Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - The First Week of March (Huli!?)

ano nga bang nangyari dito sa nagdaang linggo ko..?
after nung guitar guy, nung event sa campus nila, at nung mga recent na pahiwatig niya ng mga pagpapaalam at na bigo na naman ang puso niya ng dahil sa isang lalaki..
eh heto yung mga developments:



March 2, 2014...

may mga bisita silang kasamang umalis sa araw na ito..
pero ang napansin ko, eh parang nahuli na nila ako sa recon spot ko dito sa loob ng bahay namin..?
parang nakatingin sa direksyon ko yung isa nilang bisita nung nagbukas ito ng gate nila eh... >,<
nasobrahan na yata ako sa pagmamanman ko... T,T


multiple quotes..
ano na naman gang mga hirit yun..?
sinabi na ngang gusto kita eh, di ga..?
bawal pa nga lang daw sa ngayon..
hindi naman ako yung may gusto nung kondisyon na yun eh..
edi ga'y nanghihinayang rin ako sa mga nasasayang na oras..
kaso eh ganun na nga ang kinahinatnan nung pagpapaalam ko sa parents mo eh.. T,T
lason sa sarili...

intay-intay rin naman tayo pag may time, ha..
huwag basta-basta isusuko ang love team natin...
— feeling , kaapurado naman ng babaeng gusto ko.

---o0o---


March 3, 2014...

i was worried about her dahil nga sa mga latest thoughts na inilalabas daw niya..
kaya naman, kahit na i promised myself na hindi ko na muna siya lalapitan..
eh ayun, at nagdesisyon akong kumustahin siya nang kaunti tungkol sa lagay ng puso niya..
i guess natural na yun..
gusto ko siya - kaya naman hindi ko nanaisin na makitang nalulungkot siya, lalo na kung dahil lang sa kung kaninong napaka-swerteng lalaki...

ewan ko.. pero narinig siguro ni FATE ang request ko..
mga pasadong 7:00 AM eh nai-spot-an ko siyang papunta doon sa tindahan na malapit sa basketball court sa looban nitong subdivision namin..
kaagad akong nagmumog ng toothpaste..
tapos eh sinundan ko na siya doon nang wala man lamang akong baon na alibi..
pag labas ko ng gate namin, eh natuwa naman ako na makitang andun pa rin siya at bumibili..
tumawid na agad ako doon sa parte nila ng kalye para hindi na niya ako matakasan..
bago pa man ako nakarating doon sa tindahan eh nakaalis na siya..
bago kami tuluyang magkasalubong eh hindi ko na inalis yung tingin ko sa kanya, para iparating sa kanya na siya talaga yung pakay ko noon..
sinubukan niyang umiwas ng daan, kasi mula sa sidewalk eh bumaba siya doon sa kalsada..
at ganun rin ang ginawa ko - sinadya ko siyang harangan sa kalye...

sa sobrang pag-iisip ko dun sa lines ko eh nakalimutan ko naman siyang batiin man lang..
tinanong ko kung busy ba siya noong time na yun..
at unfortunately, may pupuntahan daw siya o sila..
siyempre nalungkot ako..
sabi ko may itatanong kasi sana ako..
tinanong niya ako kung ano ba daw yun..
at sabi ko naman eh medyo mahaba-haba kasi yung sasabihin ko..
mabilis talaga siyang maglakad, at naiwanan na naman niya ako nang basta-basta..
sinundan ko na lang siya, nasa may likod niya ako na medyo nakagilid din sa kanya..
tapos eh kinumusta ko na rin siya..
binati ko na parang nakabakasyon na siya last week, at kung natapos na ba yung training niya..
(sinabi ko yun kasi i want her to know na alam kong nakabalik na ulit siya dito sa lugar namin)..
oo nga daw, at noong February 21 pa daw siya nakatapos..
tapos bago kami maghiwalay, eh sa sobrang disappointed ko eh napahinto na lang ako doon sa lumang tindahan na katabi ng bahay nila..
pinagmamasdan ko siya na iwanan ako sa kinatatayuan ko..
pero naalala ko yung purpose kung bakit ko siya ginustong kausapin noong mga oras na yun, kaya naman bahagya kong isinigaw sa kanya na 'saka na lang'..
nakangiti naman siyang lumingon sa akin bago siya tuluyang dumiretso sa tapat ng gate nila..
hindi ko na siya pinanood na makapasok sa kanila, at bumalik na rin ako sa bahay...

mga 7:25 AM kami naghiwalay..
at by 8:45 AM eh sama-sama na nga silang umalis nina Sir at Ma'am na dala yung SUV...


'full of regrets'..?
ano kaya yung pinanghihinayangan niya..?
during that day eh pinalitan na rin daw ulit niya yung 'she believed - he lied' cover niya ng something safe..
hindi ko tuloy maiwasan na isipin na may impact sa kanya yung ginawa kong muling paglapit eh...

---o0o---


March 5, 2014...

nitong araw na 'to ko na lang ulit siya nakita na suot yung tourism uniform nila..
cream tapos eh folded long-sleeve top, black office skirt, at black pumps..
napaisip ako noon kung papasok lang ba siya o mag-a-apply na...?

at noong tanghali eh nasagot rin naman kaagad yung tanong ko..
galing ako noon sa kabilang bahay..
at by 1:20 PM eh saktong pauwi kami sa mga bahay-bahay namin..
hindi ko pa kaagad na-realize na siya yun..
madalas kasi eh nakatungo lang ako kapag naglalakad..
pero nung maisip ko na mukhang naka-cream uniform at black skirt yung babaeng naglalakad na yun..
eh naalala ko na baka si Crush na yun..
pasimple ko siyang tiningnan habang palapit na siya sa may gate nila..
at siya nga, at suot na niya yung scarf nung uniform nilang yun..
sobrang ganda niya talaga..
bagay na bagay sa kanya yung ganung bihis, lalo na kung gagandahan at tataasan rin yung heels na suot niya...

halos maghapon na siyang naiwan nun sa bahay nila..
hindi ko naman siya magawang tawagin, kasi baka kako nagpapahinga..
at tsaka hindi ko alam kung paano natawag doon sa bahay nila eh, wala kasing doorbell na lang.. >,<
karamihan sa nakikita kong natawag doon eh ilang minutong nakatanga doon sa labas ng gate nila dahil sa hirap tumawag...

tapos ang image quotation niya para sa hapon na iyon:
'do you miss him? - everyday.'...

---o0o---


March 6, 2014..
wala naman masyadong nangyari sa araw na ito..
kasi eh ginabi na rin siya ng uwi..
pero may ilang interesanteng pangyayari din...

nai-spot-an ko kasi ulit yung pag-alis niya ng bahay, by 8:15 AM yun..
at lately eh sinasadya ko nang magpahuli sa kanya na tinitingnan ko siya..
well, ayoko naman siyang takutin, pero gusto kong malaman niya na parati ko siyang chini-check..
ligaw-tingin na kung ligaw-tingin - eh sa yun lang yung pwede kong gawin sa ngayon eh..
at ang kakaibang nangyari noon..?
parang nakatingin na naman siya sa direksyon ko, sa recon spot ko..
halos ganun na yung ginagawa niya recently..
ewan ko ba kung nakikita talaga nila ako o ano..
pero may minustra siya sa bibig niya..
mukha namang hindi siya nagsasalita noon dahil walang lumabas na boses sa kanya...

ano kaya yun..?
nahuli na nga ba niya/nila talaga ako...?

---o0o---


March 7, 2014...

done exploring Rob today..
walang kuwenta..
walang necklace o bracelet na may airplane design.. T,T
puros puso o susi..
merong anchor ng barko, pero walang eroplano..?
ano ga naman yun...??

SM naman sa Tuesday..
kapag wala pa rin, eh Zalora-mode na... >,<
— feeling , sana naman makakita ako ng matinong gift for you.. yung tipo na mararamdaman mo naman na espesyal ka nga para sa akin...


bale natantsa ko na nga pala kung magkano yung requirement ng pambababae kong are.. >,<
nasa Php 8000 plus yung budget for 11 moves..
(naman! ilang Star Wars vehicle na yun eh)..
at hindi pa kasali dun yung mala-fine dining at theme park... T,T

hindi ko naman talaga kailangang magawa lahat ng iyon..
gaya ngayon, parang ang hirap-hirap abalahin nung bata..
kung walang solo o pampamilyang mga lakad, eh hindi ko naman sigurado kung maglalaba o kung kailangan ba ng matinding pahinga..
bahala na..
pero kung hindi naman niya talaga ako mapagbibigyan na sa hinihingi kong pagkakataon para makapanuyo, eh ayos rin lang basta ba magawa ko yung 3 out of those 11 moves..
tutal eh hindi naman talaga magiging matakaw sa oras niya yung mga yun...
— feeling , totoong nakakapanghinayang ang plano na 'to para sa Star Wars hobby ko.. pero parehas lang naman kayong nakakapanghinayang kung hindi ko susubukang tuparin eh...


noong gabi ng araw na 'to..
eh ganun ulit..
parang sadya na rin nga siyang tumitingin dito sa recon spot ko...

---o0o---


ang insights ko..?
ayun, puros ilusyon na naman na kesyo baka nga puros patama niya sa akin yung mga pinagsasasabi niya..
na kesyo baka ako yung lalaking nakapagpapabigat ng damdamin niya..
ewan..
parang parallel na parallel sa mga ginagawa ko yung mood swing ni Crush eh..
pero siyempre kailangan kong isaksak sa pag-iisip ko na hindi rin naman safe na mag-assume..
hindi rin naman kasi siya 24/7 na nandito lang sa lugar namin eh..
malay ko ba kung may kasabayan akong dumidiskarte sa kanya somewhere, di ga..?
sa school niya, o di kaya sa mga lugar na pinupuntahan ng family nila...?

last 15 days...


No comments:

Post a Comment