Wednesday, April 16, 2014

Random Thoughts (Late February to Early March 2014)

February 27, 2014...

mas maganda pa kay Chichay yung sidekick niya eh..
parang si Juniper lang.. :)
tapos sa kanya pa pinaubaya yung pakikipag-sapakan kay Liza Soberano..
naman!

---o0o---


same day...

ang ganda nung sense nung sinabi nung babaylan kanina sa Tale of Arang...

eh kasi nga naman..
sa halip na mag-iwasan yung mga bida para lang maiwasan nilang mas ma-inlove at masaktan lang ang isa't isa sa bandang huli (sa supposedly nakatakda nilang paghihiwalay)..
eh sulitin na lang daw nila yung mga natitirang oras nila nang magkasama sa paggawa ng magagandang alaala para sa isa't isa...

at tama naman siya..
medyo naka-relate naman ako dun dahil sa sitwasyon ko ngayon..
eh kaya nga gusto ko rin sanang manulit ng nalalabing panahon ng babaeng nagugustuhan ko eh - habang alam kong nandito pa siya at malapit lang sa akin..
ang kaso - applicable lang naman yung sinabi nung babaylan para sa dalawang tao na mutual ang feelings para sa isa't isa eh... T,T


---o0o---


same day...

naman..
after turuan ng anak niyang mag-iyoTube..
eh are..
ginawa na ring bisyo sa paggamit ng Wi-Fi na mag-download ng pictures ng mga babaeng kita ang dibdib at kepyas..
na gagawin niyang sal-itan na wallpaper sa cellphone niya..
tapos ano..?
ipapahiram at ipapalaro niya yung cellphone na yun sa mga menor de edad pa niyang mga apo..?
aba naman!

tapos kapag napuputol ang internet connection eh ako lagi ang sisisihin..?
siguro nga nakakalungkot na hindi na makapag-romansa..
pero sana naman unahin pa rin yung pag-aalaga sa sanggol..
isipin ang kapakanan nung panghiram lang na wireless router..
at isipin din siyempre ang pagiging inosente ng mga bata sa paligid niya..
hindi naman puwerket lalaki ang isang nilalang eh TAMA nang matutunan ang tungkol sa kaselanan ng mga babae sa kahit na anong edad pa nila eh..
kaya lumalaki ang populasyon ng mga tao nang sobra-sobra eh... >,<


---o0o---


March 1, 2014...

Go, Team Tajima!
Let's Beat some Bull****!!! (joke lang! peace NU!) >,<
harapin natin ang DLSU sa Finals!!!!!


---o0o---


 same day...

amp!
parang nasayang dun ang ilang buwan kong pangongolekta..
at ilang buwan kong pagmimina ng tanso ah... T,T


naka-isang kilo nga ako ng mina..
pero pagkadala naman nung epektos sa junk shop..
eh saka pa nagkaalaman na hindi pala tanso (o Copper, o Cu) lahat ng namina ko..
kalahati dun eh 'hindi' naman pala (yung galing sa kable ng telepono yun)..
at bilang natutunan kong tip o clue: hindi nama-magnet ang tanso...


kaya ayun..
Php 250 per kilo ang tanso sa ngayon..
kaya Php 125 lang ang inabot ng lahat ng paghihirap ko..
luge pa ako sa pagod..
at ang masama, hindi man lang yun kasyang pambili ng isang dosenang rosas...


sa bagay, dagdag savings din yun..
ipampapamasahe na laang... >,<



No comments:

Post a Comment