Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 10, 2013 - Natanga na Naman)

June 10, 2013..
(non-journal entry)

4 days without seeing her..
kaya ko pa 'to..
kahit sa pinakahuli ko pang 84 days...

anyway..
may ise-share lang ulit akong katangahan..
last night, eh matutulog na sana ako..
nang biglang may nag-text sa akin na unregistered mobile number sa cellphone ko siyempre..
binati ako nung tao na yun gamit yung first name ko tas may kasamang smiley..
eh halos wala na akong kakilala na tumatawag sa akin sa pangalan na yun..
tas gaya nang naikuwento ko na dati..
matagal ko nang hinihintay na gamitin naman ni Miss Robledo yung number ko na binigay ko sa kanya matagal na panahon na ang nakalilipas...

so that time, i had this fantasy na sana nga siya na yung anonymous texter na yun..
na baka kako gusto na niya sanang mag-sorry, makipag-ayos, or hayaan akong makapasok na muli sa buhay niya..
pero siyempre, naisip ko rin na baka naman may mga pasaway lang akong kaibigan na balak akong pakagatin at pasayahin nang kaunti sa buhay kong are..
kaya nag-reply ako ng multi-purpose na message..
sabi ko "pwede ko bang malaman kung sino 'to..? hindi kasi naka-register ang number mo sa phone ko.. bawal ang joke, okay! go!"...

i didn't care even if it was really her na nag-text..
naisip ko lang na mas safe kung magbibigay na kaagad ako ng warning..
dahil i wouldn't want a joke to break my heart even more...

tas nag-reply naman kaagad yung anonymous texter..
eh yung cellphone ko kasi eh yung tipo na kita na kaagad yung konting preview nung mga messages kapag naka-Inbox view pa..
tas ayun..
bigla akong kinabahan nung makita ko na parehas sila ng first letter ng pangalan ni Miss Robledo..
tas sa biglang tingin eh napansin ko nga rin na parang parehas din sila ng bilang ng characters sa name..
kaya ayun..
kaagad  ko naman in-open yung message niya..
tas yung moment na yun eh parang medyo nagtagal, ng ilang seconds din, unreal, although konting segundo lang naman ang kailangan para magbukas talaga yung message..
biglang nagpawis ako nang malamig..
tas parang medyo sumaya at nagkaroon ulit ng konting pag-asa dito sa puso ko..
kaso pagkabukas ko nung message..
nabasa ko na yung isang mabuting kaibigan ko pala yung nag-text..
tas yung nickname niya yung ginamit niyang pangalan sa pagpapakilala sa akin, kaya pala nagtugma yung bilang ng characters sa pangalan nila..
hindi naman sa hindi ako masaya na siya pala yung nag-text..
eh kasi naman wala na talagang gumagamit nung first real name ko sa panahon ngayon..
hindi rin naman ganun yung tawag niya saken madalas eh..
i mean, nanghinayang talaga ako..
akala ko pa naman si Miss Robledo na talaga yun...T,T

wasak na naman ang pantasya..
sabi nang huwag na, tumigil na eh..
napala ko tuloy... >,<


No comments:

Post a Comment