this blog contains stories about my experiences & misadventures here on Earth.. most of which are about my very unsuccessful lovelife - basically about how to live a loveless guy's life.. some are about real life problems, strange dreams, South Korean stuff, women's volleyball, arts, computer games, business, issues of public interest, cute girls, & almost anything that i find interesting to write about...
Wednesday, April 16, 2014
August 5, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman
The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman
sira na naman ang araw..
for some reason eh hindi na naman nag-aaalis ng bahay yung biological demon father dito..
at masamang pangitain yun para sa amin..
sa tuwing ginagawa niya kasi yun, eh isa sa mga posibleng ibig sabihin ay may pinagtataguan siya..
at hindi magandang balita kung libu-libo na namang utang na pera yun..
halos 29,000 Php na utang noon..
tas 19,000 Php na utang recently, na yung retirement benefits ng biological mother ko ang sumalo..
sobrang impraktikal naman kasi na nagbabayad kami ng mga utang na ni hindi namin alam kung ano ang pinagkagastusan..
sugal ba..?
babae..?
o ibang pamilya..?
at sobrang tatanga ng mga biologicals ko para i-tolerate yung ganung mga bayarin..
na akala mo eh marami silang pera na pambayad ng mga unidentified na utang...
at ang masama pa sa parte ko eh..
hindi na naman ako makakapagtrabaho nang ayos nare..
kasi teritoryo nya yung lugar na pinagdo-drawing-an ko..
dahil yun yung maluwag at malapit sa natural na ilaw..
besides, eh kung magkakamali ako..
posibleng mapatungan ng demonyong yun ng kung anu-ano yung mga tinatrabaho ko..
pwedeng basa ng tubig..
sigarilyong may sindi..
basura..
basang pustiso na nakababad sa tubig na ilang buwan ang itinatagal bago palitan..
thinner ng pintura..
yung maitim na pampakintab ng sapatos..
yung singaw ng mighty bond na nag-iiwan ng puting markings kapag natuyo..
chichiriya na basta na lang nyang ikinakalat sa mesa ko galing dun sa lalagyan, ni ayaw gumamit ng platito dahil sa sobrang katamaran..
at kung anu-ano pang nakakadiring mga bagay...
ano ba..?
balak na naman ba niya akong demonyohin ngayong may tinatrabaho na naman ako..?
kasasabi ko lang na kailangan kong mag-focus ah.. T,T
hindi ba talaga pwedeng mamatay na lang siya..?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment