(journal entry)
i'm not really sure kung dapat ko bang ikatuwa ang araw na 'to o ano..
i'm just glad na nakita ko na siyang muli...
feeling sad na naman siya kahapon..
galing siguro yun sa date..
mga pasado 2:00 PM na siya umuwi..
light blue tee shirt, faded jeans, at light blue shoes..
may problema yata sa lovelife eh..
alam mo, kung bored na sa'yo yung masuwerteng lalaking yun, edi kalimutan mo na siya..
sinasayang mo lang ang panahon mo sa kanya..
ang dapat sa'yo eh someone na maa-appreciate ka kahit na 'kayo' na..
hindi yung tipo na nagsasawa...
ay si-ya..
huwag kang lalapit sa akin para lang sa rebound ha..
at ako'y hindi mahilig maglaro ng basketball... T,T
---o0o---
parang February 14 lang ah...
mga 7:00 PM na at ako'y nagpapanghimagas ng lansones sa likod ng bahay (sa basketball court o dining room kung matatawag nga ba yung dining room)..
nagbabantay naman ng baby yung biological-demon-sperm-donor ko sa salas namin..
habang malakas ang volume ng tv dahil sa sobrang kabingihan niya..
topak na yun!
hindi naririnig na tumatawag na pala sa labas ng bahay namin yung Espasol ko..
mabuti na lang at medyo narinig ko pa rin siya sa likod nga ng bahay kahit na malakas ang volume ng tv..
naka-dalawa o tatlong tawag na yata siya nun kung hindi ako nagkakamali...
hindi ko kaagad na-realize that it was her..
hindi ko kasi siya nabosesan eh..
basta ang alam ko babae yung kausap ko noon..
saka ko pa lang napagtanto na siya nga pala yun noong lumabas na ako ng bahay..
eh natawag ko pa naman siya ulit na 'Ineng' sa halip na 'Miss'..
basta na lang lumabas sa bibig ko eh..
sabi ko kasi pumasok na siya (sa terrace namin) dahil naambon noon..
kaso tumanggi naman siya..
hindi na ako nagpumilit, baka naman kasi mailang pa..
nasulyapan ko na naman tuloy yung maganda niyang ngiti..
napangiti kasi siya nung tumatanggi na siyang pumasok sa bakuran namin eh..
at nakaka-inlove talaga na makita yun... T,T
white tee shirt na may black character print..
cream na shorts yata..
light colored flip-flops yata..
at buhul-buhol na bun yata...
siyempre medyo nag-panic ako noong na-realize ko na siya pala yung customer ko..
eh kasi naman ma-dagta pa yung mga daliri ko dahil sa lansones..
tas eh nag-aalala pa ako sa kanya dahil naambon na nga, tapos siya eh ayaw namang makinig sa suggestion ko..
medyo natagalan pa ako sa pagbibigay ng order niya dahil suklian na 50 Php yung dala niyang pera...
wala akong ibang sinabi sa kanya..
wala rin naman kasi siyang sinabi sa akin eh..
wala man lang 'sorry' eh, kakatampo yun.. T,T
ewan ko ba..
pero sa totoo lang..
napapaisip ako kung paano niya nagagawang makangiti pa sa harapan ko matapos niya akong masaktan..
kahit yung mismong pagharap niya sa akin, eh napapaisip ako eh..
sa bagay, hindi naman niya talaga kasalanan yung nangyari..
pero kahit na ganun..
i'm still glad na kahit papaano nakita ko na siya ulit nang harapan..
at least may mga pangyayari pa ring nakakapagpangiti sa akin dito sa buhay kong puno ng kabiguan..
hindi naman kasi sa hindi ko na siya gustong makita..
pero sana lang na nagkikita naman kami hindi bilang 'strangers' o magkalapit-bahay LANG...
can't believe na ito na yung pinakasunod naming ice encounter since April 20 of this year..
it has been a very long 147 days since then..
at 122 days naman since yung last approach ko sa kanya last May 15..
i'll surely miss her kapag nagkataon...
---o0o---
wish granted..
Miss R, thank you ha..
at least kahit papano nakita na ulit kita...
nasabi ko na ba sa'yo na nakaka-inlove yang ngiti mo..?
minsan siguro dapat eh magmukhang seryoso ka lang..
para hindi ka nakakabihag ng atensyon ng ibang taong nananahimik lang dito sa tabi-tabi...
hindi ko lang pinapakita pero masaya talaga ako na makita ka kagabi..
hindi kita matingnan nang diretsa kahit na gusto ko kasi baka mailang ka naman saken..
baka mamaya bigyan mo pa yun ng malisya, eh ayoko namang bigyan ka pa ng dahilan para iwasan ako..
minsan na nga lang kasi kita makita eh, sisirain ko pa ba naman yung mga pagkakataon na yun...
at sa susunod..
makinig ka sana..
huwag kang magpaambon...
hay.....
nga naman..
ang babaeng parehas na nagpapatibok at nagpapakirot sa puso ko...
---o0o---
noon, before i made my move..
puros psychological issues lang yung mga problema at kalaban ko sa buhay..
pero ngayon isinabay ko pa 'tong problema ng isip ko na may kinalaman sa nararamdaman ng puso.. T,T
baka naman masokista nga ako - hindi ko lang napansin... T,T
No comments:
Post a Comment