Friday, June 28, 2019

Imperial Provincial Officials

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


nag-aalala ang maraming tao para sa mga lamang-dagat na napeperwisyo at nalalason ng mga basura ng sangkatauhan..
kaya naman ang solusyon ng Imperyo..?
eh uubusin na lang nila ang mga resources sa ilalim ng dagat... :(

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 422 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
  • yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
  • yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
  • yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
  • yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
  • yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
  • yung pagbibida sa titi niya
  • yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
  • yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
  • yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
  • yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
  • yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
  • yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
  • yung cleaning effect ng family name
  • yung bagong batas laban sa pambabastos, paninipol, o kahit pagkindat man lang sa mga babae, pero ang mismong pinuno ng bansa eh unlimited ang pambabastos sa mga kababaihan
  • sa Japan, yung gusto na namang makipag-lips-to-lips sa hindi kaano-anong mga kababaihan
  • yung COA pa ang nasisisi dahil sa paggawa nila nang tama sa trabaho nila
  • anong silbi nung 5 minutes na travel time, kung hindi naman direkta ang access ng mga taga-probinsya sa NCR
  • yung paggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung parating ipinapahiwatig na sa giyera lang hahantong ang paggigiit ng karapatan ng mga taga-probinsya
  • yung pagdepensa na kesyo sideswiped lang DAW yung nangyaring banggaan sa gitna ng dagat
  • yung pambabastos sa isang miyembro ng Judiciary para lang ipagtanggol ang Imperyo
  • yung wala ng respeto at paniniwala sa sariling konstitusyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • yung Criminology Student pala yung lalaki dun sa video kung saan hinahayaang uminom ng alak at manigarilyo ang isang 2 y/o na bata
  • sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
  • sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
  • sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • yung Hepe ng Eastern Police District, yung nakunan sa video na nananakit ng babaeng pulis
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
  • sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
  • sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
  • sa Bacoor City, yung Barangay Kagawad at Hepe ng mga Tanod na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng Barangay Hall
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Davao City, yung SK Kagawad na napatay sa buy-bust operation, bukod dun ay suspek din daw ito sa pagnanakaw base sa kuha ng CCTV
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
  • yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
  • sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Basilan, yung TESDA Provincial Director na nahulihan ng CIDG ng bala at pampasabog
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
  • yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
  • yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Isabela, yung pulis na binaril ang isang sundalo nang dahil lang sa agawan sa parking space
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
  • sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
  • sa Las Piñas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
  • sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
  • sa Cagayan de Oro, yung babaeng pulis na nangikil daw ng Php 3,000 laban sa aplikante para sa non-uniformed personnel ng PNP kapalit ng pangakong matatanggap yung biktima sa trabaho
  • yung opisyal ng PNP-HPG, yung inaresto dahil sa robbery extortion, kesyo nanghihingi daw ng pera para simulan ang imbestigasyon tungkol sa isang nawawalang sasakyan
  • sa San Fernando, Pampanga, yung pulis na nahuli sa entrapment operation, kesyo nanghihingi daw ng pera kapalit ng sasakyan na na-impound dulot ng isang buy-bust operation
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
  • yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
  • yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
  • yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
  • sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
  • sa Laoag City, yung nakunan ng video na naka-uniform ng pang-pulis, na nagmomotor nang walang suot na helmet
  • sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
  • sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
  • yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
  • yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga nasa katungkulan na hati ang atensyon
  • yung gusto na kaagad magdagdag ng bituin sa watawat kahit na hindi pa naman nalutang yung area
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga Barangay na nag-iimbento ng schedule para sa paghahakot ng mga basura, pero saka lang naman naghahakot sa araw kung kailan ang naka-schedule ay yung mga basurang pwede pang ikalakal 
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
  • sa Isabela City, Basilan, yung 5 y/o na bata na inatake ng nasa 10 aso daw
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung mag-aama at kaibigan nung isang anak, na suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen nang dahil lang sa away tungkol sa mangga, kung saan may 14 y/o at 15 y/o na involved na suspek
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019
  • sa Bacolod City, yung ama na pinagsasasaksak ng gunting yung 3 at 2 y/o niyang mga anak, pero ayaw namang kasuhan ng mga kamag-anak
  • yung ganap na batas na ang pagbibigay ng limos
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
  • yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
  • yung panibagong late na tanggalan ng mga vehicle type na hindi suitable para sa TNVS
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
  • sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
  • yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • sa Cubao, Quezon City, yung 4 na pulis at iba pa na hinuli dahil sa pagsusugal at pag-iinom sa pampublikong lugar
  • sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung kaso ng mistaken identity DAW sa ginawang panghuhuli ng PNP-CIDG sa isang journalist sa airport
  • yung MPD Police na may warrant para sa kasong kidnapping since 2015 daw, na nagpatuloy pa sa serbisyo at ang tagal bago nahainan nung warrant
  • yung farm ng mga panabong na manok sa Lipa City kung saan may nasabat na Php 60 Million plus na halaga ng shabu, na nasa Bilibid daw yung source at maging yung drug lord
  • sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
  • yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
  • yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
  • yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
  • sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
  • yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
  • sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
  • yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
  • yung marami pa ring lugar sa NCR ang binabaha kahit na hindi pa naman ga-bagyo ang lakas ng ulan
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung naging oversupply ng mangga sa Rosario, Batangas, noong May 2019
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
  • yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa, pero ayaw pang pangalanan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung may mafia daw sa loob mismo ng PhilHealth
  • yung panay pro-health ang mga panukala sa kabila ng kakulangan sa pondo, at sa kabila ng patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa dami na ng mga tao
  • yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
  • yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung pagpapagamit ng Marawi Fund para sa pilgrimage sa Mecca
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung pwede daw ipang-bid sa mga nakaw na gamit ang nakaw na pera
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung matagal na tinulugan yung franchise renewal ng isang TV network dahil sa kapritso ng isang pinuno
  • yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
  • yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
  • yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
  • yung local official na gusto nang i-exempt ang Davao City sa Martial Law
  • yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung opisyal na sinabihan ng mapanlait na pananalita ang kapwa niya opisyales para lang ipagtanggol ang Imperyo, kahit na may ginamit namang reference yung isa
  • yung mga opisyal ng mga ahensya na hindi naman directly related dun sa isyu yung pinapapunta dun sa mga nabanggang mangingisda
  • yung mga opisyales ng gobyerno na naggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung maliliit lang yung bangkang ipinamigay kapalit ng nabanggang bangka para hindi na makabalik ang mga probinsyano sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung pagsasayang ng pera sa pagbili ng mga makabagong barko, eh wala naman palang balak na dumepensa laban sa mga mananakop
  • yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
  • yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
  • sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
  • yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
  • ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
  • yung pakikipag-agawan din daw ng mga mamamayan ng Imperyo ng space para sa palaisdaan sa Taal Lake
  • yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
  • ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
  • sa Las Piñas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
  • sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers
  • yung depensa ng mga Imperyalista, na kesyo ordinaryo lang para sa kanila yung mga kaso ng hit-and-run sa gitna ng dagat

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
  • yung nahuli ng Cubao PNP, yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga
  • yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
  • yung hindi tugma sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya yung sagot DAW ng mga tao sa survey tungkol sa kahirapan
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung dialysis center na kumukubra sa PhilHealth kahit na patay na yung mga pasyente
  • yung mga espesyalistang propesyonal na hindi nagbibigay ng resibo
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
  • sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
  • yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
  • yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
  • yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
  • yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
  • yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
  • yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
  • yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
  • sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
  • sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
  • yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • yung mga ekonomista na takot na takot mawalan ng koneksyon sa Imperyo
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
  • sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
  • yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
  • yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
  • yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
  • yung hindi pagtulong ng mga Imperyalista DAW sa mga probinsyanong mangingisda matapos nilang mabangga daw at mapalubog ang bangka ng mga ito
  • yung mga insidente laban sa Vietnam na nagpapakita na ugali na talaga ng mga taga-Imperyo na mang-hit-and-run sa gitna ng dagat
-----o0o-----


June 24, 2019...

ang tuso ng Barangay namin..
gumawa ng schedule ng pagkolekta ng mga basura..
4 times (days) a week DAW...

pero..
hindi naman nila sinusunod yung ginawa nilang patakaran..
sa halip..
eh tuwing Wednesday lang talaga sila nangongolekta, kung kailan mga pwedeng ibenta sa mangangalakal ang naka-assign..
plastic, bote, lata, karton, at papel...

is feeling , suma-sideline...


>
yung pakikipag-agawan rin daw ng mga taga-Imperyo ng space para sa palaisdaan sa Taal Lake..
yung iba daw ay gumagamit ng mga local representatives..
at yung iba daw ay ni wala ngang permit sa pagkakaroon ng palaisdaan doon sa area...

is feeling , bestfriends forever.. mga nature lover...


>
sa farm ng mga panabong na manok sa Lipa City..
kung saan may nasabat na Php 60 Million plus na halaga ng shabu, maging halaman na Marijuana..
tapos sasabihin na nasa Bilibid daw yung source, at naroon din daw ang drug lord nun...

is feeling , wow! magic ng sistema...

---o0o---


June 26, 2019...

sa Safest City..
yung gusto nang ipatanggal ni Sarah ang Matabang Prinsesa ang Dictator's Law..
pero para lang sa lugar nila...

akala ko ba na nakabubuti yung ganun..?
eh bakit ngayon eh ayaw na nila..?
paano yun, gagamit na ng VIP treatment para sa kadugo...??

is feeling , pa-request naman ng special treatment...


>
yung MPD Police na may warrant para sa kasong kidnapping...

matagal na yung kaso..
pero ang kaduda-duda..?
eh kesyo 2015 pa DAW yung warrant, pero walang naghahain sa kanya..
at talagang regular pa rin siya sa serbisyo noong mga panahon na hindi pa nga nase-serve yung warrant...

is feeling , ilang taon ng pagkalugi.. at may increase pa...


>
[Natural Calamities]

sa Cebu naman may nakitang Oarfish this time..
napatay pa nung mga residente dahil kumalas daw yung ulo...

is feeling , baka daw dahil sa pagbabago na rin ng klima sa natural habitat nila...


>
sa Basilan..
yung TESDA Provincial Director na nahulihan ng CIDG ng bala at pampasabog..
babae yung nasa picture eh...

is feeling , ano nga kaya...??


>
sa San Fernando, Pampanga..
yung pulis na nahuli sa entrapment operation..
kesyo nanghihingi daw ng pera kapalit ng sasakyan na na-impound dulot ng isang buy-bust operation...

is feeling , maya't maya ang pagkalugi sa increase ng sweldo...


>
[Climate Change]

sa Victoria, Laguna..
yung kompanya na nagpo-proseso ng biogas mula sa dayami bilang source of energy...

is feeling , sino nga ba kasi ang nagpauso ng anti-nature na petrolyo...?


>
yung may mga areas sa National Capital Region na binabaha pa rin kahit na hindi pa naman bagyo ang classification ng pag-ulan..
nandun pa rin ang walang katapusang problema sa basura, na pinaka-nag-uugat sa kawalan ng disiplina ng mga tao...

is feeling , sayang yun.. sana eh nai-teleport nila sa kanilang mga dam...


>
yung provincial official na protektor ng Imperyo..
yung nagsabi ng mapanlait na pananalita laban sa kapwa niya opisyales sa social media..
kahit na may reference naman na ginamit yung isa..
pero biglang kambyo rin naman kaagad yung mapagmataas na opisyales...

is feeling , akala ko talaga dati na mabuting tao siya.. pero nag-aasal Hokage na rin siya ngayon...

---o0o---


June 27 2019...

may findings na yung Hokage na Mahilig..
sideswiped lang DAW yung nangyaring banggaan sa gitna ng dagat...

hindi yun sinasadya..
kaya nga pinagpatayan daw ng ilaw matapos yung insidente eh..
kaya nga pinabayaan na lang yung mga probinsyano sa gitna ng dagat eh..
ganun ang normal na aksidente..
kapag may nadisgrasya, eh pabayaan na lang...

naalala ko tuloy yung unang palusot nung Imperyo..
na kesyo pinalibutan daw ng mga probinsyano yung barko ng mamamayan nila..
so ganun pala ang nangyayari kapag pinalibutan..?
na mga Vietnamese pa yung mauunang magligtas..
ang galing...

is feeling , biktima na.. pero mas binibiktima pa ng kapwa mga probinsyano...


>
wala!
stupid yung taga-J Branch na yun...

kaya nga exclusive eh..
ibig sabihin ay pwedeng babuyin ng ibang lahi..
hindi marunong mag-Google ng meaning...

bobo lahat ng mga probinsyano na lumalaban para sa kalayaan..
mga tanga ang mga lumaban noon sa mga Kastila..
mga tanga ang mga lumaban noon sa mga Amerikano..
mga tanga ang mga lumaban noon sa mga Hapon..
dahil sa bandang huli ay ipapamigay lang naman ang bayan sa isang mapanirang Imperyo... :(

kapalit ng ano..?
kapalit ng mga pautang..
kapalit ng economic trade..
kapalit ng trabaho ng mga legal na OFW..
kapalit ng trabaho ng mga ilegal na OFW..
at kapalit ng hindi pambobomba...

sobrang patas naman na palitan nun..
lahat ng yun kapalit ng mga teritoryo..
kapalit ng pagtrato sa mga probinsyano bilang mga basura..
at ang pinaka-importante sa lahat - kapalit ng mas mabilis na pagkasira ng kalikasan ng mundo... :(

Magnitude 10 na lang talaga na karma ang pag-asa ng mundo...

is feeling , mabuhay ang Imperyo! mabuhay ang mga bugaw!


>
yung opisyal ng PNP-HPG..
yung inaresto dahil sa robbery extortion..
kesyo nanghihingi daw ng pera para simulan ang imbestigasyon tungkol sa isang nawawalang sasakyan...

sinasabi naman nung suspek na yung biktima ang totoong swindler..
na marami itong utang sa kanya, kaya siya man ay nabaon na rin sa utang...

is feeling , ano nga kaya...?

---o0o---


June 28, 2019...

ang talino rin talaga nung Hokage na Mahilig na yun... :(

ipinagtabuyan niya ang ibang kaalyado ng probinsya..
hoping na magiging makatao ang trato ng kanyang mga Bestfriend sa mga probinsyano..
pero sa halip eh mas nag-ugaling bully lang ang mga taga-Imperyo...

tapos ngayon eh parati niyang ipapanakot sa mga mamamayan na kesyo mauuwi sa giyera ang lahat kapag hindi ibinugaw ang bayan para sa mga taga-Imperyo..
kapag hindi pinabayaan ang Imperyo sa ginagawa nitong pagwasak sa kalikasan..
para ano..?
para lang makakapit siya sa kapangyarihan, at patuloy na maprotektahan ang Imperyo...?

natural walang gustong mauna sa pagtira ng missile..
dahil ituturing ng buong mundo na threat ang sinumang mauunang gumawa ng ganun nang walang sapat na basehan...

is feeling , unfortunately, hindi itinatrato ng global community na threat sa sangkatauhan ang pagkasira ng kalikasan...


>
grabe naman yung mga taga-Batangas na yun..
sinisisi pa ang pag-ulan... :(

malaki daw kasi ang kita nila noong kokonti lang ang ani dahil sa tag-init..
pero dahil daw sa pag-uulan, eh dumami ang ani nila (supply), kaya nagmura rin ang kanilang produkto...

is feeling , mga ekonomistang magsasaka...


>
bakit sila bili nang bili ng mga bagong barko..?
eh plano lang naman pala nilang magpasakop sa Imperyo...

ano yun..?
kickback lang ang habol nila mula sa gatas na pambili ng mga barko...??

is feeling , sana ang inutang nila sa Imperyo eh pambili na lang ng mga barko at eroplano...


>
yung pinuno ng bayan..
pero hindi na naniniwala sa sariling batayang batas..
pero kapit-tuko pa rin naman sa kapangyarihan... :(

is feeling , provincial head...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of June 2019 (Going South)

Loveless Story


June 22, 2019...

hindi pa confirmed yung dahilan ng latest na pagkawala ni Miss C..
pero kung saka-sakali..
may 61st (59th) retirement na...

is feeling , hindi importante...

---o0o---


June 24, 2019...

gusto ko sanang magbakasyon sa August..
para makaranas naman sana ulit ng konting pagiging normal na tao...

kaso..
kapag naiisip ko yung nawalang pera sa akin noong January..
na hindi ko rin naman pala ikinagaling..
eh hindi ko maiwasang mawalan ng loob..
lahat ng kinita mo for 5 months, tapos biglang gagastos ka ulit ng katumbas ng nagastos mo sa ospital..
at nandun pa yung threat na baka kailanganin mo na namang bumalik sa ospital, dahil nga hindi ka naman talaga gumaling... :(

gustuhin ko mang gayahin yung sinasabi ni Eddie Garcia..
kaso applicable lang yun para sa mga taong malalaki o normal ang kinikita eh...

is feeling , ang hirap maging masaya kapag below average ang survival rate mo...

---o0o---


June 25, 2019...

kagabi ko lang napansin..
tama nga yung naobserbahan nung iba..
they're going South..
mas malapit..
so mukhang iniwan na nila yung base nila sa Mandaluyong...

ang bad news..?
may lumabas na potential target..
kahawig ni Miss Co, though posibleng artificial..
kapag nagkataong pwede, eh magkalapit lang yung location nila ni YAM...

is feeling , mapapaaga yata ang bakasyon ko.. sa July...

---o0o---


June 28, 2019...

gusto kong magbakasyon bago pa ulit magmukhang abnormal ang nabubulok kong katawan..
gusto kong magkunwari na parang normal ako kahit na konting sandali lang ulit...

is feeling , hindi kailangan ng mga tao ng sobrang daming pera.. kailangan lang nila ng sapat hanggang sa araw ng pag-aasikaso sa maiiwan nilang mortal na katawan...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Reinforced Conference (Preliminary Round 2)


June 22, 2019...

Motolite versus BaliPure

average na ang dami ng live audience..
may Cannon at Missile pala ang Motolite...

ang 3rd 5-setter match ng conference..
2nd na para sa Motolite...

Set 1, 23-25, nasa bench si Pablo, si Caloy muna, dikitan ang laban, pero nanaig ang BaliPure dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 2, 23-25, Pablo for Caloy, dikitan ulit ang laban, pinalitan ni Caloy si Thompson, nakuha ng BaliPure ang set dahil sa 12 errors ng Motolite..
Set 3, 25-14, Molde naman for Pablo, nakakuha ng early lead ang Motolite, luminis na ang attacks ni Thompson, ipinahinga na muna sina Guillema at Dzakovic, nakuha ng Motolite lahat ng stats..
Set 4, 25-14, si Emnas na ang main Setter, muling nakakuha ng early lead ang Motolite, at nakuha rin nila ang set..
Set 5, 15-12, dikitan ang laban, pero mas nanaig ang Motolite...

3-2, panalo ang Motolite..
upset loss para sa BaliPure, at hindi rin sila nakabawi laban sa Motolite..
2-0 pa so far ang Motolite sa mga 5-setter games nila..
at naungusan pa nila ang BanKo sa rankings...

Player of the Game si Thompson with 27 points from 22 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 15 excellent receptions and 8 digs din siya..
Esdelle with 24 points na may 20 attacks..
Molde with 7 points off the bench..
Pablo with 4 points sa loob lamang ng 2nd Set..
para naman sa BaliPure..
Dzakovic scored 18 points na may 16 attacks..
Bombita with 15 points..
Vajdova with 12 points..
Espiritu with 6 points...

although activated pa rin naman ang BaliPure for this match..
kapansin-pansin na nawala yung maganda nilang laro sa Sets 3 and 4, kung saan parehas silang natambakan..
siguro naapektuhan rin nga si Vajdova noong tinamaan siya ng spike sa ulo..?
at lumayo nga yung production ng points sa pagitan ng mga guest players dahil sa last 3 sets...


Creamline versus Angels

mas dumami pa ang live audience..
makikita kung may nagawa na bang adjustment ang Creamline laban sa guest players ng Angels...?

Set 1, 25-18, makapal ang buhok ni Johnson ngayon, nakakuha ng early lead ang Creamline, pero medyo nag-twist ang ankle ni Morado sa bandang dulo ng set, nanaig ang Creamline dahil sa 14 attacks, 3 blocks, at 2 service aces nila..
Set 2, 21-25, nakakuha ng early lead ang Angels, Galanza for Gumabao, kaso Johnson-mode na ang opensa ng Angels, at nakatulong din sa kanila si Sabete..
Set 3, 25-19, balik na si Gumabao for net defense, Creamline na ulit ang nakakuha ng early lead, inilamang nila ang kanilang 2 service aces plus 9 opponent errors..
Set 4, 26-24, dikitan ang laban, nakakalas ang Creamline matapos ang 1st technical time-out, at naitawid naman nila ang set na iyon sa kabila ng naging threat ng Angels...

3-1, panalo ang Creamline..
first time matalo ng Angels, at ni Salas sa PVL..
1-1 ang standing nila ng Creamline...

Player of the Game si Morado with 23 excellent sets, plus 8 points..
Kaewpin with 18 points from 16 attacks and 2 service aces..
bukod dun ay malaki ang naitulong niya sa floor defense, with 17 digs and 14 excellent receptions..
Baldo with 16 points..
Blanco with 12 points na may 5 kill blocks laban sa fire power ng Angels..
Gumabao with 8 points..
para naman sa Angels..
Salas scored 23 points na may 22 attacks, plus 13 digs..
Johnson with 22 points na may 20 attacks, plus 19 excellent receptions and 13 digs...

pero makikita sa stats na guest players pa rin ang nagdadala sa Angels..
at ang hindi naman madaling makita sa stats, ay yung ginawa nina Atienza na pagsalo sa mga palo ng kalaban...

hindi pa rin naman pulido ang substitutions na ginagawa ni Coach Tai..
mas maganda kung mag-i-stick siya kay Gumabao habang maganda ang opensa at depensa nito sa harap..
si Galanza naman eh sa likod ang magandang timing ng pagpasok, for added floor defense...

is feeling , not good for BaliPure.. thank you naman sa buong team ng Creamline para sa muling pagtulong kay Morado.. may pag-asa na...

---o0o---


June 23, 2019...

so yun pala ang ginawa nilang solusyon..
lahat nung pa-basketball games ng Fighting Jonin na 6:00 PM dapat ang simula, eh iniatras nila hanggang 7:00 PM..
lahat naman ng weekend games ng PVL na 4:00 PM usually ang simula, eh pinaaga nila sa 2:00 PM...

sakripisyo para sa mga may trabaho ng Saturdays..
pero hindi na masama...

pero ang pinakagusto ko talagang pagbabago this season..?
eh yung hindi na replay na UAAP game ang ipinapalabas sa oras ng PVL..
dahilan para hindi na malimitahan ang mga PVL viewers sa panonood online o sa cable channel...

is feeling , pwede naman pala eh...


>
out-of-town, sa Laguna..
above average naman ang live audience..
back-to-back weekend games para sa Motolite at Angels...


Motolite versus BanKo

ang 4th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Motolite, in 4 straight games..
2nd naman para sa BanKo...

Set 1, 25-19, starter na ulit si Pablo, pati si Chuewulim para sa BanKo, dikitan ang laban, Molde for Pablo, na-check na ng blocking ng Motolite si Tiamzon hanggang sa naka-overtake na sila, nanaig ang Motolite dahil sa kanilang 13 attacks and 5 blocks..
Set 2, 25-23, balik na si Pablo, si Roces na for Gervacio, dikitan ulit ang laban, pero naagaw ng Motolite late in the set, inilamang nila ang kanilang 18 attacks..
Set 3, 18-25, nakakuha ng early lead ang BanKo, maagang pinalitan ni Molde si Pablo, saka pa in-activate ni Ferrer ang mga guest players nila, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 3 blocks plus 10 opponent errors..
Set 4, 22-25, muling nakakuha ng early lead ang BanKo, si Caloy naman for Pablo, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 19 attacks and 4 service aces..
Set 5, 15-17, nakaagwat ang BanKo bago matapos ang 1st technical time-out, pero naging dikitan ang laban dahil sa mga guest players ng Motolite, nagawa pa rin namang maitawid ng BanKo yung set...

3-2, panalo ang BanKo..
upset loss para sa Motolite..
at hindi nga nila nagawang makabawi laban sa BanKo..
bukod dun ay nagtabla pa ngayon ang BanKo at Motolite sa standings...

Player of the Game si Tiamzon with 19 points from 18 attacks and 1 service ace..
may plus 15 digs din siya..
Bersola with 17 points..
Yildirim with 16 points na may 5 kill blocks..
Chuewulim with 15 points..
Roces with 13 points..
para naman sa Motolite..
Thompson scored 30 points from 28 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 19 excellent receptions and 11 digs din siya..
Esdelle with 27 points from 20 attacks and 7 kill blocks..
Pablo with 11 points sa paglabas-masok sa laro in 4 sets..
Soyud with 5 points kahit limitado lang ang oras niya off the bench also in 4 sets...

kailangan lang siguro ng BanKo na mas magtiwala pa sa kanilang mga guest players..
makikita sa match na ito na although simula Set 3 lang nabigyan nang nabigyan ng plays sina Chuewulim at Yildirim, eh nagawa pa rin nilang makahabol sa scoring na ginawa ng locals ng BanKo...


Angels versus Army Troopers

Set 1, 29-27, si Malaluan ang nag-start para kay Balse, si Enclona lang ang nagli-Libero para sa Angels, maagang pinalitan ni Gutierrez si Tubino, nakaagwat ang Angels makalagpas ng 1st technical time-out, nakuha nila lahat ng stats kontra sa sarili nilang 11 errors..
Set 2, 25-20, muling nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, nakuha pa rin nila lahat ng stats kontra sa kanilang 6 errors..
Set 3, 25-14, sina Gutierrez at Bautista na ang nag-start para sa Army, pero nakalayo ang Angels makalagpas ng 1st technical time-out, nakapag-all-Filipino lineup pa sila sa bandang dulo dahil sa laki ng kanilang naging lamang...

3-0, panalo ang Angels..
hindi na nakabawi laban sa kanila ang Army...

Player of the Game si Cheng na naman, but with only 13 excellent sets, plus 3 points..
not deserving for the 3rd time.. :(
Salas with 22 points from 18 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Johnson with 21 points, also with 18 attacks..
Nunag with 7 points..
para naman sa Army..
Lymareva scored 16 points, at siya lang ang umabot sa double figures..
Gutierrez with 7 points off the bench..
kaso ay nalimitahan si Jordan sa 5 points lang this time...

bukod nga sa hindi masyadong nakadiskarte si Jordan sa gitna..
maging si Tubino ay hindi maganda ang naging laro today...

is feeling , impressive comeback for BanKo.. as expected naman mula sa Angels.. mukhang gagawa ang PVL ng Thursday schedule this week...

---o0o---


June 26, 2019...

bakit hindi na naman naka-televise sa free channel..??
lumang UAAP na naman ang palabas..
konti rin lang ang live audience today, below average para sa Creamline...


Creamline versus Army Troopers

ngayon ko lang napansin..
hindi na pala kasali sa official lineup ng Creamline sina Bravo at Mandapat..
pero parati naman silang naka-uniform pa rin sa mga games nila...

Set 1, 16-25, nakakuha ng early lead ang Army, active ang floor defense nila at laban pa sa Creamline, ipinasok si Galanza sa harap, pinalitan na rin muna si Morado ni Negrito sa bandang dulo, lumamang ang Army dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-16, dikitan ang simula ng laban, Soriano na muna for Sato, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, ipinasok na naman si Negrito sa dulo, nakuha ng Creamline lahat ng stats kontra sa 6 errors nila..
Set 3, 25-22, Soriano pa rin para sa Middle Blocker ng Creamline, dikitan ang laban, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 4, 25-16, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, Malaluan for Balse, ipinasok rin ng Creamline si Vargas, at si Negrito ulit sa dulo...

3-1, panalo ang Creamline..
hindi nakabawi laban sa kanila ang Army...

Player of the Game si Blanco with 16 points from 10 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Kaewpin with 19 points from 16 attacks and 3 kill blocks, plus 16 digs..
Baldo with 11 points..
Soriano with 6 points off the bench..
Morado with 28 excellent sets..
para naman sa Army..
Lymareva scored 22 points from 19 attacks and 3 service aces..
Gonzaga with 10 points..
si Tubino ay nalimitahan na naman sa 8 points lang..
at hindi na naman na-activate sa gitna si Jordan with only 6 points...


BanKo versus BaliPure

Set 1, 25-18, nakalayo ang BanKo after ng 1st technical time-out, mas naa-activate na nila ngayon ang mga guest players nila, activated rin ngayon si Gervacio..
Set 2, 25-19, off ang laro ni Bombita, Pronuevo for Delos Santos, dikitan ang laban, nakaagwat ang BanKo after na ng 2nd technical time-out, lumamang ang BanKo sa lahat ng stats lalo na sa kanilang 2 service aces..
Set 3, 25-21, ipinasok na si Tubiera for Bombita, mas naging dikitan ang laban, pero muling kinapos ang BaliPure...

3-0, panalo ang BanKo..
hindi nakabawi laban sa kanila ang BaliPure...

Player of the Game si Tiamzon with 19 points from 17 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Chuewulim with 12 pure attack points, plus 10 digs and 10 excellent receptions..
Yildirim with 9 points na may 4 kill blocks..
Bersola with 8 points na may 4 kill blocks din..
Gervacio with 7 points..
para naman sa BaliPure..
Vajdova scored 13 points na may 11 attacks..
Dzakovic with 12 points...

in addition para sa BaliPure..
Pronuevo scored 5 points off the bench, compared sa 0 ni Delos Santos in 2 sets..
Tubiera scored 4 points off the bench in Set 3, compared sa 5 points ni Bombita in 3 sets...

hindi na kasing-lakas si Delos Santos gaya ng dati noong nasa pizza league pa siya..
late naman na ipinasok sina Pronuevo at Tubiera..
mas maganda at mas malakas ang opensa ni Pronuevo kumpara kay Delos Santos..
mataas naman madalas ang attack accuracy ni Tubiera..
so sayang tuwing maling player ang nabababad sa loob ng court...

is feeling , thank you pa rin Creamline para sa patuloy na pagtulong kina Morado at Galanza.. late discovery naman para sa BaliPure...

---o0o---


June 27, 2019...

i see..
kaya pala humina ang opensa ni Gonzaga..
bumaba ang leap niya dahil parati na niyang inaalalayan ang pagbagsak niya..
dahil sa naging injury niya noon, sinusunod na niya ang payo ng mga conditioning coach na siguraduhin na double leg parati ang landing niya, sa halip na yung mas mataas ang risk na single leg landing..
yun din yung rason kung bakit parang parati siyang bumabagsak sa puwet niya after every hard attack..
hindi dahil sa hirap siya, pero para mabilis na mailipat yung body weight niya at hindi masalo ng legs lang niya...

is feeling , yun lang.. bilang kapalit ng optimum performance niya...

-----o0o-----


June 24, 2019...

after almost a decade ng pagsa-sideline bilang action figure seller..
kailangan ko na ring mag-retire sa eBay... :(

panibagong checkmate eh..
humihingi na sila ngayon ng automatic payment method para sa seller fees..
kahit pa wala ka naman talagang regular fees..
unfortunately, debit at credit card lang naman pala ang ina-accept nila...

sayang kasi may 1 action figure pa akong sinusubukang ibenta...

sunud-sunod ang nawawala sa akin..
2 cellphone loading raket..
ang patuloy na paghina nung remittance raket..
ang pagbaba ng pumapasok na tubo sa retail raket..
tapos mawawalan na rin nga ako ng eBay ngayon...

is feeling , sa papawala lang ang lahat...

---o0o---


June 28, 2019...

ang good news..?
mabilis ang progress nung latest project ko this month..
in fact eh katumbas na ng isang issue yung naihanda kong mga pages in less than a month...

ang bad news..?
labis pala para sa isang issue yung gamit kong script..
impraktikal kung ire-release ko siya bilang 1 buong project lang..
kaya mas makabubuti kung hahatiin ko siya sa 2 issue..
kaso ang ibig sabihin..?
eh kailangan ko munang palagpasin ng 100 pages yung script, at i-render ang lahat bago pa ako makapagsimula sa pag-e-edit..
bale parang gagawa muna ako ng 2 project, bago ako makapag-release...

is feeling , kaso may mga sisingit sa trabaho ko sa July...

---o0o---


June 29, 2019...

ang konting good news..?
naabot na ng 1st store yung quota, kahit na sa kalagitnaan ng buwan ako nag-release ng project..
kaya siguradong may papasok sa aking pera for July...

pero ang bad news ay..?
yun na yung pinakamalala niyang performance ever since nagsimula ako sa career na 'to..
nasa 12% lang yun ng target ko na starting sales, though sa kalagitnaan nga ng buwan ako nag-start this time...

hopefully eh gumana naman yung plano ko..
na mahati yung sales para na rin sa month ng July...

di hamak na mas malaki yung sales ng 2nd store..
but then, after 1 month pa parati ang release ng pera mula doon...

is feeling , sana sa Japan na lang tayo nagpasakop.. para may legal adult industry na rin dito sa bansa sa panahon ngayon...