kahapon may anonymous number na tumawag sa cellphone number ko..
sa itsura nung numero eh mukhang landline yung gamit at mula sa kung saan..
(085)
300-**** eh, pero siyempre naka-register yun sa cellphone na
dikit-dikit lang yung pagkasulat sa mga numbers na nabanggit...
akala ko naman eh kung ano lang..
pero yun ang naging pinaka-nakakabuwiset na tawag na natanggap ko sa buong buhay ko...
tila matandang lalaki yung kausap ko sa kabilang linya, base sa dating ng boses niya..
may hinanap kaagad siya sa akin na kung sino (lalaki yata) pagka-'hello' ko..
eh
wala namang ganung tao dito sa bahay, kaya natural sinabi ko na wala
ngang 'ganun' na nakatira sa amin at baka naman nagkamali lang siya ng
number na na-dial..
pero iginiit niya na siya ang tama..
sa katunayan eh idinikta pa nga niya sa akin yung number na tinatawagan na niya, at yun na yun nga mismo ang numero ko..
ang ipinagtataka ko eh kung bakit niya kini-claim na tama yung number na tinatawagan niya..?
at sa puntong yun..
eh lumabas na yung kabobohan at pagiging assuming nung mama..
ang
tanong ba naman kaagad sa akin eh - "paanong wala dyan si ****, tama
naman ang number na tinawagan ko, paano mo nakuha ang number niya?"..
siyempre dahil medyo tunog matanda na yung kausap ko, eh mas pinili kong maging mahinahon sa pakikipag-usap sa kanya..
sinabi ko na hindi ko rin alam, na baka nagkamali nga lang siya ng pag-dial..
tinanong niya ako kung gaano na katagal sa akin yung number ko..?
ang sabi ko eh mga dalawang taon na, dahil yun yung time na nagpalit ako ng cellphone..
(pero
ang totoo eh nagkamali pala ako ng sagot, dahil gamit ko na nga pala
yung number ko matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)
tapos
eh bigla ga naman siyang nakadali na, "oo nga, 2 years ago (na parang
nakisang-ayon lang siya sa akin) natawagan ko ang kaibigan ko sa number
na yan, kaya paano yang napunta sa'yo..?"..
sinubukan ko pa ring magpaliwanag na hindi ko rin alam kung paanong nangyari yun..
pero sa halip na makinig, eh nagmagaling pa talaga siya sa akin..
paano daw napunta sa akin ang number ng kakilala niya..?
baka daw nawala yun, tas ako ang nakakuha..?
o baka naman daw nawala yun, tas ako ang nakabili..?
tinamaan na talaga ako ng buwiset dun sa matanda sa oras na yun..
ni hindi niya ako kilala..
tapos
mag-a-assume siya kaagad na magnanakaw ako ng cellphone, o manlilimot
ng nawalang cellphone, o bumibili ng nakaw na cellphone..?
anak ng pota naman o'...
pero kahit na na-badtrip na ako eh sinubukan ko pa ring magpaliwanag pa rin..
sinabi
ko na imposibleng mangyari yun dahil sim card mismo ang binili ko dati
(yun nga eh matapos kong maipa-unlock yung luma kong cellphone)..
ano ako tanga, para bumili ng sim card na gamit na at tanggal na dun ca card..?
nakalimutan
ko pa ngang sabihin na baka gusto niyang ipakita ko pa sa kanya yung
kahon ng cellphone ko at yung lalagyan nung sim card ko eh..
balikbayan daw siya..
at doon sa number na katulad ng sa akin niya na-contact dati yung kaibigan niya, 2 years ago..
tumawag daw siya para ipaalam sa kaibigan niya na nakabalik na siya ng bansa..
at
ibinida pa niya na nakatingin siya sa Facebook noong mga oras na yun,
at muling idinikta sa akin yung number na tinatawagan niya base sa
pagkabasa niya..
ang huli kong nasabi sa kanya eh hindi ko rin
talaga alam kung paanong nangyari yun, na baka nagkamali lang yung
kaibigan niya o siya ng pagsulat dun sa number..
matapos yun eh parang napagod na rin siya sa pakikipagtalo, at di bale na lang daw, sabay baba ng telepono...
nakakaasar kasi parang siya yung nanalo sa usapan namin..
na parang kumbinsido talaga siya sa sarili niya na gumawa ako ng masama para lang makuha ko areng number ko at cellphone ko...
pero ang mas ipinagtataka ko eh..
posible
kayang totoo yung sinasabi nung bastos na matanda na kaparehas ng
cellphone number ko yung cellphone number nung kakilala niya..?
dahil kung sakaling totoo yun eh delikado yun para sa akin..
unang-una na dahil may kadikit na iba't iba at mga mahahalagang account ang mobile number ko..
at isa pa, ginagamit ko rin 'to sa maraming business transactions...
ang isa ko pang naiisip eh..
posible kayang panibagong scam lang yun para sa mga cellphone users..?
baka kako katulad lang nung mga anonymous texters na nagkukunwaring may gustong ipadala sa kung sino man ang ma-target nila..
at kung 'oo', eh sa paanong paraan kaya naman yun magagamit sa scam nung mga pesteng caller na yun..?
No comments:
Post a Comment