(non-journal entry)
missed her for 3 days..
basically, hindi nakakatulong yung pagbibilang, dahil yung mismong pag-monitor mo kung ilang araw mo na nagagawang tiisin yung taong gusto mo eh nagpapaalala mismo sa'yo ng tungkol sa kanya..
eh sa mahilig akong magbilang eh...
regarding sa effort ko para maiiwas ang atensyon ko mula kay Miss Robledo..
well, i'm trying my best naman..
sa ngayon mas iniiwasan ko yung mga actual experience..
gaya ng makita siya in person, di tulad nang nakagawian ko na sa loob ng ilang buwan..
iwas-boso mode...
kung dati nakasanayan ko na chini-check kung sinong nalabas sa kanila everytime na tumunog yung gate nila, lalo na tuwing umaga..
ngayon eh, kapag naririnig ko yung 'alert tone' na yun eh pinagsasabihan ko talaga yung sarili ko..
na 'shut the f*ck up! and just stay on that f*cking chair in front of your pc! please lang, huwag ka nang mag-isip...'..
andun yung pakiramdam na parang automatic nang nagre-react yung sarili ko out of curiosity..
pero kailangan kong maging matatag at kontrolin ang sarili ko..
tas dati dahil kabisado ko yung summer schedule niya..
edi siyempre, alam ko na kung anong oras ako mismo dapat na maghintay, para naman nakikita ko siya bago siya pumasok tuwing umaga..
lalo na't nagsusuot na siya nung mga tourism attire niya..
kaya sa ngayon eh kailangan ko talagang umiwas..
yung manatili na malayo mula sa malapit sa may bintana at screen ng pinto kung saan madalas ko siyang makita..
yung tipong tuwing nanonood ako ng tv, eh biglang tutunog yung gate nila..
tas kung dati eh, kaagad na pumapaling yung paningin ko, ngayon eh pinagsasabihan ko pa ang sarili ko na 'o, huwag nang lumingon, mag-pokus na lang sa panonood!'..
oo nga't nakaka-miss, lalo na yung makita siyang nakapambahay lang at naka-shorts, o di kaya yung makita siya na suot yung mga Sunday Dress niya..
pero kailangan ko na talagang ilayo yung sarili ko bago pa tuluyang bumigay ang utak ko sa kaiisip sa kanya eh..
oo aminado ako..
sa tuwing napapadaan ako sa pinto, hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung nasa bahay ba nila siya sa mga oras na yun..
o di kaya tuwing unang labas ko ng bahay sa umaga..
parati kong gustong i-check man lang kung nakauwi ba sila noong gabi (since masyado akong maagang matulog)..
na minsan, hinihiling ko na aksidente sana ulit na mag-krus yung mga landas namin...
at ngayong sinusubukan ko 'tong gawin..
napapaisip tuloy ako..
tama ba na paraan itong ginagawa ko..?
umiiwas ako habang iniisip ko na may tao nga akong sinusubukang iwasan na..
edi sa madaling salita, siya pa rin yung laman ng isip ko..
aware pa rin ako na andyan nga lang siya..
nakakabaliw na talaga 'to..
sana dumating yung time na maging balewala na lang siya sa akin..
para patas na kami...
mag-boyfriend ka na nga, Ineng..
nang hindi na kita pagpantasyahan pa... >,<
---o0o---
i'm not sure..
pero sa tantsa ko, mukhang in love na nga yung bagets na yun sa kung kanino... T,T
No comments:
Post a Comment