Saturday, April 12, 2014

June 18, 2013

i-e-explain ko nga ulit..
hindi lang ako problemado ngayon ng dahil lang sa babae, nang dahil sa Espasol...

feeling ko lang na sobrang MALAS ko dahil sunud-sunod yung mga natatamo kong kabiguan sa iba't-ibang aspeto ng buhay ko since 2012 pa..
(nawala ang Lotus ko at hindi na naresolba yung krimen na yun, unti-unti nang nawawala lahat sana ng bagay na makakatulong sa pag-pursue ko ng gusto kong career, panay ang dating ng financial crisis sa biological family ko samantalang patuloy lang na nag-eenjoy yung iba sa kapritsoso nilang pamumuhay, unti-unti nang nasisira yung business ng blood aunt ko sa mga kliyente namin at lahat ng yun ay kailangan kong harapin na ang sarili ko lang na pangalan ang pwede kong sirain dahil hindi ko pwedeng sabihin sa lahat ng tao ang totoong nangyayari sa mga pera nila, at ang pinakahuli nga ay ang pagtataboy sa akin ng babaeng pinaka-gusto ko sa mundo)...

hindi lang 'to tungkol kay Miss Robledo..
tungkol 'to dun sa takot na anumang desisyon ang gawin ko sa hinaharap eh posibleng mauwi rin lang sa wala at mas durugin pa ang pagkatao ko - dahil yun yung trend sa buhay ko eh..
hindi ako takot na mamatay, mas pabor nga sa akin ang bagay na yun..
pero hindi naman ako dinadala ng kapalaran sa bagay na yun eh..
at sobrang nakaka-DOWN na isipin kung ano bang pesteng ENTITY o bathala areng kinakalaban ko sa buhay..
na para ba gang hinding-hindi na niya ako bibigyan pa ng pagkakataon na ma-enjoy ang buhay..
na para bang sobra ko siyang na-offend nung nawalan ako ng tiwala sa kanya, na parang mas papaboran pa niya lahat ng masasamang tao sa mundo (mga mamamatay, mga gahaman) kumpara sa akin...

nagkataon lang na si Miss Robledo yung pinakahuli kong naging problema..
at nagkataon rin lang na hindi pa ako tapos sa kaso niya..
kaya naman tungkol sa kanya yung mas napagtutuunan ko ng pansin sa ngayon..
kasi gusto ko nang tapusin yung istorya niya..
oo na, ako na yung tanga dahil ibinigay ko yung puso ko sa maling babae...

pero sa kabila ng lahat ng yun..
hindi pa naman talaga ako nasuko eh..
dahil no choice naman ako kundi ipagpatuloy nga ang buhay ko..
madaldal lang ako dahil yun ang labasan ko ng sama ng loob sa mga bathala...


may mga problema nga na pinababayaan na lang dahil hindi na talaga mahanapan ng solusyon..
pero may mga problema din na dapat mas palalain pa para lang ikaw na yung mismong umayaw sa problema na yun...


No comments:

Post a Comment