hirap na hirap na ang puso ko ngayon sa katitimbang sa mga bagay-bagay..
bukod kasi sa bumalik na naman yung sakit namin na pagiging maralita..
eh sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, eh saka may nagsulputang matitino at nakakatuksong mga Star Wars unit ngayon pang nakapag-decide na ako na mag-suicide mission para lang sa paborito kong Espasol...
at yun nga..
nakakabigat ng damdam...in yung sabay-sabay na mga pangyayari..
at talaga namang nakakapagpaisip..
pakiramdam ko talaga na i'm not meant to be a 'better' person...
sa simula nitong taon, nagdesisyon nga ako to go for her - someone na wala namang kasiguraduhan kung magiging akin nga (figuratively speaking)..
nag-decide ako na gawin yun, despite knowing na she's someone na hindi ko naman magagawang panindigan..
that she's someone na kakailanganin ko ring pakawalan, eventually..
yung pagiging selfish at self-centered ko yung nagtutulak sa akin para gawin yung mga bagay na 'to..
kasi sa loob-loob ko, gusto kong muling maramdaman kung paano maging masaya - kung paano muling magmahal..
kaso nga, alam ko naman na hindi naman talaga ako gaanong magtatagal..
na bilang lang talaga yung moves na kaya kong gawin..
pero sa kabila ng kaliwa't kanang considerations, eh napagdesisyunan ko pa rin nga na i-concentrate na lahat ng budget ko just for her..
and it's really stupid...
at ano pang katangahan ang ginawa ko ngayon..?
nag-commit na naman ako na bumili ng ilang Star Wars unit..
nagpatukso ako, kahit na alam kong kakain rin yun ng malaki sa perang in-allocate ko na para lang sa isang babae..
bukod pa dun yung fact na paunti na rin nang paunti yung space dun sa kwarto ko kung saan pwede kong itago ang mga laruan ko...
pero ano nga bang nangyayari sa buhay ko..?
parang nangangarap na lang ako nang nangangarap ng mga bagay na hindi ko naman talaga kayang abutin..
- ginusto kong maging isang manga artist, pero ano..?
wala man lang akong scanner, at kahit na yung simpleng time & space lang eh hindi ko pa maibigay para sa career na pinili ko..
- ginusto kong maging collector ng Star Wars action figures, pero ano..?
hindi lahat ng magagandang meron sa market eh kaya kong bilhin..
- ginusto kong makalaya mula sa mga taong kinatatakutan ko nang sobra - yung mga taong source ng trauma ko, pero ano..?
sa bawat paghiling ko sa mga diyos na mawala na lang sana sila, eh tila mas humahaba pa yung pananatili nila sa mundo ng mga buhay..
at bilang kapalit - yung sarili ko at ang future ko lang ang tuluyan kong nasira dahil sa kakaprotekta ko sa mga bagay na meron na ako sa kasalukuyan..
- tapos heto't ginusto kong magmahal ng isang babae sa pinaka-huling pagkakataon sa buhay ko, pero ano..?
ni-reject niya ako noon..
tapos noong medyo um-okay na yung babae, eh parents naman niya yung tumanggi sa akin, at kinailangan kong magsayang na naman ng panahon sa kahihintay kung kailan pwede ko ng i-express sa kanya yung feelings ko..
at ayun nga - isa siyang bagay na wala namang kasiguraduhan sa bandang huli..
posible akong magsayang ng effort, pera, at oras para lang sa kanya...
kahit na alam ko kung ano naman talaga yung totoong praktikal para sa buhay ko..
na yung Star Wars eh mananatili lang diyan sa tabi ko, at hindi kailanman makapagkukusang iwanan ako sa buhay..
at na ang mga babae eh totally opposite nila, na hindi mo naman masasabing mapanghahawakan mo siya habambuhay..
eh are't ang tigas pa rin ng ulo ko...
kaya naman, lord..
patawad!
kung meron man talagang universal god..?
eh kailangan ko naman po talaga ng konting awa man lang..
hindi po ba pwedeng ma-lift na yung curse sa akin..?
hindi po ba ako pwedeng swertehin man lang ng konti sa buhay kong are..?
hirap na po akong mabuhay sa takot at kahirapan..
pero bukod dun, mas hirap po talaga akong i-analyze nang i-analyze kung bakit wala talagang magandang nangyayari sa buhay ko..?
ayaw nyo po ba talagang patunayan sa akin na maunawain kayo at mapagbigay...?
— feeling , litong-lito na sa pagitan ng babae at Star Wars.
---o0o---
earlier thoughts...
hmmm..
hindi ko man lang siya nasilayan kahapon ah..
napaano naman kaya yung Espasol na yun..?
sana naman eh hindi siya nagkakasakit dahil sa pabago-bago ng panahon...
pero okay na ako, dahil nakita ko na ulit siya this morning..
ay sya, Samba na nang pagpalain ni lord..
palagi na lang siyang naka-flats recently ah...
last week na ng February.....
kailan nga kaya magtatapos ang training niya..?
sabi niya kasi eh this February na eh..
eh ano naman kaya ang plano niya after that..?
pahinga muna habang naghihintay sa graduation, o may iba pang aasikasuhin sa school, o apply na kaagad..?
mahaba-haba rin yung March, at parang mas nakakapanghinayang isipin kung araw-araw ko na ulit siyang makikita dito sa lugar namin tapos eh alam ko namang bawal ko pa rin siyang lapitan... T,T
— feeling , hindi man lang ako napagbigyan na sulitin yung mga 'siguradong' nalalabi pang panahon eh...
No comments:
Post a Comment