minsan may mga pagkakataon..
na parang naghahalo yung mga data na nakukuha ko sa totoong buhay at yung galing lang sa panaginip ko..
kaya nalilinlang ko ang sarili ko for a short period of time..
na napapaniwalaan ko na totoo nga yung mga nangyayari sa paligid ko habang nasa mundo ako ng panaginip...
hapon na nagsimula ang panaginip ko..
i'm not sure..
pero parang nag-reflect sa panaginip ko yung setting kahapon..
na ma-bagyo at natutulog lang ako buong hapon...
noong huli kong makita ang bahay ng Espasol..
eh ganun pa rin naman daw ang yari nito...
and then nagising na daw ako..
binuksan ko daw yung pintuan sa harap ng bahay namin..
gaya ng nakasanayan ko tuwing umaga..
tas as usual nga eh iche-check ko kung andun pa rin sila sa bahay nila...
nasorpresa ako dahil iba na yung itsura ng gate nila..
tas unti-unti..
eh na-realize ko na maging yung mismong bahay nila ay iba na..
wala na yung pintura at kulay konkreto na lang ulit ito..
wala na 'tong mga pinto at bintana, at tagusan na yung makikita mo sa mga silid..
walang-wala daw natirang gamit sa bahay nila..
at hanap naman ako nang hanap sa Espasol ko...
mukhang pinapa-renovate nila yung bahay nila..
sa left side eh may nakatayo na kaagad na parang tower, andun siguro yung hagdan..
at sa bandang itaas eh may naka-ready nang konting portion ng veranda..
at naisip ko nga na mas palalakihin pa nila yung bahay nila at lalagyan na ng 2nd floor...
pero ang pinaka-nakakapagtaka dun..
nangyari ang lahat ng yun sa loob lang ng isang hapon..
panaka-naka pa ang pag-ulan noon, pero dire-diretso lang sa paggawa yung mga trabahador..
nabanggit ko pa nga daw sa biological mother ko na 'kabilis naman ng bahay na yun'..
pero what i was really concerned about eh kung nasaan yung mga nakatira dun..
na parang sobrang laking bagay sa akin na na-miss ko yung pag-alis nila...
buti na lang at nagising ako..
at least, na-verify ko na panaginip lang pala ang lahat ng yun...
No comments:
Post a Comment