Saturday, April 12, 2014

Dreams - July 12, 2013 (Encounter with the Siblings)

July 12, since hindi naman talaga ako sigurado kung noong 12 o nitong 13 ko na ba siya napanaginipan, haha!

t-in-ag ko na rin siya under 'lover story' since tungkol rin naman 'to kay Miss Robledo..
ngayon ko na nga lang ulit siya nakita sa panaginip ko..
siguro dahil yun talaga ang desire ng inner senses ko - ang makita siya...


hindi ko mismo maalala kung paanong nag-start yung panaginip ko, o kung nagkaputul-putol na naman ba yun..
ang alam ko noong una eh gimik yun kasama ng tropa..
basta sila yung naghahanda eh..
tas parang naghintay lang ako sa kanila sa isang parang computer shop..
naglaro muna daw ako, tas parang napasok pa nga ako mismo dun sa game, na parang naka-interact ko mismo yung mga kalabang Tikbalang noong malapit na ako sa exit nung laro..
tas pagka-exit ko eh saktong dating na daw ng mga kabarkada ko, kaya todo kuwento ako sa kanila tungkol dun sa game...

may naaalala din ako na parang nasa school setup na ako..
sa elementary school ko dati ang setting..
may kinumusta pa daw akong lalaking kaklase ko nun eh, bago ulit magpalit ng dating yung istorya...

ang last setting eh magkahalo nang elementary at high school ang background..
may mga kasama akong mga lalaking estudyante eh, pero hindi ko sila minumukhaan o iniitsurahan..
parang naglalaro kami doon sa field na kaparehas nung sa elementary school na pinasukan ko dati..
tas nagulat ako nang mapansin ko yung younger brother ni Miss Robledo na kasama ng grupo namin..
nagtaka ako siyempre kung bakit nandun siya..
pero kahit na nagtataka, eh tuloy lang ako sa routine na idinidikta nung script nung panaginip - laru-laro lang nang hindi ko nga maintindihang laro na yun (parang palakad-lakad at paikut-ikot lang sa medyo putikan na field)..
tas dumating sa punto na naisipan kong mag-alis o magpalit ng tsinelas (bale ganun kasi yung nakagawian ko sa totoong buhay, meron akong tsinelas na pang-alis at tsinelas na pambahay lang na mas komportable para sa akin)..
basta hinubad ko daw yung tsinelas ko na hindi naman komportable para sa akin, tas parang tanga ako na basta ko lang daw iniwan yun doon din sa field na pinaglalaruan namin..
maya-maya eh nakita ko na lang daw si brother-in-law (LOL!) na isinusuot na yung tsinelas ko, edi siyempre eh nagtaka naman ako..
pero kahit na ganun, eh hindi ko siya sinita, at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko..
noong medyo nagtagal na, eh parang nakatakas na rin ako doon sa routine na idinidikta nung panaginip ko.. malaya na akong nakagalaw, kaya hinanap ko na yung tsinelas ko..
inisa-isa kong i-check yung mga paa ng mga kasama ko para malaman kung na kanino na yung tsinelas ko..
maging si brother-in-law eh ch-in-eck ko rin, pero hindi na niya suot yung tsinelas ko..
hindi ko rin naman siya matanong dahil nahihiya ako sa kanya, bilang kapatid nga ni Miss Robledo..
medyo matagal rin akong naghahanap..
tas maya-maya pa eh tinulungan na ako ni brother-in-law..
'Kuya' yung tawag niya sa akin eh..
parang g-in-uide niya ako dun sa pinaglagyan niya nung tsinelas ko..
lumapit kami doon sa may harapan ng mga classrooms, bale madalas kasi na may mga tanim na halaman sa harapan ng mga classrooms (di ba?), tas may pathway doon na malapit sa gripo..
may mga nakita kaming helera ng mga tsinelas doon, kaso wala dun yung akin..
tinulungan pa rin naman ako ni brother-in-law, tas napansin nga niya na may mga nakataob na tsinelas doon sa mismong portion na taniman ng mga halaman..
itinuro niya sa akin yun, at swerteng yun nga yung tsinelas ko..
hindi ko lang pala kaagad napansin dahil nakataob nga sila, tas nababalutan pa ng putik yung ilalim ng suwelas..
after that, eh parang bigla na lang nawala si brother-in-law...

naisipan ko munang maghugas ng paa at ng tsinelas nga dahil doon sa putik..
andun nga lang yung gripo nun at malapit na sa akin..
habang naghuhugas ako, eh may biglang lumapit sa kinaroroonan ko at nakigamit nung isa pang gripo..
isa yung babae, at yung younger sister naman pala ni Miss Robledo yun..
parang naghinaw siya ng mga kamay niya, tas hindi na nga niya pinansin na naaagawan na ng gripo niya yung gripo ko ng tubig eh..
hinayaan ko na lang siya sa gusto niya..
sinubukan kong makipag-agawan o i-share siguro nang patas yung tubig sa kanya..
pero bigla na lang niyang itinapat yung beywang niya dun sa gripo niya kaya nabasa siya, na laking pagtataka ko naman..
maya-maya pa ay dumaan na si Miss Robledo..
bigla na lang siyang pinigilan sa paglalakad ni sister-in-law (LOL! again..)..
'Ate Girlie' yung tawag niya kay Miss Robledo eh..
sandali lang daw at ipapakilala daw niya dito si 'Manong'..
crap! unfortunately, ako yung tinutukoy na 'Manong' nung bata.. T,T
humarap naman sa akin si Miss Robledo, habang ini-introduce kami sa isa't isa nung kapatid niya, naka-puyod yata ang buhok niya noon eh..
pero medyo ilag sa kanya ang mga mata ko, instead eh nakatingin ako kay sister-in-law, gusto ko kasi siyang patigilin sa ginagawa niyang pagpapakilala sa aming dalawa ng ate niya, dahil nahihiya na ako kay Miss Robledo after nga nung rejection na inabot ko..
gusto kong ipaliwanag dun sa bata na nagkakilala na naman kami noon ng kapatid niya, na hindi na kailangang ipakilala pa kaming muli, pero hindi ko magawang magsalita..
si Miss Robledo naman eh parang inirapan ako.. T,T
parang may sinasabi siya noong una eh, kaso hindi ko maintindihan dahil sa pagsasalita ng kapatid niya..
iniisip ko pa naman na baka tungkol na yun doon sa paglalapit ko ng sarili ko sa kanya -  ah basta wala akong naintindihan..
at nung tapos na si sister-in-law sa pagsasalita, eh nakasingit na rin siya sa wakas..
kaso parang nagtanong lang siya kung kailan ang birthday (yata yun) ng isang matanda - basta parang ganun yung itinakbo ng dialog niya..
hindi ko na maalala kung sinagot ko ba yung tanong niya o hindi..
basta bigla na lang may dumating na grupo ng mga kababaihan na estudyante..
tila labasan na yata..
dati kong bestfriend yung isa sa kanila..
tas yung isa eh mare ko yata..
parang nagulat sila na makitang kaharap ko noon sina Miss Robledo at ang kapatid nito..
na-realize ko na lang na nagsasara na pala ng mga classrooms..
ang naisip at ikinatakot ko noon eh baka maiwan ko ang mga gamit ko sa loob ng room namin..
tinanong ko yung mare ko yata kung naisara na ba yung room namin, at 'oo' daw..
hindi ko na naisip pa sina Miss Robledo..
at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa aming room..
pero ang nakapagtataka ay habang tumatakbo ako ay may nakasakbit ng malaking parang pulang bag sa likod ko, na makikita pa sa aking anino noon..
(naalala ko tuloy sa tuwing ginagawa ko yun nung bata pa ako, malaki yung bag ko dahil sa sobrang dami kong dala, tas kapag oras na ng takbuhan eh parati kong inaalalayan yung puwitan ng bag ko para hindi naman yun mabutas at para rin hindi bumigay yung mga strap nun..)
noong gising na ako, napaisip na lang ako - eh ano pang iniisip ko noon na nakalimutan ko sa classroom kung nag-teleport na pala sa akin yung bag ko sa panaginip ko..?
anyway, dumiretso pa rin nga ako dun sa classroom namin..
parang katulad naman sa high school na pinasukan ko yung itsura nung mga rooms..
tas yung mismong classroom ko ay katulad nung computer laboratory namin dati..
may padlock na nakasabit doon sa bakal na pintuan, pero swerteng hindi pa yun naka-lock..
inalis ko na muna yun at binuksan ko yung pinto upang silipin yung loob nung silid..
tas ganun lang, wala naman yata talaga akong nakalimutan eh..
tas biglang pumasok na lang sa isip ko na parang may hinahanap akong tao noong mga oras na yun, parang teacher yata eh..
pero wala rin naman akong nakita..
tas nagising na yata ako pagkatapos nun...


No comments:

Post a Comment