Saturday, April 12, 2014

July 14, 2013 - Hacked

bullshit!

July 14, sa araw na ito, taon-taon simula noong year 2006, ginugunita ko yung trauma na dinanas ko dati na lubusang sumira sa natitira kong pagkatao..
oo, madalas sabihin ng ibang mayayabang na tao na simpleng insidente lang yun..
na dapat na akong mag-move on..
na wala naman kasing masyadong nawala sa akin..
pero ang hindi nila maunawaan - eh hindi lang naman basta pera ang nawala sa akin noong araw na yun..
noong mismong araw na yun nadurog ang sense of security ko..
akala ko noon na matibay na yung depensa ko kahit na kasama ko pa sa mismong bahay namin ang posibleng magnanakaw..
pero noong araw na yun, binalot lang ako ng takot at ng kawalan ng tiwala sa iba...

at after 7 years..
habang inaakala ko na mas napo-protektahan ko na ang lahat ng pinahahalagahan ko..
eh na-diskubre ko na lang kagabi na na-hack na pala yung isa kong primary e-mail account..
naka-link yun sa isa ko pang e-mail address, at doon ko nabasa yung pambabastos na ginawa na naman sa akin ng kapalaran..
may nagpalit ng password ko..
at maging yung mga security questions ko na magagamit ko sana for recovery eh pinagpapalitan din..
sobrang init ng ulo ko noon..
biruin mo naman, abala na nga ako sa pagbawi ko dun sa account ko..
pero areng tinamaan ng topak na Globe eh talagang paputul-putol ang internet connection noong mga oras na yun (kampi pa yata sa hacker)..
tas kung kailan ako nakatapos eh saka pa naging stable, na para talagang nag-aasar lang...

it took me a while para mabawi ko yung importante kong e-mail account..
sobrang halaga nun sa akin dahil bukod sa mga backup data eh may mga laman rin yung access codes (though hindi naman talaga mga kumpleto codes)..
pero ang ikinakatakot ko eh - paano ako na-hack..?
meron na bang keylogger o spyware na remotely na-upload sa unit ko..?
July 9 pinalitan nung hacker yung mga account details ko eh, bale Tuesday yun, at mga bandang 8:00 PM kung kailan natutulog o nagpapahinga na ako..
naisip ko rin na posible bang may kinalaman sa pagka-hack kay Vhong Navarro yung nangyari sa akin, na baka naman batch-hacking yun na trip-trip lang..?
ewan ko ba..
hindi ko kasi masabi na attack talaga yung ginawa sa akin eh..
madali na lang sanang na-dispatsa nung hacker ang account ko kung ginusto lang niya..
pero kahit na napasok na niya yung account ko, eh hindi rin naman niya binura yung alternate e-mail address ko, kaya na-notify pa ako nung service provider na na-compromise na nga yung account ko..
mukhang wala rin naman siyang ginalaw dun sa mga e-mail na laman nun..
nakakapagtaka talaga yung atakeng yun...

oo, naisip ko na karma yun..
kapalit nung ginawa kong kasamaan sa iba..
na talagang naparusahan kaagad ako sa mga nagawa kong pagkakamali..
halos kaparehong week kasi yun nung gumawa ako ng mga moves ko..
at hindi ko maiwasang isipin na sobrang lupit talaga ng kapalaran pagdating sa akin...

sa ngayon eh nasa akin na ulit yung kontrol dun sa e-mail account ko..
pero ang tanong - eh hanggang kailan..?

---o0o---


may pag-asa pa ba talaga akong mag-improve?
puros bangungot lang ang nakaraan ko..
at puros kamalasan naman ang aking hinaharap...


No comments:

Post a Comment