araw-araw ko na lang nararamdaman ang pagiging talunan..
at nakakapanghina lalo na tuwing naaalala ko yung sinapit ko sa Espasol na yun...
kahit sa trabaho ganun din..
wala akong sariling scanner..
at wala na rin akong matinong computer na kaya sanang trumabaho ng 3D rendering..
eh ni hindi na nga kaya ng unit ko na mag-edit sa photoshop eh..
gusto ko sanang mag-aral nun..
kasi mukhang mas mabilis ang takbo ng mga bagay-bagay sa ganung medium..
kaso lahat naman ng tao sa paligid ko eh tutol sa mga plano ko...
wala akong mahingan ng tulong sa kanila, kasi alam ko naman na iba yung gusto nila para sa akin..
iba yung pagkakilala sa akin ng karamihan sa mga taong kakilala ko..
at may kanya-kanya silang pangarap para sa akin..
eh ano sila, mga remote control..?
bukod pa dun..
eh hindi ko naman magarintiya kung maibabalik ko nga ba kung anuman yung balak kong hiramin..
hindi ko kasi sigurado kung feasible nga ba yung plano ko..
wala naman kasi akong ideya kung paano ginagawang secure ang mga online US dollar transactions para sa kliyente..
at kung gaano ba talaga katalamak ang online piracy..
eh alangan namang sumugal ako kung malulugi rin lang ako...
wala rin namang nangyayari sa pagsusugal ko... T,T
haaaaay..
kung may mabuting tao lang sana na magreregalo na lang sana sa akin ng mga bagay na kailangan ko..
at least hindi na ako mababagabag ng konsensiya at hiya ko na kesyo baka hindi ko naman maibalik sa kanila yung pabor...
bakit ba kasi madali lang nakukuha ng ibang tao yung mga bagay na gusto nila..?
eh daig pa ako ng mga sanggol eh..
samantalang yung mga kailangan ko, eh kailangan ko pang iyakan ng ilang taon..
at wala pang kasiguraduhan na makukuha ko sila... T,T
haaaaay..
nakakatamad mabuhay nang walang kakampi...
No comments:
Post a Comment