Untimely Love Story - Phase 2
sa pagkakataong ito ilalabas ko na lahat sa ngalan ng pag-ibig.. :)
mga thoughts ko 'to sa early half nitong January 2014...
anak ng.. hindi ko na 'to pwedeng patagalin pa hanggang march..
tinamaan na naman ng pagiging impulsive..
kailangan ng palitan ang strategy..
huwag nang maghintay para sa ayaw namang dumating..
this time eh all in na dapat - win or lose..
tama na ang pag-iisip at pagkatakot sa mga 'what if'..
yun naman eh hindi sasagot kahit na kailan eh..
kung ayaw talaga ng babae - edi tapos, ilibing ang talunan kung saan siya nababagay..
pero kung totoo na first step eh rejection, edi saka problemahin kung anong susunod na gagawin..
sa bagay, uso naman ang rape ngayon eh, LOL, joke lang..
basta weekend lang ang pagkakataon..
hindi ko na hihintayin na siya pa ang muling lumapit sa akin..
ambush 1 o ambush 2 lang, maalin na dun..
hoooh!
good luck na lang sa akin...
---o0o---
gusto ko talaga yung babaeng yun kaya simula nung b-in-lock nya ako online, eh naisip ko na baka nga ganun na lang yung pagtutol nya na makapasok ako sa buhay niya, kung kaya't dapat kong irespeto na lang yung kagustuhan niya at tuluyan ko na lang nga siyang layuan..
pero dahil din dun sa pagkakagusto ko sa kanya kung kaya't hindi ko din siya magawang lubusang iwasan...
hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi ko pa rin nagagawang ilabas lahat-lahat ng nilalaman ng puso ko kahit na ilang beses ko na yung nasabi sa kanya (hindi nga lang masyado sa personal)..
sa tingin ko parang hindi pa rin sapat yung damages na natanggap ko na online para tuluyan na akong sumuko sa kanya...
this time, gusto ko namang maging selfish at gawin na lang lahat ng gusto ko..
siguro kailangan kong maging selfish, at selfless na rin in a way..
gusto kong maging selfish para ako na lang muna ang masunod, yung tipo na hindi ko na muna kailangang i-consider yung kagustuhan at nararamdaman nung Espasol - kesyo nakakabuwiset na ga ako para sa kanya, o kung narurumi na ga siya saken dahil sa pagkakaroon ko ng gusto sa kanya..
tapos, kailangan ko ring maging selfless.. para hindi ko na masyadong bigyan ng pansin yung mga posibilidad ng pagkapahiya sa sarili ko at sa harap ng pamilya nya, o yung posibilidad ng muling pagkabigo at makaranas ng higit pang sakit...
siguro sa pagkakataon na 'to, kailangan kong pakawalan na ang sarili ko..
yung subukang gawin ang lahat para sa kanya..
para sa bandang huli, mabigo man akong muli - eh siguro naman wala na akong pagsisisihan pa...
masyado na akong takot sa mga taong nasa paligid ko..
kaya naman, ayoko na munang katakutan yung hinaharap na wala siya o andiyan siya..
gusto ko na munang mag-focus sa kung anuman ang meron sa kasalukuyan..
gusto ko muling maranasan ang pakiramdam na yun - ang magmahal at ang masuklian ng pagmamahal...
---o0o---
January 12, 2014...
ayun.. akala ko ambush 2 na, kaso pasado 8PM paglabas nya eh nakita kong naka-pajama lang siya at kasama si halfsister pa-norte.. nung nakita ko yun eh naisip kong ituloy pa rin yung approach at gawin na lang ambush 1.. so nag-decide akong hintayin silang makabalik...
nagkunwari akong galing sa kabilang bahay, tas medyo napatigil nung mai-spot-an sila.. nilapitan ko sila at bago pa maisara nung... Espasol yung gate nila eh tinawag ko na siya.. sabi ko mangungumusta lang sana ako, si halfsister naman eh parang natigilan, tinitigan nya ako na parang hindi nya ako kilala man lang sa mukha, tas sabi nung ate nya na ako yung taga-tapat sabay abot sa kapatid nya nung binili nila sa labasan na pandesal, tas iniwan na kami ni halfsister para makapag-usap...
ayun, nagawa ko naman yung target kong gawin.. nakumusta ko naman siya.. okay lang naman daw siya, umuupa sila ng bahay sa may Ermita, at balak nga nyang magpa-absorb sa PAL kung papalarin.. tuwing Monday since 2014 mukhang nag-aasikaso sya ng application for graduation sa school.. ang mga nakalimutan kong sabihin - na pasensya na sa abala, sorry sa pakikialam, na good luck, at ingatan na lang nya parati ang sarili nya.. natanong ko siya kung bakit parang hindi sya inihahatid ng boyfriend nya, tas sumagot ba naman ng 'echos lang yun'.. ano namang ibig sabihin nun..?
hanggang ngayon, hindi ko pa rin sya mabasa.. kung bakit ayaw nya akong tarayan na lang sa personal..? parati na lang syang nakangiti at gustung-gusto ko naman yun.. tapos sa kamalas-malasang pagkakataon eh mukhang nakita pa ako ng bio-demon sperm-donor ko habang kausap ang Espasol.. ayoko pa namang gamitin din nya yung pamilya nung babaeng mahal ko sa kasamaan.. bahala na.. basta na-miss ko talagang makita yung mga ngiti ng Espasol ko.. kaso parang pinagtabuyan na naman niya ako - sige na daw, umuwi na daw ako, matulog na daw ako?? at maaga pa siya bukas...
ako na nga ang gagawa ng FATE ko...
---o0o---
January 13, 2014...
asar!
hindi na nga pala katulad ang sitwasyon ngayon noong summer class niya last year..
andami ko ng nadagdag na kalaban eh:
- yung madaldal at mahilig mangmaliit sa akin na biological mother ko
- yung kontrabida at mahilig mag-imbento ng istorya na biological demon sperm-donor ko
- yung usyusero kong biological demon brother
- at ngayon naman, pati pag-aalaga ng baby eh karibal ko na rin...?
hindi ko pwedeng ipakita sa kanila yung emotional side ko, dahil alam kong hindi naman nila ako maiintindihan (kagaya na lang nung side ko na marunong mag-inom)..
ganun ako kawalang tiwala sa mga taong yun...
gaya ngayong hapon..
i was planning an ambush 2, kasi gusto ko sanang makita yung Espasol bago siya lumuwas..
kaso yung manyakis na demonyong lolo nung bata eh sa kagustuhang manood na lang ng manood ng mga porn movie sa cellphone nya, eh sa akin pinapaalagaan yung baby..
eh dahil sa wi-fi ko, eh tuwang-tuwang mag-download ng bold eh..
anong ibig niyang sabihin dun, aaraw-arawin na nya yung bisyo nya...?
karga ko tuloy yung blood nephew ko noong saktong umalis yung Espasol, kaya hindi ko na siya nahabol... T,T
hay.....
paano naman ang lovelife ko nyan...?
dati yung Espasol lang ang kalaban ko, pero ngayon andami na nila...
---o0o---
January 14, 2014...
focus!
selfish enough para masunod ko lahat ng plano ko nang hindi kino-consider ang iisipin nya at ng iba..
at selfless para kayanin ko lahat ng sakit, takot, at pagkapahiya na posible kong maranasan...
hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan na hindi umiyak nang dahil sa kanya..
pero gusto kong maging mas malakas na yung loob ko this time, para matapos ko na lahat ng dapat kong tapusin...
ang next step:
- alamin mula sa Espasol kung may magagalit na ba kung sakaling subukan ko na muling ilapit ang sarili ko sa kanya, since 7 months na yung nakalipas noong tigilan ko yung paglapit-lapit ko sa kanya ng personal..
- ikalawa, pormal ko nang ipapaalam sa tatay niya ang mga balak ko, dahil ayokong gawin 'to nang patago mula sa family niya...
PS: ban na muna ako sa pagkolekta ng Star Wars this year... T,T
one month before..
January 14 pa lang pero nagsusulat na ako ng draft para sa Saint Valentines Day na love letter ko..
meron pa kayang mga nakaka-appreciate ng mga letter sa panahon ngayon..
parang ang uso na lang kasing pumapasok sa mga mail box eh mga bill ng credit card eh..
ang mga tao ngayon eh mas gusto na ang mga tatskrin (wow!)...
pero mas gusto ko nang mag-stick sa classic..
wala na ak...ong pakialam kung baduy yung magiging tingin nya dun..
personally, mas gusto ko talaga yung mga 'physical' na letters, kesyo handwritten pa yun o printed..
masaya kasing magkolekta ng mga ganun eh..
tsaka hindi madaling mawala o masira yung mga ganung klase ng mga alaala..
bukod pa yung mas sincere ang dating nun...
ah basta, bahala na nga...
yung feeling na ragasa na yung luha mo at ang ingay-ingay na ng ilong mo sa kasisinghot nang dahil sa madamdaming love letter na ginagawa mo para sa babaeng pinakamahalaga sa buhay mo, tapos eh bigla kang sisilip-silipin nung basurang tao na pinanggalingan nung tamod na bumuo sa'yo, tas yun pala tatanungin ka lang niya at pipiliting sumagot nang malakas ang boses sa mga tanong na yung hipag mo sa kabilang bahay lang ang tanging makasasagot...
anak ng..?
kelan ba madidiskubre sa bahay na 'to yung meaning ng mga salitang 'respect' at 'privacy'...? T,T
---o0o---
January 15, 2014...
okay..
halos nakakalahati na kaagad ang buwan ng January..
and it seems like FATE still won't be on my side..
yung primary source of income ko kasi isn't doing good recently, probably one of the poorest performance niya since it started..
kapag nagkasubuan, eh yari yung savings nung 2 kong loading sideline neto... >,<
but anyway..
hindi pa naman ako nawawalan ng loob..
ang importante is naka-se...t na yung white wedge project, which is yung priority ko talaga..
sabi sa Be Careful at sa movie, malas daw magregalo ng sapatos dahil aalis yung pagbibigyan nito o tatapaktapakan yung nagbigay - pero ano naman ang pakialam ko dun, eh hindi naman talaga sa 'akin' yung babaeng mahal ko ngayon...
ang good news, may nabola na akong sponsor ng mumurahing sapatos para sa sarili ko..
pasensiya na Adidas, pero ibang sapatos muna, kamahal mo eh.. T,T
thank you for serving me for what? 6 or 7 years...
may 5 klase na ako ng moves na naka-plano..
and i have a minimum of 40 days (pero hindi naman sunud-sunod yun) para magawa silang lahat..
exceeding 40 will require me to force myself to evolve, get out of my comfort zone, forget about all my silly dreams, destroy everything that i've been protecting (ako na mismo ang sisira sa kanila), & just live like a normal person - a worker bee..
well, sana lang mag-participate lahat ng cast sa lahat ng alam kong moves...
kailangan ko lang patuloy na ipaintindi sa utak ko na ang goal is only to express and not to impress (katulad ng art form ko)..
medyo nadi-discourage kasi ako sa pagiging maharlika ng pamilya nila eh...
tapos ayun..
i'm done with the first draft nung love letter ko for Saint Valentine..
pero mukhang kailangan ko rin palang mag-prepare ng script para sa pagkausap ko sa tatay nung Espasol, mahirap nang magkamali ng sasabihin eh..
ah basta, kailangan at dapat kong respetuhin si Tatay...
i have always been a coward when it comes to love..
laging takot na sumubok ng mga bagay na hindi ko gamay, kaya sobrang 'lame' ko..
this time, kahit na walang pag-asa, ibibigay ko na lahat...
No comments:
Post a Comment