Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (September 30, 2013 - When September Ends...)

isang linggo na naman ang lumipas..
at 3 beses ko siyang na-miss...

---o0o---


heto yung tanong ko sa isa kong kaibigan, in case na ma-solve nung Espasol kung sino nga yung nagpadala sa kanya nung flowers:

does that mean na hindi na maa-appreciate nung babae yung flowers dahil lang alam na niya na HINDI NAMAN NIYA GUSTO yung lalaking nagbigay nun sa kanya..?
i mean, ang purpose naman kasi nun is not to emphasize na 'ako yung guy na concerned para sa kanya', but just to let her know na kahit na hindi na patas yung trato sa kanya nung luckiest guy on Earth na yun eh 'meron pa rin namang nagmamalasakit para sa kanya'...

---o0o---


by September 28, 2013...

Saturday..
at mukhang naiwan ang mga bata sa malaking bahay halos buong maghapon...

binyag noon ng biological nephew ko..
noong hapon (mag-a-alas-tres na yata noon), binigyan ako ng biological brother ko ng instructions..
bantayan ko daw ang pagdating nung mga relatives nung hipag ko..
ipagbukas ko daw ang mga ito ng bahay dahil may mga ihahabilin ang mga ito sa kanila..
so binuksan ko na yung mga gate nung inuupahan nilang bahay..
tas tumambay ako dun sa may concrete na upuan na malapit sa kalsada..
medyo matagal rin yung ipinaghintay ko dun...

habang naghihintay ako..
narinig ko na tumunog yung gate sa bahay nung Espasol..
narinig ko rin na lumabas yung isa nilang auto..
naisip ko tuloy na 'mukhang lalayas na naman ang mag-anak na 'to'..
i couldn't look back kasi baka naman isipin nila na sinusubaybayan ko sila..
baka kako mamaya eh mai-connect pa nila ako dun sa nagpadala nung mga bulaklak..
pero i think na yung Espasol yung narinig kong nagsalita noon..
magpapa-repair daw ng palda eh..
tas umalis na yung kotse nila..
after that, eh hindi na ako sigurado kung kasama ba siyang umalis ng bahay o hindi...

habang naghihintay naman ako sa pagdating nung 2nd batch ng mga bisita..
eh lumabas ng bahay yung half-sister nung Espasol..
pumuntang tindahan yata eh..
nakasabay pa nga niya yung biological mother ko..
tapos nung pabalik na siya sa kanila, eh hindi ko din siya magawang tingnan..
baka kasi kung ano pang isipin niya eh..
she talked to someone nung pagpasok niya ng gate nila, but i'm not sure kung sino yun..
si Tatay-in-law siguro...

hanggang sa sumama na nga ang lagay ng panahon for the rest of the day..
at nawala na naman yung posibilidad na magtagpo ang mga landas namin nung Espasol ko... T,T


pero sino kaya yung tinutukoy nun na 'masyadong mapanghusga'..?
at sino yung hinuhusgahan nito...?

---o0o---


by September 29, 2013...

Sunday-Samba day..
got the chance to see her since naghintay sila hanggang 9:30 AM bago umalis...

suot yung colorful na black dress niya na may flesh-colored na V-shaped na neckline..
black flats lang..
at nakalugay na buhok...

as usual, umuwi din sila pagkagaling sa kanilang Sambahan..
hindi muna nila ipinasok yung SUV nila, kaya naisip ko na gagala na naman siguro sila after..
habang nagta-type ako ng monthly report ko sa laptop, eh narinig ko na nag-start na nga ulit yung auto nila..
nalungkot ako na paalis na naman sila..
but then, ibinuwelta lang pala nila ito at iginarahe din..
akala tuloy na hindi na sila aalis pa..
tas maya-maya eh tumunog na naman yung gate nila..
at lumarga na yung kotse nila..
naisip ko na baka naman yung parents lang nila ulit yung umalis, since maliit lang yung dala ng mga ito na sasakyan..
pero dumating ang dilim, at hindi pa rin nagbubukas yung ilaw sa garahe nila..
kaya naisip ko na mukhang sama-sama na naman nga silang gumala...

---o0o---


at para sa September 30, 2013 naman...

last day of September na..
ibig sabihin, bukas eh simula na ng last month..
ang huling buwan na makakasama ko siya sa iisang subdivision lang..
after that eh hindi ko na alam kung anong mga sunod na posibleng mangyari..
wala eh..
nakakalungkot lang sa pakiramdam..
yung parang unti-unti kang d-in-isable..
paulit-ulit kang ipinagtulakan palayo..
tas sa bandang huli eh iiwanan ka na lang niya na sugatan at litong-lito pa rin...
[ feeling wala na ba talaga akong magagawa...? ]

---o0o---


that same day..
heto yung reply ko sa message sa akin ng isa kong mabuting kaibigan:

naisip ko nga rin yun, na baka magka-ideya siya na ako talaga yung sender..
kasi naman nakasalubong niya ako the day before, eh bihira pa naman akong maglalabas talaga ng bahay..
tas madali ko nga rin lang malalaman yung mismong address nila..
tas dahil rin nga nabanggit nila sa biological mother ko na mag-o-OJT na siya sa PAL earlier noong Sept 27..
andun yung pakiramdam ko na parang gumagawa pa ng paraan ang pagkakataon para mabuko ako nung Espasol..
kumabaga sa itinagal-tagal ng panahon na nakatira lang kami sa iisang subdivision na hindi naman kami madalas talagang magpanagpo, tapos kung kailan may ginagawa ako for her eh saka nagku-krus yung mga landas namin..
FATE nga naman...
baka isipin nun na umorder kaagad ako nung malaman ko yung tungkol sa nalalapit na training niya..
pero kung alam lang niya na naka-plano na talaga yun matagal na dahil importante para sa akin yung araw ng 27, bago ko pa man na-diskubre yung tungkol sa pagpa-PAL niya...

pero it doesn't really matter kung ma-solve niya yun o hindi..
kung mananatili yung mystery to her, edi mas mabuti para sa akin..
pero kung alam na nga niya ang totoo, at hindi naman siya iiwas edi okay rin lang..
ang ayoko lang naman talagang mangyari simula't sapul eh yung tuluyan niya akong layuan nang dahil lang sa nararamdaman ko for her - kasi sobrang sakit nun para sa akin..
sobra na nga akong down even before i decided to get to know her, tapos mararamdaman ko pa na iniiwasan ako ng taong sobrang mahalaga para sa akin sa hindi ko naman malaman na dahilan..
eh sobra-sobra na yatang kaparusahan yun..
pero even if may kutob man siya na ako yung nagpadala nung flowers, hindi pa rin magiging definite yung sagot sa tanong niya hangga't hindi ko yun inaamin..
mabuti nga sana kung naiisip niya at kung thankful siya na ako nga yung may pakana nun...

at TAMA ka mare..
as in sobrang pasaway talaga nitong puso ko..
i mean, after a masasabi kong good relationship with [name of my very first girlfriend], eh biglang palyado na lahat nung mga sumunod na istorya ko ng pag-ibig..
lahat ng experience ko noong college years, sinubukan kong pagsama-samahin, para mas maging maingat na ako sa pagpili ng babaeng mamahalin ko sa susunod..
for more than 4 years napigilan ko ang sarili ko na mahulog o ma-attract man lang para kahit na kanino..
pero i guess 'she' was inevitable..
yung konting interes ko para sa kanya noon started to grow, na mas tumindi nga yun nang tumindi sa pagdaan ng panahon..
na kahit gaano ko pilitin ang sarili ko na maging praktikal naman eh hindi ko na magawa..
ewan ko if i can already call this love, considering na kulang pa naman ako sa mga information about her..
pero isa 'tong bagay na bigla ko na lang naramdaman eh...

i really like her..
a lot..
na kahit araw-araw kong pag-aralan yung mga anggulo niya sa photos na masasabi kong hindi naman siya perpekto talaga..
na kahit araw-araw kong ipamukha sa sarili ko yung masasakit niyang pahayag kung gaano niya ako kagustong lumayo na lang mula sa kanya..
eh kumbaga pakiramdam ko na tanggap ko pa rin siya kung ano man siya..
sa totoo lang mare, before akong makipagkilala sa kanya, i did fantasize na if ever may possibility na maging mutual yung feelings niya para sa akin, na baka sakaling mapagkunan ko siya ng lakas ng loob na baguhin yung takbo ng buhay ko maging sa paraan pa na ayoko talagang tahakin..
kaso nga lang, things didn't turn out the way i imagined them..
mas pinababa lang nung mga nangyari yung tingin ko sa sarili ko, na pakiramdam ko na tuloy na kahit ano pang gawin ko - eh papalpak at papalpak lang ako...

as for my plans sa buhay ko..
andun pa rin naman sila eh..
naghihintay lang talaga ako ng malaking break..
para masimulan ko na sila..
para ma-test kung lahat ba ng totoong plano ko eh uubra laban sa buhay..
and yes, i am still hoping na someday magagawa ko siyang mahabol - yung Espasol..
na magagawa kong tapatan yung mga pangarap niya para sa sarili niya...

tungkol naman sa training program niya..
i'm not really sure kung pa-FA yung diretso niya..
medyo duda kasi akong pasok siya sa height requirement eh..
siguro baka sa ground crew siya..
tungkol sa friend mo naman, hindi na muna siguro, baka kasi madiskubre pa nung Espasol eh..
sobra-sobra na rin kasi 'tong ginagawa kong pag-e-espiya sa kanya eh..
if something comes up, i'm sure makakarating naman yun online, so dun ko na lang siya babantayan...

thank you ulit sa mga insights mo, mare..
hindi man ako magaling sumunod sa mga payo, eh i still appreciate them...

ikaw rin ha, ingatz lang parati...

---o0o---


noong gabi..
mga 7:20 PM na noon..
si half-brother-in-law naman ang na-summon para bumili ng yelo sa amin..
again, i was wondering kung bakit hindi na lang ulit yung Espasol yung bumili..
tutal eh malapit na naman siyang umalis..
hindi ako sigurado, pero parang mga 8:15 PM na pala siya nakauwi kagabi..

ayun..
so ganun nagtapos ang buwan ko ng Setyembre..
3 ice encounter, pare-pareho kong naging kliyente yung 3 magkakapatid..
at bukod pa yung isang palpak na serbisyo dahil sa brownout...

---o0o---


at pumasok na nga ang last month..
31 days ng October..
nasa iisang lugar nga lang tayo, pero wala naman akong magawa na para malapitan ka pang muli..
wala na akong magawa kundi kimkimin na lang lahat-lahat ng nararamdaman ko para sa'yo dito sa puso ko..
kahit na alam kong malapit ka nang umalis..
wala akong choice kundi sundin pa rin yung pakiusap mo na layuan na lang kita..
dahil ganun ko inirerespeto yung kagustuhan mo..
hindi ko lang talaga maiwasang malungkot dahil halos wala na nga akong magagawa kundi ang maghintay at ang panoorin kang lumayo..
at ang hilingin na maging ligtas ka sana parati...
[ feeling ..wala na ba talaga akong magagawa...? ]


No comments:

Post a Comment