(non-journal entry kasi wala pa namang concrete na evidence)
asar!
bakit walang update..
wala man lang clue kung anong totoong nangyari kahapon..?
ewan ko ba..
pero pakiramdam ko kahapon na dumating na yata yung araw na kinatatakutan ko..
in relation dito sa babaeng gustung-gusto ko nga..
base kasi sa mga nasaksihan ko eh parang meron na nga akong actual na karibal sa kanya eh..
at masyado akong nag-aalala ngayon...
ganito kasi yung nangyari:
by 9:00 AM, eh umalis na siya ng bahay nila..
naka-ordinary lang siya..
hindi ko tinandaan kung anong suot niyang tee shirt, pero parang pink yata yun, kasi by the time na umalis na yung parents nila eh sumagi sa isip ko na parehas silang naka-pink ng stepmom niya...
noong umalis naman ng bahay ang parents nila..
eh buhay yung Chev nila habang nagsasara ng gate yung stepmom niya, so masasabi ko na kasama niyang umalis yung padre de pamilya...
by 12:00 NN, biglang narinig ko na nagbukas yung gate nila..
may nakita akong lalaki na nakatayo sa labas ng gate nila..
tas yung babae naman ay parang pumasok..
parang nag-usap pa sila nang medyo matagal eh, bago umalis yung lalaki..
curious na curious ako, kasi nga pumasok kaagad sa isip ko na baka inihatid nung lalaking yun si Miss Robledo pauwi..
gusto ko sana silang silipin nang maige eh..
kaso areng tinamaan ng pakialamerang biological mother ko eh nakisawsaw at nakisilip kung sino ba yung nagbukas ng gate, kasi akala niya daw eh gate ng inuupahang bahay ng biological brother ko yung nagbukas...
noong time na yun eh todo processing na yung isip ko..
ang totoo kasi eh hindi naman ako sigurado sa mga nakita ko..
iniisip ko kasi kung sino yung tao sa bahay nila noon, dahil hindi ko naman talaga namukhaan yung babae..
kaya 3 possibilities yung pumasok sa utak ko:
- hindi kasi ako sigurado kung nasalisihan lang ba ako sa pag-uwi ng Espasol nang mas maagang oras, at yung lalaki ang galing na sa loob ng bakuran nila (kasi nga base sa pagkatanda ko eh naka-pink siya noong umalis siya ng bahay pero yung babaeng nakita ko noong 12:00 eh parang naka-white naman)..
- o baka naman postman lang yung lalaki at may inabot na sulat sa kanya (naka-ordinary nga lang kasi yung Espasol noong umalis siya noong 9:00, samantalang yung lalaki eh parang naka-puting uniform at may dalang red na bag, though posible rin naman na taga-ibang school siya o same campus pero ibang department lang).. pero kung postman lang yun, eh bakit kinailangan pang buksan yung gate nila..?
- at yung huli nga, eh baka totoong inihatid siya noong lalaking yun pauwi.. T,T
ang malaking tanong eh sino nga ba yung lalaking yun na naka-uniform..?
parang medyo matangkad siya eh..
tas parang tirik yung ayos ng buhok niya..
eh kasi naman likuran lang niya yung nakita ko..
tas hindi ko pa nga na-obserbahan nang maige dahil sa sawsawera kong biological mother.. >,<
sino nga kaya yung buwisit na yun sa buhay nung Espasol..?
after ilang minutes pa..
eh dumating naman yung school service ng mga kapatid niya..
parehong bumaba mula doon sa sasakyan yung dalawa niyang nakababatang kapatid..
kaya sa puntong yun eh na-cross-out ko na rin sila dun sa mga hinihinala kong nakita kong tao sa bahay nila by 12:00..
bale tanggal na sa listahan yung dad nila, yung stepmom niya, at sina half-sister- at half-brother-in-law..
kaya ang natitira na lang eh sina Espasol o di kaya eh yung La Salle-ista na napunta sa kanila minsan...
noong hapon na..
eh napatunayan ko na nakauwi na nga yung Espasol..
nakita ko kasi siya at yung kapatid niyang babae na lumabas ng bahay..
naka-yellow tank top siya noon, na medyo malapit dun sa parang white na nakita kong suot nung babae noong 12:00..
noong mga oras na 'to eh sarado yata yung tindahan sa tabi nila..
at napansin kong mukhang may dinadayo na silang ibang tindahan..
sa papalabas ng subdivision yung direksyon eh..
hindi ko lang masabi kung pa-diretso ba ga o sa may kabilang kalye pa..
kanino naman kaya siya nagpapa-cute dun..?
o may pinagpapa-cute-an nga ba siya, o nabili lang talaga..?
tas by 6:00 PM eh umalis yung 3 magkakapatid ng biyahe lang..
which is unusual, dahil hindi naman madalas na magbiyahe yung dalawang bata..
wala pa kasi noon ang parents nila..
tas may kausap pa ang Espasol sa cellphone bago sila tuluyang umalis..
nag-tricycle sila palabas siguro ng subdivision o baka sita na, i don't know...
---o0o---
ngayon..
mabalik tayo dun sa pesteng lalaking yun..
ang totoo eh naiinggit ako..
and i feel threatened...
naiinggit ako..
kasi kung totoong naihatid niya yung Espasol pauwi..
eh ano pang laban ko sa kanya..?
nakakalapit siya sa babaeng gusto ko..
samantalang ako eh bawal na bawal, sa masaang medium man (sa personal, sa text, at kahit online).. T,T
kulang na nga lang eh ipagtabuyan ako paalis ng subdivision na tinitirhan namin eh...
masakit yung pakiramdam na alam mong hindi ka pwedeng pumasok sa buhay ng babaeng gustung-gusto mo..
iba pa kasi yung pinaparamdam lang sa'yo yun nung babae, kumpara sa diretsa niya yung sinasabi sa'yo..
na kahit na anong subok mo, eh nire-reject ka lang niya..
na parang wala talaga siyang kainte-interes sa'yo...
i mean..
ganun ba talaga akong klase ng lalaki..?
dahil ba economically undesirable ako..?
ganun ba ako kapangit..?
ganun ba ka-weirdo ang itsura ko dahil sa mahaba kong buhok..?
sapat bang rason ang mga yun para iwasan ako at halos ipagtabuyan palayo ng babaeng gusto..?
i admit na medyo sablay talaga yung mga nauna kong moves..
para akong nagmamadali..
kasi i was so excited..
na dahil almost 2 years na rin yung panahong nasayang ko para lang sa pagde-desisyon kung gusto ko bang mapalapit sa kanya o hindi..
eh para tuloy gusto kong habulin o bawiin yung mga nawalang oras..
siguro nabigla ko siya..
siguro at certain points eh naging medyo creepy nga ako..
pero sapat na ba yung dahilan para tuluyan na kaagad niya akong layuan...
eh ano namang nangyari dun sa istorya ko..?
wala na lang..?
bakit ba ganitong ka-hindi kapatas sa akin ang mundong 'to..?
pwede siyang mag-entertain ng ibang manliligaw..?
pero ako hindi..?
eh ni hindi ko nga alam kung manliligaw nga ba niya yun o baka secret boyfriend niya na yun eh...
i don't know..
masyado na naman akong ginugulo ng damdamin ko ngayon..
i want to find out who that bastard is..?
at kung ano bang koneksyon niya sa Espasol..?
pero kung kailan kailangang-kailangan ko ng mga clues o hints..
eh saka naman walang nalabas..
sobrang nag-aalala ako - threatened nga..
na baka nga may boylet na areng babaeng gusto ko..
na baka umaasa na lang ako sa wala..
na baka sa ganito na lang - sa kabiguan na lang matatapos ang buhay pag-ibig ko..
para ngang gusto ko nang kumausap ng kahit na sinong close sa kanya..
para lang magka-ideya ako kung may dapat pa ba akong asahan o wala na talaga..
ang hirap kasi nung pakiramdam na nakikipaglaban ka nang wala ka man lang konkretong intel tungkol sa target mo at sa karibal mo..
pero mas natatakot ako na baka sa halip na tulay ang makuha ko eh, baka ilaglag lang ako ng mga balak kong kausapin dun sa Espasol na yun...
haaaaay..
paulit-ulit mo na lang akong sinasaktan...
No comments:
Post a Comment