pero hindi ko alam kung paano ko ba makukuha yung totoong mga sagot mula sa kanila dahil natatakot ako na baka pairalin lang nila ang pagiging bias o baka nahihiya lang silang magsabi ng totoo dahil naaawa na sila sa akin:
- do you hate me now that i'm sort of becoming more of an anti-god..?
- natatakot ka ba na maparusahan ka rin niya/nila dahil lang sa naging kaibigan o kakilala mo ako..?
- kung nalaman mo sana na magiging ganitong klase ako ng tao o nilalang sa sitwasyon ko ngayon, mas pipiliin mo na lang ba na hindi na ako maging kaibigan o kakilala..?
---o0o---
hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako magtatagal online..
sa tuwing iniisip ko na posibleng mawala pa sa akin ang ebay, ang VMobile ko, at ang One Piece - eh hindi ko na maisip kung kakayanin ko pa bang tumagal pa nga sa ganitong hindi kapatas na mundo...
today, naparusahan na naman ako ng kalangitan..
after mag-brownout kanina eh hindi ko na mai-on areng CRT monitor ko..
hindi ko alam kung anong may problema na naman..
kung yung mismong monitor ba o yung UPS na naman..?
ah basta..
sa ngayon sobrang busy ko online..
still searching for the truth..
and nung bumalik na yung kuryente at hindi ko magawang i-on nga yung monitor..
eh bigla na lang akong nanlumo..
sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang gusto ko na namang umiyak..
gustong malaman kung sino ba ang dapat kong sisihin sa lahat ng masasamang nangyayari sa akin..
at sa tuwing naiisip ko na pinaglalaruan na talaga ako ng mga bathala, eh hindi ko maiwasang maisip na gusto ko silang upakan nang harapan..
pakiramdam ko tinamaan na naman ako ng kamalasan eh..
na lahat talaga ng may kinalaman sa akin eh nakatadhana lang na mawasak...
nakakasawa nang makitang nasisira lang ang lahat ng nasa paligid ko...
No comments:
Post a Comment