(there should be an entry for this particular day)
i almost gave in..
bigla kasing bumukas yung gate nila when i was looking outside our house..
and i sensed it was her..
for a moment nag-isip pa ako kung gusto ko na ba ulit siyang makita o kung itutuloy ko lang ba yung ginagawa kong pag-iwas sa kanya..
konting segundo lang yun para mag-decide..
tas nagdesisyon na lang ako na pumasok na ulit sa kuwarto ko para hindi ko na siya makita..
nung sa tantsa ko ay safe na ulit para sumilip sa labas ng bahay..
lumapit ako sa screen ng pinto namin sa may harapan..
nag-isip ulit ako kung gusto ko ba siyang makita o ano, habang nandun siya sa may tindahan..
sa bandang huli, lumayo na lang ako mula sa pinto namin at nagkulong na ulit sa kuwarto ko...
sobra na akong pinapahirapan ng pakiramdam na 'to..
kailangan ko na talaga 'tong tapusin..
tig-isang tanong na lang eh..
pero hindi ko pa rin ma-decode yung mga sagot...
---o0o---
ang medyo good news..
umalis na daw ulit yung seaman na taga-tapat namin..
nag-decide na ulit na sumakay sa barko..
at hindi magaling ang naiwan na tagapamahala sa tindahan nila..
sana nga malugi na sila..
para bumalik na ang lahat sa dati...
---o0o---
shit, ano ba 'to!?
nahihirapan na naman akong i-kontrol ang sarili ko ah..
lahat ng pagkalito ko, parang pinupuwersa ako na bumalik at bumalik lang sa kanya...T,T
---o0o---
ayun nga..
hindi rin ako nakatiis eh..
at nasira ko yung 13 day na record ko nang hindi pagsilip sa kanya..
sayang, magtu-two weeks na sana eh...
hay.....
kung alam ko lang na sisilipin ko rin siya noong hapon na..
edi sana sinilip ko na rin siya noong umaga pa lang nung naka-Sunday dress siya, para naman nakita ko yung iba pa niyang form..
tanga talaga eh..
tigil sa bahay ang mga bata buong maghapon (na medyo unusual)..
i'm not sure, pero nasalisihan siguro nila ako sa pagbalik nila habang naliligo ako noong tanghali (dahil matagal akong maligo eh)..
nalungkot yata yung dalawang babae at hindi natuloy ang concert ni Daniel Padilla.. haha!
cancel na muna ulit ang pagtitiis ko..
mas nakakabaliw areng ginagawa ko na pinagsasabay ko ang paghahanap ko ng mga kasagutan sa pag-iwas ko sa kanya eh..
susulitin ko na muna ulit yung mga sandali na nakikita ko pa siya dito sa subdivision..
sa bawat araw na magdadaan..
hangga't hindi pa ako sumusuko nang tuluyan sa kanya..
susundin ko na lang muna ulit kung anong binubulong ng damdamin ko..
tutal, hindi rin naman nakakatulong ang pag-iwas ko sa kanya eh...
konting oras na lang...
---o0o---
at are ang latest reply niya sa akin sa Facebook:
"hindi kita gusto. wag ka ng mag chachat sakin. pausap."
seen by June 22, 2013 at 13:48
replied by July 8, 2013 at 00:34
pa-3 rejection ko na 'to ah..
pero it doesn't feel like it counts..
at ang totoo..
it makes me wonder kung bakit pa niya binalikan yung message ko after 16 days..
at sa madaling araw pa talaga ha..?
hindi niya siguro kabisado na may report function ang Messaging system ng Facebook..
once na mabuksan na nung recepient yung message eh magla-log na yung system ng time kung kailan nga ito nakita, it doesn't matter kung nabasa ba yun o nasilip lang..
(pero i admit, pinag-aaralan ko pa rin ang function na 'to dahil sa existence ng 'Other' Inbox)...
and that is the next question..
logically, since hindi naman kami Friends, eh sa Other Inbox ang patak ng message ko simula pa lang..
oo, napansin kong madalas siyang mag-check kahit sa section na yun..
(i'm not sure kung paano kasi ang layout ng mga Messages sa ibang device, like sa mga smartphone o sa mga tablet)..
pero related rin dun sa time log..
bakit babalikan ni Miss Robledo ang isang message na matagal na niyang nakita o nabuksan man lamang..?
napapaisip tuloy ako kung pinag-isipan ba niya yung ire-reply niya sa mga tanong ko...
at speaking about those 12 questions na ibinato ko sa kanya dati..
eh, e-engk!
sorry, wrong answer!
hindi ko naman kasi tinatanong kung gusto niya ba ako o hindi..
ang kailangan ko eh linawin at ipaliwanag niya yung mga bagay-bagay o issue na sumulpot sa nakaraan..
at dahil sa ginawa niya..
eh hindi pa rin kami tapos hanggang ngayon..
at dahil rin dun mukhang mapipilitan akong sirain na lahat ng pangako ko sa kanya sa mga susunod na mga buwan o taon..
kahit na ano, basta makuha ko lang yung totoong sagot sa lahat ng mga tanong ko...
hindi ko na tuloy masabi kung magaling ba talaga siya o ano..
dahil kung tutuusin pwede naman niya akong i-block na lang, para hindi ko na rin siya makausap sa Facebook eh...
No comments:
Post a Comment