba sa kanila eh mga bata pa..
sa sobrang inis ko na naman eh pinalantsa ko yung palibot nung buong kahon..
sobra na eh..
naka-ilang atake na yung ganung uri ng anay sa akin..
pa-tatlo na yata ngayon kung hindi ako nagkakamali..
at nagpapalipat-lipat pa ako ng mga gamit ko nang tayong yun..
na parang may entity talaga na gustong magpasira sa mga gamit ko..
sobrang hassle talaga para sa isang taong kolektor at nabubuhay sa paggamit ng papel...

bale..
hindi yung mga ordinaryong anay ang mga nakalaban ko..
mas mapapayat yung reproductive form nila kumpara dun sa mga anay na mahilig lang talaga sa kahoy na nagmo-mold pa ng lupa o putik sa paggawa nila ng bahay..
mas delikado ang uri na 'to na tinatawag ding 'unos'..
wala kasi silang pakialam kung may lupa man o wala..
basta wood product na walang masyadong chemical content eh tapos sa kanila...

kung hindi kayo mayaman, at kung hindi nalason ang mga gamit sa bahay nyo (yung pang-iwas sa mga garineng klase ng peste)..
eh ang masa-suggest ko lang na panlaban sa mga putris na 'to..
eh ang huwag silang hayaang makapasok sa mga bahay nyo, madalas naman eh tuwing rainy season lang naglalabasan ang mga lintik eh..
o kung nakakapasok talaga sila sa bahay..
eh huwag nyo silang hayaang makalapag nang buhay..
una kasi magsasayawan muna ang mga yan sa may ilaw..
kahit nga hindi ilaw eh, basta bagay na kayang mag-reflect ng liwanag..
at kapag sinuwerte silang makalapag sa kung anong wood product nang may ka-partner sila..
eh tapos..
magbi-breed sila at lalantakan nga ang mga wood product na malapit sa landing spot nila..
hanggang sa makapagtatag sila ng sarili nilang colony...

ang mga tinamaan ng lintik na mga nilalang... >,<


No comments:

Post a Comment