konting update lang ulit tungkol sa mga pet budgie ko:
last
June 19 (more than a month after niyang magka-deperensya sa mata) eh
napansin kong parati lang natutulog itong si Blue at walang kibo..
bukod dun eh parang nanginginig din siya sa may bandang mga pakpak..
tapos madalas ay nasa ilalim pa siya ng kulungan nila..
naalarma tuloy ako kasi breeding season pa naman..
at kapag nagkataon na may sakit siya eh baka mahawa pa niya yung partner niya dapat na ibon...
kaya ang ginawa ko ay nag-decide na muna akong i-quarantine siya..
mahirap
na desisyon yun para sa akin, dahil breeding season na nga at gusto ko
naman siyempre na mapalaganap areng lahi niya na may magandang blue na
kulay (since pumalya nga sila noon nung dati niyang partner na namatay
na T,T)..
bale ibinukod ko na muna siya, at ikinulong dun sa maliit kong kulungan..
tapos ay yung si Yellow-Boy na muna ulit iyong ipinares ko kay Yellow-Girl..
kesa
naman kasi palampasin ko areng breeding season, edi susugal na lang ako
na makakagawa pa yung bagong pares ng paraan para magka-inakay sila...
si Blue naman ay pansamantala kong oobserbahan..
lately, eh mukhang medyo bumubuti na yung pakiramdam niya..
kumakain
na ulit siya, at nagkikikilos na ulit, pero may mga pagkakataon pa rin
na natutulog lang siya habang gising na gising pa rin ang mga kasamahan
niya..
sana lang gumaling siya..
dahil kapag namatay rin siya nang hindi nakakapagpalahi eh hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko..
at siyempre mararamdaman ko na naman kung gaano ako talaga ka-MALAS sa buhay..
biruin
nyo naman, yung iba eh pinababayaan lang yung mga pet budgie nila, tas
mabilis lang silang dumadami, samantalang ako - eh parating
nagkaka-depekto ang mga alaga ko...T,T
kapag gumaling na nang tuluyan si Blue..
eh kakailanganin pa niyang maghintay hanggang late 2013 bago makapag-breed..
hihintayin na lang namin na makalampas 1 year old na si Beige, para masabing handa na rin siyang magka-inakay..
tapos nun, eh sila na nga yung ipapares ko sa isa't isa, tutal eh parehas naman silang may base na color blue...
sana naman eh umayos pa ang lahat para sa mga alaga ko...
No comments:
Post a Comment