October 11, 2013...
5:50 AM ko siya nai-spot-an na lumabas ng poder nila..
although hindi naman ako sigurado kung umalis na nga siya noon, dahil hindi naman siya nagsara ng gate...
tas noong gabi na..
i think i heard her ng bandang 6:53 PM, pagkabalik ko galing sa kabilang bahay..
pero 7:12 PM ko (yata) siya nakitang pumasok ng gate nila..
not really sure, dahil sa mga pagbabago-bago sa schedule niya...
maaga yung uwi niyang yun kumpara sa mga nakaraan niyang uwi..
kaya hindi ko tuloy masabi kung saan nga ba siya galing nitong Friday at last Thursday..
medyo katugma rin kasi yun ng schedule niya sa school eh..
ni hindi ko nga alam kung sembreak na ba sila..
kaya hindi ko masabi kung sa school lang ba siya galing o sa PAL pa rin...
bukod dun..
kailangan ko ring ma-check kung may schedule ba siya ng Saturdays...
[ feeling ..naging super stalker na talaga... ]
end of Day 11...
---o0o---
October 12, 2013...
pinaglalaruan na naman ako ng isip ko..
bakit ba paulit-ulit niyang ibinabalik yung konting alaala ko noong May 2, 2013..?
mas nami-miss ko tuloy lalo yung Espasol..
May 2 eh yung 2nd successful approach ko kasi sa kanya..
ewan..
i guess yun na yung masasabi kong pinaka-memorable..
umpisa pa lang na makita niya ako noong araw na yun eh nginitian na niya kaagad ako..
pinakamarami rin ang smile niya noon..
at nagagawa pa nga niyang tumawa at magbiro..
ang cute rin nung pa-inosente at makailang ulit niyang pagtatanong sa akin na "pero, bakit ako..?"..
gustung-gusto ko yung ganung aura niya..
komportable kasing pakisamahan at nakakagaan rin ng loob..
para kasing sobrang cheerful ng dating niya..
hindi man siya um-'OO' sa lahat ng ibato kong tanong sa kanya..
eh hindi rin naman siya yung tipong nangingilag na..
inakala ko tuloy na pwede ko talagang gawin yun..
yung subukang makasama siya...
ewan..
i guess, masyadong maganda na yung ganung klase ng alaala para itago ko..
masyadong maganda - na nakakasakit na rin ng damdamin..
how i wish na na-stuck na lang sana ako sa maganda at napakaikli lang na moment na yun..
sana hindi ko na lang nasira ang normal na takbo ng mga bagay-bagay sa pagitan namin...
bakit ba kasi ikaw pa..?
bakit ba sa'yo ko pa 'to naramdaman..?
at bakit ba hinding-hindi ko talaga pwedeng subukang ilapit ang sarili ko sa'yo..?
hindi mo man lang ba yun pwedeng i-explain...?
[ feeling iyak na lang nang iyak sa sobrang panghihinayang... ]
---o0o---
may ideya na ako kung saan sila nanggaling last Friday..
nag-practice ng pagtu-tour guide sa buong lungsod..
kaya pala madali lang nakauwi kahit na Biyernes...
noong umaga pa lang eh nai-spot-an ko na siya..
naka-black printed tee shirt..
dark gray jeans..
naka-bun na buhok..
at parang naka-eyeglass pa nga siya noon..
napagod siguro, kaya hindi na nakapagpalit ng suot niya mula sa pagtu-tour guide...
by 11:40 NN eh umalis na ulit silang buong pamilya..
naka-white tee shirt..
grayish na knee-high shorts..
at shade of blue na shoes...
tapos..
8:24 PM na sila nakauwi...
ayun..
end of Day 12...
---o0o---
October 13, 2013..
Sunday Samba-Day na naman..
i thought i'd catch her again..
kaso sumablay..
dahil sa malakas na soundtrip ng dayong baby dito sa bahay, eh parang na-disable tuloy ang senses ko..
huli na nang namalayan ko na nakalabas na pala sila ng bakuran nila..
pero parang nakita ko pa naman yung SUV nila bago ito tuluyang makaandar palayo..
mga bandang 9:08 AM yun...
11:19 AM sila bumalik ng bahay..
pero dahil sa mga bisita naman ng biological demon spern donor ko..
na naghahanap ng mga makakatulong sa pangangampanya sa darating na Barangay election..
eh hindi ko na naman na-check yung Espasol..
si Stepmom-in-law na yung nakita kong nagbubukas nung gate nila eh...
noong bandang hapon eh may mga lumabas mula sa poder nila..
though, hindi ko na lang sinilip kung sinu-sino ba yun...
pagdating ng gabi..
mga 6: 28 PM na yata noon..
eh nagdatingan na yung mga kababaihan ng kanilang tahanan..
mukhang nag-grocery sila eh..
ang ipinagtataka ko eh parang naka-long sleeve na uniform niya noon ang kolehiyalang Espasol...?
---o0o---
ewan..
halos nakakakalahati na ng October..
pero hindi pa rin ulit kami nagkikita ng crush na crush kong Espasol sa personal..
kahit na sobrang init ng panahon minsan, eh wala pa rin kaming ice encounter..
lampas 2 weeks na 'to simula noong Rose Incident...
hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nga lahat ng clue eh sa akin LANG talaga tumuturo..
na may ideya na nga siya na ako nga yung responsable sa pagpapadala sa kanya nung roses..
na baka naiilang na naman siya sa akin..
kaya umiiwas na naman siya..
hindi ko talaga alam kung anong sagot sa mga hinala ko...
tapos pinag-iisip pa ako ng mga actions niya lately..
minsan siya lang, pero may mga pagkakataon din na kasama niya si Half-Sister-in-law..
ewan..
parang ang hilig nilang magtagal lately dun sa direksyon nung tindahan..
yun yung suking tindahan ng biological family namin, kung saan nagkakasabay rin kami noong bumili nung Espasol..
alam kong may katagalan ang pagbili dun..
yung mga batang lalaki kasi eh mahilig sa DOTA..
yung nanay naman eh parang tinuturuan silang mag-asikaso nung tindahan..
tas basta - makakailang tawag ka at sigaw bago ka nila pagbilhan..
kaya ayun nga..
nagtataka ako kung bakit sila o siya malimit magtagal sa direksyon na yun..
(hindi ko kasi sigurado kung sa tindahan nga siya/sila napunta)...
dati kasi..
edi parehas nga naming suking tindahan yun..
pero noong magtayo ng tindahan ang kapitbahay nila eh doon na sila malimit nabili, kasi nga naman eh sobrang lapit..
after matupad yung wish ko na bumagsak yung tindahan na yun, eh parang bumalik na nga sila doon sa suki naming tindahan..
kahit na nagtayo na rin ng maliit na tindahan yung kapitbahay naman nung bumagsak na tindahan, eh mas madalas na doon pa rin sila sa mas malayo bumibili...
pero lately..
ewan..
bukod sa malimit na silang magtagal doon..
eh may mga pagkakataon na nahuhuli ko siya..
na parang pasulyap-sulyap sa direksyon nga nung suki naming tindahan..
minsan bago siya umalis ng bahay nila eh lilingon muna siya doon..
may time rin dati na nakakailang balik siya doon..
may time rin na halos kagagaling lang niya dun..
tas pasilip-silip siya dun sa gate nila at pangiti-ngiti pa..
tas maya-maya eh pumunta na naman sa direksyon na yun..
nasosobrahan na ako sa pag-iisip ng mga detalye..
eh may mga anak pa namang lalaki yung may-ari nung tindahan na yun..
yung panganay eh hindi ko alam ang totoong pangalan..
hindi ko rin alam kung saan yun napasok..
tas yung padalawa naman ang parang nagsisimula sa 'J' ang nickname..
pero tagihawatin yun...
ano nga bang sagot sa mga tanong ko..?
hindi kaya nasa range ko lang yung luckiest guy on Earth na yun..?
parang gusto ko tuloy siyang sundan doon minsan para malaman ko kung anong totoo eh... T,T
end of Day 13...
No comments:
Post a Comment