Saturday, October 29, 2022

Devils in the System

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is ๐Ÿ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is ๐Ÿ’€ feeling , day 840...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (255 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung nagtalaga ng galing sa PNP para sa posisyon sa Department of Health
  • yung wala pang Health Secretary hanggang sa ngayon, pero panay nag-aayawan na yung iba
  • yung kawalan daw ng itinatalaga para sa Marawi Compensation Board, kahit lagpas 100 araw na
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe daw sa Singapore at nanood ng F1 Grand Prix
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung imbentong ideya ng Asia's fastest rising star
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • hindi nga nila makumbinsi ang marami na magpa-booster shot, tapos nagluwag na naman sila ng patakaran tungkol sa pagsusuot ng face mask, para naman sa indoor
  • yung required na ang SIM card registration, na may time limit pa, na parang hindi nila alam kung gaano katagal bago makausap ang mga service provider
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Bato, Camarines Sur, yung dating policewoman na naaresto sa isinagawang illegal drugs buy-bust operation ng PNP at PDEA
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Maynila, yung nasamsam na nasa Php 6.7 Billion daw na halaga ng shabu sa buy-bust operation, kung saan isang intel officer daw ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang naaresto
  • sa Camarines Sur yata iyon, yung may nakitang ilegal na droga at iba pang mga kontrabando sa sasakyan daw ng BJMP
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Pasig City, yung 2 pulis at 2 informant na nangikil laban sa isang drug suspect para daw hindi na matuloy ang kaso laban dito, bukod doon ay madami na rin daw kaso yung mga involved na pulis
  • sa Tagum City, Davao del Norte, yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping
  • sa General Trias, Cavite, yung mag-asawang pinagnakawan ang bahay kung saan 2 sinibak na pulis at 1 aktibong pulis ang ilan sa mga suspek
  • sa Balayan, Batangas, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa kasong robbery-extortion, nanghihingi daw kasi ng lingguhang payola para sa operasyon ng loteng
  • yung 8 pulis na inireklamo daw dahil sa pagdukot at pangingikil laban sa 3 suspected scammers
  • yung pinakakasuhan ng NBI na hepe ng NCRPO at 12 pulis, dahil daw sa pagdukot at pag-detain sa 4 na drug suspect, na hanggang ngayon daw ay hindi pa din natatagpuan
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak na kanyang live-in partner
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Nueva Vizcaya, yung Barangay Captain na maysa demonyo na daw ang pamamalakad, sa panahon pa talaga kung kailan na-extend na nang na-extend ang kanilang panunungkulan
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • yung mga naka-sibilyan lang na pulis Magdalena na binugbog daw yung hinuli nilang lalaki, pero lumalabas na nagkamali sila ng hinuli nilang suspek
  • yung Traffic Enforcer na napatay matapos daw na mapagkamalan na carnapper ng anti-carnapping na pulis Maynila
  • sa Rizal, yung pulis na namaril sa kanyang live-in partner na babae
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pagtumba laban sa radio commentator na si Percy Lapid
  • yung claim ng kapatid ng namatay na middleman na galing daw sa opisina ng Bilibid ang utos sa mga middleman na ipatumba si Percy Lapid
  • yung may mga death threat na din daw na natatanggap ang naiwang pamilya ni Percy Lapid
  • sa social media, yung panibagong death threat laban sa 2 media personalities
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • sa San Pascual, Batangas, yung mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa mga kabataan
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung napasok na ang bayan ng XBB subvariant at maging ng XBC variant ng COVID-19 virus
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa face to face classes, yung mga guro at estudyante na tinatamaan na ng virus ng COVID-19
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Philippine Public Safety College, yung may pinakakasuhan sa kanila dahil sa delayed daw na pagbabayad ng contributions para sa PhilHealth na mula pa daw noong taong 2016
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • yung nasa Php 130 per kilogram lang daw ang bentahan ng pulang sibuyas sa probinsya, pero Php 170 ang suggested retail price ng Department of Agriculture para sa NCR, at nasa Php 150 daw yung mga sibuyas na sila naman mismo ang nagbabagsak sa ilang pamilihan doon, bukod pa sa lagpas sa Php 200 yung bentahan ng mga tindera
  • sa Zamboanga City, yung nasabat na lagpas daw sa 2 tonelada ng puting sibuyas na walang kaukulang mga dokumento
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • sa Nueva Vizcaya, yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung nasa mahigit Php 200 Million daw na halaga ng smuggled na asukal na mula sa Thailand na nasabat ng BOC
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • yung paglalagay ng initials sa ibinibentang asukal ng Sugar Regulatory Administration
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • sa LTO, yung sobrang luma na at wala na sa magandang kondisyon na truck, na nagawa pa ring maiparehistro
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • yung hindi na daw SIM card ang gamit ng mga text scammers at promoters, pero gusto pa din nilang ituloy ang mandatory SIM card registration
  • sa Department of Tourism, yung gustong palitan yung slogan para lang may mailagay sila na initials
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program
  • yung kawalan daw ngayon ng pondo para sa benepisyo ng mga centenarian
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • sa PSA, bukod sa kaso ng mga sobrang delayed na release, eh may mga kaso din daw ng mga faded na National ID, may mga hindi daw nagtatagal
  • ang pagbagsak ng Peso nang lagpas pa sa Php 58 na palitan kontra sa US Dollar 
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Tondo, Manila, yung mga bahay na nabagsakan daw ng mga tubo mula sa ginagawang SLEX at NLEX connector
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • yung sa mga module sa paaralan, yung Bagong Lipunan kung saan itinatago na ang mga detalye tungkol sa kasamaan, kalupitan, at mga pang-aabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung red-tagging laban sa Judge ng Regional Trial Court na tumanggi na i-classify ang mga rebelde bilang mga terorista, may banta pa daw tungkol sa pagpatay
  • yung sa media niya isinisisi ang ginawa niyang pagbabanta sa miyembro ng Judiciary branch
  • yung red-tagging laban sa Benguet Electric Cooperative o BENECO
  • sa Pasay City, yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • sa Masungi Georeserve, yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • sa Tagaytay, yung 16 y/o na lalaki na aksidenteng nabaril ng kaibigan daw niyang security guard dahil sa kanilang pagbibiruan
  • yung basta na lang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalist, para daw mag-check kung may death threat
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • yung hindi daw isasailalim ng PDEA sa drug test yung naarestong anak ng Secretary ng Department of Justice
  • sa Davao del Sur, yung detainee na napatay sa pamamaril sa loob daw mismo ng municipal circuit trial court
  • yung bilanggo sa Quezon City Jail na nagtitinda pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na siya, at talagang palabas pa yung trasnsaction dahil gumagamit pa sila ng mga delivery rider
  • sa PNP custodial center, yung ipinakulong na dating Senador na na-hostage dahil daw sa tangkang pagtakas ng ilang preso
  • yung sumuko na hired killer daw doon sa kaso ni Percy Lapid, kung saan nakakulong daw sa Bilibid ang itinuturong mastermind
  • yung Middleman daw sa naging pagpatay kay Percy Lapid, na nakakulong sa Bilibid, na lumalabas na ilang araw na daw patay
  • yung inembalsamo nga kaagad yung bangkay nung middleman bago isinailalim sa autopsy
  • yung nauna na daw itinanggi na kabilang sa mga bilanggo nila yung middleman, bago nga nila inilabas yung update na namatay na iyon sa loob ng kanilang kulungan
  • yung ayon sa pulis ay case solved na daw yung kaso ni Percy Lapid, samantalang namatayan nga sila ng isang middleman, at hindi pa din natutukoy kung sino ba talaga ang mga mastermind
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung nasayang na naman ang mga ginawang paghahanda ng COMELEC, dahil iuurong na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung Senador na pinag-iinitan ang arbitral ruling at pinapalabas na papel lang iyon, na tutol sa alyansa sa dayuhang bansa, samantalang kaalyado niya ang hindi tumupad sa plano na mag-Jet Ski
  • yung Senador na gustong buwisan nang malaki ang mga foreign movies and TV series
  • yung Senador na gustong ipa-ban ang mga Korean drama sa bayan
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law, pero ipinagtatanggol naman ito ngayon
  • yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa
  • ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law
  • yung Senadora na protektor ng Martial Law
  • yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung Secretary ng Department of Justice na nagsabi na bahagi daw ng demokrasya ang red-tagging gayong ang red-tagging ay pagbibintang na pwedeng magpahamak sa buhay ng mga inaatake nito, bukod pa sa paninira ng pagkatao na idinudulot nito
  • yung anak ng Secretary ng Department of Justice na nahulilan ng Kush
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga social media farm employees na ni wala na sa katungkulan ang sinisisi matapos na manalasa ang mga sakuna
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa Espaรฑa, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Caloocan, yung riot ng mga basurang kabataan sa madaling araw, malapit sa may EDSA Bus Carousel, sa panahon pa rin ng pandemic
  • sa Caloocan pa rin, yung rambulan ng mga kabataan laban sa grupo na galing pa daw sa Malabon
  • sa Cebu City, yung modus daw ng scripted na rambulan kung saan target daw na pagnakawan ang mga makikiusyuso
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung mga ganid na transport group na naghahangad ng surcharge sa pamasahe sa tuwing rush hour daw
  • yung K-Pop artist na siningil daw ng lagpas Php 1,000 ng taxi driver, na nasa 3 beses daw ang laki kumpara sa dapat lang niyang bayaran
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • sa Bataan, yung bata, babae yata iyon, na natapyas ang ilong matapos daw na masakmal ng aso
  • yung lumalabas na may ibang mga magnanakaw ng internet cable na subcontractor pa pala mismo ng telecommunications companies
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung gang ng mga transgender at bakla, na eyeball tapos kidnap for ransom ang modus laban sa mga banyaga, na pinapangparetoke daw yung nakukuhang pera
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Paraรฑaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • yung paglaganap daw ng sexually transmitted diseases sa mga POGO community
  • sa Pampanga, yung nahuli na POGO company na wala namang permit, kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen
  • sa Cainta, Rizal, yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan, na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
-----o0o-----


October 23, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , tadtarin para sa hustisya...


>
yung ayon sa pulis ay case solved na daw yung kaso ni Percy Lapid..
samantalang namatayan nga sila ng isang middleman..
at hindi pa din natutukoy kung sino ba talaga ang mga mastermind...

is feeling , not good...

---o0o---


October 24, 2022...

sa General Trias, Cavite..
yung mag-asawang pinagnakawan ang bahay..
buong vault na yung ninakaw eh...

2 sinibak na pulis at 1 aktibong pulis ang ilan sa mga suspek..
yung mga kakilala lang daw kasing pulis nung biktimang lalaki ang napagsabihan niya tungkol sa 2 niyang baril...

tapos sa bahay pa daw ng isang Konsehal nakita yung ibang mga ninakaw na gamit...

is feeling , mga demonyo talaga...


>
yung nagtalaga ng galing sa PNP para sa posisyon sa Department of Health... ๐Ÿ™

is feeling , wala na 'to...


>
yung inembalsamo nga kaagad yung bangkay nung middleman bago isinailalim sa autopsy... ๐Ÿ™

is feeling , minadali talaga nila ang lahat matapos nilang maglihim...


>
yung claim ng kapatid ng namatay na middleman na galing daw sa opisina ng Bilibid ang utos sa mga middleman na ipatumba si Percy Lapid...

siguro tinatakot nila yung mga nakakulong na ipapa-torjack sa mga bakla ang puwet ng mga ito kung hindi susunod sa kanilang ipinag-uutos...??

is feeling , kamatayan para sa buong sindikato ng kasamaan...


>
yung may mga death threat na din daw na natatanggap ang naiwang pamilya ni Percy Lapid... ๐Ÿ™

is feeling , mukhang ang mensahe nila ay ang huwag na lang alamin kung sino ang mga totoong demonyong makapangyarihang mastermind...

---o0o---


October 25, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area ng Davao del Sur...

is feeling , tama...


>
[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.3 din na lindol..
sa may area ng Eastern Samar...

is feeling , maling lugar na ulit...


>
yung nauna na daw itinanggi na kabilang sa mga bilanggo nila yung middleman..
bago nga nila inilabas yung update na namatay na iyon sa loob ng kanilang kulungan...

is feeling , delaying tactic...??

---o0o---


October 26, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Surigao del Sur...

is feeling , mali na naman...


>
[Natural Calamities]

sa itaas..
malakas na nasa Magnitude 6.4 na lindol..
sa may area ng Abra...

is feeling , malapit...


>
hindi nga nila makumbinsi ang marami na magpa-booster shot eh..
tapos nagluwag na naman sila ng patakaran tungkol sa pagsusuot ng face mask..
hindi na rin mandatory sa indoor... ๐Ÿ™

is ⚠ feeling , mga walang kuwenta talaga...


>
sa Pasig City..
yung 2 pulis at 2 informant na nangikil laban sa isang drug suspect para daw hindi na matuloy ang kaso laban dito...

bukod doon, ay madami na rin daw kaso yung mga involved na pulis...

is feeling , mga demonyo...

---o0o---


October 28, 2022...

sa Rizal..
yung pulis na namaril sa kanyang live-in partner na babae...

is feeling , nasa propesyon...

---o0o---


October 29, 2022...

hindi perwisyo ang bagyo..
unfortunately, sinasalamin nun kung ano ang ginagawa ng sangkatauhan laban sa kalikasan..
ang mga tao ang numero unong banta laban sa mundo...

is feeling , ganti ng kalikasan...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of October 2022 (Trade Eviction)

Loveless Story


October 22, 2022...

ano na, bulok na buhay..?
yung USD 835 ko, below USD 200 na lang ulit..
USD 1,576 pa ang totoong target ko...

t*ng ina..
sa lahat ng pagkakataon na ginusto kong makabawi..
palaging kabaliktaran lang ang napapala ko..
sa tuwing nag-i-invest ako, bumabagsak ang market..
t*ng ina..
halatang-halata na kayo FATE..
buking na buking na ang kademonyohan ninyo laban sa akin dahil sa Binance...

gusto ko nang umalis mula doon sa basurang game..
maalin sa mag-pump naman yung asset ko..
o makapag-craft ako ng libong dolyar na equipment..
o ang manalo ako bukas sa Lottery...

is feeling , tama-tama na ang kademonyohan ninyo laban sa akin...

---o0o---


October 25, 2022...

heartbreaking..
mukhang nadali ng bagong policy ng Japan ang R18..
yung policy na nagli-limit sa mga projects na pwedeng gawin o i-release ng mga babae sa loob ng isang buwan..
ang best centralized source ng mga Japanese Adult Videos, na may bonus pang English translation ng mga title, na nakatutulong para maintindihan ang tema nung video...

inakala ko na magagawa pa nilang makabawi..
pero tuluyan na silang magsasara next year... ๐Ÿ™

is ๐Ÿ’” feeling , ang pagkawasak ng centralization...

---o0o---


October 26, 2022...

[Medical Condition]

waxy material..
na parang nabubulok na sa loob ng katawan ko..
nawawasak siya, kaya imposibleng mahila palabas...

nilikha ako para maging abnormal lang.. ๐Ÿ™
kasumpa-sumpa at hindi katanggap-tanggap...

is ๐Ÿ’€ feeling , nakakaruming existence 'to...


>
para akong nasa isang dehadong karera..
nakikipag-unahan para lang makumpleto ang mga karanasan sa buhay..
habang nabubulok na ang aking katawan..
at habang nababaon din sa kamasalan ang finances at pati na rin ang buong pagkatao ko... ๐Ÿ™

is ๐Ÿ’€ feeling , perpektong pagkawasak...

---o0o---


October 28, 2022...

[Gadget-Related]

anak ng..
2 power interruption na kaagad ang sinalo ng UPS ko ngayong araw...

at talagang naka-3 pa bago matapos ang gabi... ๐Ÿ™

is feeling , wasakan talaga ang gusto ninyo ha...??

-----o0o-----


magkano na naman kaya ang napakawalan kong potensyal na kita sa nagdaang linggo na ito..?
umaabot sa USD 340 ang napakawalan ko na masasayang pagkakataon...

---o0o---


October 23, 2022...

[Trade]

nagpalugi na ako ng USD 8..
para makalipat sa asset na may savings..
kung maghihintay din lang ako nang matagal na panahon, edi doon na lang kung saan may patubo...

kailangan ko ngayong umasa na makakabalik pa sa USD 0.60 na palitan yung asset..
kailangan ko nung kakayahan na magising sa isang umaga na mataas na ang palitan...

yung PLA na-stuck na..
samantalang yung JOE eh nag-pump na ulit nang mabilisan lang..
23% recovery..
o USD 46 sana para sa akin...

is feeling , walang maling desisyon.. pero ginagawa lang ng kamalasan na mali ang lahat ng ginagawa ko.. kamatayan lang ang tanging kalayaan laban sa kamalasan...

---o0o---


October 24, 2022...

[Trade]

sakitan serye pa rin... ๐Ÿ™

VIDT..
21% recovery..
o USD 41 sana para sa akin...

LIT..
16%..
o USD 31...

mga assets 'to na ilang beses nang naka-recover nitong mga nakaraang araw..
pero nauulit at nauulit pa rin nila...

is feeling , lagi na lang akong mali...


>
[Trade]

heart and purse breaking.. ๐Ÿ™
nag-pump ang Bitcoin kaninang umaga..
at sumabay naman ang GMT..
kaso hindi ko in-expect na bababa lang ulit kaagad ang Bitcoin..
ang problema..?
pagbaba ng Bitcoin eh mas malaki ang kasabay na pagbaba naman ng GMT..
tipong nasa kalahati pa lang ang naiaatras ng Bitcoin, pero yung GMT eh lagpas pa yung ibinaba kumpara sa pinanggalingan niyang palitan...

lugi na naman tuloy ako.. ๐Ÿ™
sayang yung USD 4 na patubo sana, lalo't nagsakripisyo ako ng USD 8 para lang makalipat sa GMT..
sayang din yung dagdag sana na 17 GMT mula sa mas mababang entry point...

is feeling , paulit-ulit na lang...

---o0o---


October 25, 2022...

[Trade]

ang saklap..
ngayon, ang lakas ng hila ng Bitcoin laban sa GMT..
samantalang mahina na lang para sa JOE at PLA, kung kailan wala na ako sa kanila..
tapos may galaw pa na pataas ang Bitcoin pero sa pabagsak naman ang GMT... ๐Ÿ™

ngayong araw, nag-pump na rin ang PLA kung kailan wala na ako sa kanila..
nasa 12% recovery..
o USD 23 sana para sa akin... ๐Ÿ™

ibig lang sabihin na kamalasan ko talaga ang nagho-hold noon sa PLA..
ang parehas na matinding level ng kamalasan na mas humihila naman ngayon sa GMT pababa sa impiyerno... ๐Ÿ™

is feeling , hindi Bitcoin ang problema, kundi ang napakalakas na taglay kong kamalasan.. gusto nilang sumuko ako sa depression, at patayin na lang ang sarili ko...


>
[Game]

nanlumo din..
after ng ilang araw ng preparasyon ko para sa araw na 'to...

nagtapon ako ng 850 total ng SLP sa Crafting..
nasa halos Php 162 na din iyon..
umasa kasi ako na baka naman makakagawa ako ng Rune o Charm na maibebenta ko nang mahal..
kahit Php 5,000 man lamang..
pero nagsayang nga lang ako... ๐Ÿ™

out of 5 items, eh 1 lang ang magagamit ng team ko..
wala ding halaga yung Rune dahil dikit lang sa USD 3 ang bentahan..
sobrang basura lang talaga ng nangyari..
hindi na ako uulit sa pagsasayang ng SLP...

sa ngayon, titigil na muna ako sa paglalaro..
parking muna sa safe na zone..
iwas sa negative vibe na idinudulot nung game..
kung tama ang observation ko sa ranking this season, eh hindi na ganun kalaki ang paggalaw niya sa bawat araw..
kailangan ko lang manatili sa top 20,000..
hopefully eh makakuha naman ng lowest prize sa ranking para sa Halloween nang makatikim naman ng konting AXS...

is feeling , walang lunas ang kamalasan ko pagdating sa lahat ng bagay...

---o0o---


October 26, 2022...

[Game]

nasa 349 lang ang iginalaw ng ranking, at for more than 24 hours na yun..
mas mabagal kumpara sa 1000 plus na paggalaw dati..
ibig sabihin, may 1745 akong allowance para sa natitirang 5 days..
nasa 477 naman ang matitira kong palugit after, at lagpas pa 'yon kumpara sa isang araw na galawan ng ranking...

sana nga kayanin..
para sa Halloween..
para sa gapurat na AXS..
kailangan ko lang manatili sa top 20,000...

is feeling , last less than 5 days...

---o0o---


October 27, 2022...

[Trade]

nag-pump ang GMT..
dahil sa pagtaas ng trading volume niya..
kaso kinapos..
hanggang USD 0.55 lang ang inabot...

paggising ko kanina, nasa USD 0.53 na lang yung inabutan ko na palitan..
tapos mula noon eh minalas na naman ako..
as usual, kada declare ko ng selling price, eh lalo namang bumababa ang palitan..
bad timing din sa pag-pump niya, dahil pababa na ang Bitcoin after that, kaya nakontra din lang ang effort ng GMT..
naiwan tuloy ako sa GMT..
ang problema nito eh kapag yun na yung highest pump niya sa ngayon..
mangangahulugan 'yon na mai-stuck na naman ako sa GMT sa loob ng mahabang panahon...

kung nasakyan ko lang sana yung mas malaking growth ng GMT..
20% recovery din iyon..
o USD 39 sana para sa akin...

is feeling , isa pa sanang pump.. hanggang USD 0.60...

---o0o---


October 29, 2022...

[Trade]

umangat na ulit ang JOE..
33% pump..
o USD 64 sana para sa akin...

VIDT din..
18% increase..
o USD 37 sana para sa akin...

is feeling , magaling lang ako sa pagsablay...


>
[Trade]

dahil may naabot na peak ang GMT, nag-decide ako na mag-exit na muna..
USD 13 lang ang itinubo ko..
eh nagpatalo ako dati ng USD 7 para maka-exit mula sa PLA..
so lumalabas na nasa USD 6 lang ang kinita ko...

tapos sumablay na naman ako..
nag-dip ang Bitcoin at nahila niya ang GMT nang mas mababa pa kesa sa huli kong entry point..
pero dahil sa put*ng inang power interruption, eh na-miss ko yung lowest point niya..
ang ending..?
isang umaga na maganda ang palitan..
11% recovery para sa GMT..
o USD 24 sana para sa akin..
yung target ko sa USD 0.60 na palitan, dapat na-meet ko na gamit yung double pump ng GMT..
pero paulit-ulit akong sumasablay dahil sa kamalasan na dala-dala ng Reverse Midas ko... ๐Ÿ™

is feeling , put*ng inang brownout yan.. gusto na ngang wasakin ang UPS ko, sabotahe pa para sa trading ko...


>
[Trade]

t*ng ina..
nagtagumpay ang kamalasan na mapatalsik ako palabas sa trading..
at ngayon, patuloy sa pag-angat ang GMT...

umangat na rin ulit ang LIT..
17% increase hanggang ngayong hapon..
o USD 35 sana para sa akin...

is feeling , wala.. sa tulong ng brownout kagabi, umangat na silang lahat, habang naiwan ako sa impiyerno...


Saturday, October 22, 2022

Prison & Education Manipulation

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is ๐Ÿ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is ๐Ÿ’€ feeling , day 833...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (245 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung wala pang Health Secretary hanggang sa ngayon, pero panay nag-aayawan na yung iba
  • yung kawalan daw ng itinatalaga para sa Marawi Compensation Board, kahit lagpas 100 araw na
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe daw sa Singapore at nanood ng F1 Grand Prix
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung imbentong ideya ng Asia's fastest rising star
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • yung required na ang SIM card registration, na may time limit pa, na parang hindi nila alam kung gaano katagal bago makausap ang mga service provider
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Bato, Camarines Sur, yung dating policewoman na naaresto sa isinagawang illegal drugs buy-bust operation ng PNP at PDEA
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Maynila, yung nasamsam na nasa Php 6.7 Billion daw na halaga ng shabu sa buy-bust operation, kung saan isang intel officer daw ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang naaresto
  • sa Camarines Sur yata iyon, yung may nakitang ilegal na droga at iba pang mga kontrabando sa sasakyan daw ng BJMP
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Tagum City, Davao del Norte, yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping
  • sa Balayan, Batangas, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa kasong robbery-extortion, nanghihingi daw kasi ng lingguhang payola para sa operasyon ng loteng
  • yung 8 pulis na inireklamo daw dahil sa pagdukot at pangingikil laban sa 3 suspected scammers
  • yung pinakakasuhan ng NBI na hepe ng NCRPO at 12 pulis, dahil daw sa pagdukot at pag-detain sa 4 na drug suspect, na hanggang ngayon daw ay hindi pa din natatagpuan
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak na kanyang live-in partner
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Nueva Vizcaya, yung Barangay Captain na maysa demonyo na daw ang pamamalakad, sa panahon pa talaga kung kailan na-extend na nang na-extend ang kanilang panunungkulan
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • yung mga naka-sibilyan lang na pulis Magdalena na binugbog daw yung hinuli nilang lalaki, pero lumalabas na nagkamali sila ng hinuli nilang suspek
  • yung Traffic Enforcer na napatay matapos daw na mapagkamalan na carnapper ng anti-carnapping na pulis Maynila
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pagtumba laban sa radio commentator na si Percy Lapid
  • sa social media, yung panibagong death threat laban sa 2 media personalities
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • sa San Pascual, Batangas, yung mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa mga kabataan
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung napasok na ang bayan ng XBB subvariant at maging ng XBC variant ng COVID-19 virus
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa face to face classes, yung mga guro at estudyante na tinatamaan na ng virus ng COVID-19
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Philippine Public Safety College, yung may pinakakasuhan sa kanila dahil sa delayed daw na pagbabayad ng contributions para sa PhilHealth na mula pa daw noong taong 2016
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • yung nasa Php 130 per kilogram lang daw ang bentahan ng pulang sibuyas sa probinsya, pero Php 170 ang suggested retail price ng Department of Agriculture para sa NCR, at nasa Php 150 daw yung mga sibuyas na sila naman mismo ang nagbabagsak sa ilang pamilihan doon, bukod pa sa lagpas sa Php 200 yung bentahan ng mga tindera
  • sa Zamboanga City, yung nasabat na lagpas daw sa 2 tonelada ng puting sibuyas na walang kaukulang mga dokumento
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • sa Nueva Vizcaya, yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung nasa mahigit Php 200 Million daw na halaga ng smuggled na asukal na mula sa Thailand na nasabat ng BOC
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • yung paglalagay ng initials sa ibinibentang asukal ng Sugar Regulatory Administration
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • sa LTO, yung sobrang luma na at wala na sa magandang kondisyon na truck, na nagawa pa ring maiparehistro
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • yung hindi na daw SIM card ang gamit ng mga text scammers at promoters, pero gusto pa din nilang ituloy ang mandatory SIM card registration
  • sa Department of Tourism, yung gustong palitan yung slogan para lang may mailagay sila na initials
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program
  • yung kawalan daw ngayon ng pondo para sa benepisyo ng mga centenarian
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • sa PSA, bukod sa kaso ng mga sobrang delayed na release, eh may mga kaso din daw ng mga faded na National ID, may mga hindi daw nagtatagal
  • ang pagbagsak ng Peso nang lagpas pa sa Php 58 na palitan kontra sa US Dollar 
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Tondo, Manila, yung mga bahay na nabagsakan daw ng mga tubo mula sa ginagawang SLEX at NLEX connector
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • yung sa mga module sa paaralan, yung Bagong Lipunan kung saan itinatago na ang mga detalye tungkol sa kasamaan, kalupitan, at mga pang-aabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung red-tagging laban sa Judge ng Regional Trial Court na tumanggi na i-classify ang mga rebelde bilang mga terorista, may banta pa daw tungkol sa pagpatay
  • yung sa media niya isinisisi ang ginawa niyang pagbabanta sa miyembro ng Judiciary branch
  • yung red-tagging laban sa Benguet Electric Cooperative o BENECO
  • sa Pasay City, yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • sa Masungi Georeserve, yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • sa Tagaytay, yung 16 y/o na lalaki na aksidenteng nabaril ng kaibigan daw niyang security guard dahil sa kanilang pagbibiruan
  • yung basta na lang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalist, para daw mag-check kung may death threat
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • yung hindi daw isasailalim ng PDEA sa drug test yung naarestong anak ng Secretary ng Department of Justice
  • sa Davao del Sur, yung detainee na napatay sa pamamaril sa loob daw mismo ng municipal circuit trial court
  • yung bilanggo sa Quezon City Jail na nagtitinda pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na siya, at talagang palabas pa yung trasnsaction dahil gumagamit pa sila ng mga delivery rider
  • sa PNP custodial center, yung ipinakulong na dating Senador na na-hostage dahil daw sa tangkang pagtakas ng ilang preso
  • yung sumuko na hired killer daw doon sa kaso ni Percy Lapid, kung saan nakakulong daw sa Bilibid ang itinuturong mastermind
  • yung Middleman daw sa naging pagpatay kay Percy Lapid, na nakakulong sa Bilibid, na lumalabas na ilang araw na daw patay
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung nasayang na naman ang mga ginawang paghahanda ng COMELEC, dahil iuurong na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung Senador na pinag-iinitan ang arbitral ruling at pinapalabas na papel lang iyon, na tutol sa alyansa sa dayuhang bansa, samantalang kaalyado niya ang hindi tumupad sa plano na mag-Jet Ski
  • yung Senador na gustong buwisan nang malaki ang mga foreign movies and TV series
  • yung Senador na gustong ipa-ban ang mga Korean drama sa bayan
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law, pero ipinagtatanggol naman ito ngayon
  • yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa
  • ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law
  • yung Senadora na protektor ng Martial Law
  • yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung Secretary ng Department of Justice na nagsabi na bahagi daw ng demokrasya ang red-tagging gayong ang red-tagging ay pagbibintang na pwedeng magpahamak sa buhay ng mga inaatake nito, bukod pa sa paninira ng pagkatao na idinudulot nito
  • yung anak ng Secretary ng Department of Justice na nahulilan ng Kush
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga social media farm employees na ni wala na sa katungkulan ang sinisisi matapos na manalasa ang mga sakuna
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa Espaรฑa, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Caloocan, yung riot ng mga basurang kabataan sa madaling araw, malapit sa may EDSA Bus Carousel, sa panahon pa rin ng pandemic
  • sa Caloocan pa rin, yung rambulan ng mga kabataan laban sa grupo na galing pa daw sa Malabon
  • sa Cebu City, yung modus daw ng scripted na rambulan kung saan target daw na pagnakawan ang mga makikiusyuso
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung mga ganid na transport group na naghahangad ng surcharge sa pamasahe sa tuwing rush hour daw
  • yung K-Pop artist na siningil daw ng lagpas Php 1,000 ng taxi driver, na nasa 3 beses daw ang laki kumpara sa dapat lang niyang bayaran
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • sa Bataan, yung bata, babae yata iyon, na natapyas ang ilong matapos daw na masakmal ng aso
  • yung lumalabas na may ibang mga magnanakaw ng internet cable na subcontractor pa pala mismo ng telecommunications companies
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung gang ng mga transgender at bakla, na eyeball tapos kidnap for ransom ang modus laban sa mga banyaga, na pinapangparetoke daw yung nakukuhang pera
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Paraรฑaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • yung paglaganap daw ng sexually transmitted diseases sa mga POGO community
  • sa Pampanga, yung nahuli na POGO company na wala namang permit, kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen
  • sa Cainta, Rizal, yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan, na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
-----o0o-----


October 15, 2022...

sa Cebu City..
yung modus daw ng scripted na rambulan..
kung saan target daw na pagnakawan ang mga makikiusyuso...

is feeling , grabe.. sobrang malikhain talaga...

---o0o---


October 16, 2022...

yung basta na lang pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga journalist..
para daw mag-check kung may death threat...

hindi maganda 'yon..
lalo at hindi naka-uniform..
sa isang lipunan kung saan hindi na batid kung sino ang totoong mga kalaban..
mas maige pa na maghintay na lang sila ng sumbong...

is feeling , kung malinis ang sistema, baka pa pwedeng mapagkatiwalaan...

---o0o---


October 17, 2022...

sa Nueva Vizcaya..
yung Barangay Captain na maysa demonyo na daw ang pamamalakad..
madami na daw kaso ng pangmamaltrato eh...

is feeling , at na-extend pa talaga ang panunungkulan ng mga kagaya niya...


>
yung nasa mahigit Php 200 Million daw na halaga ng smuggled na asukal na mula sa Thailand na nasabat ng BOC...

is feeling , lagot na naman...


>
yung kawalan daw ng itinatalaga para sa Marawi Compensation Board...

is feeling , ang dami pang bakante.. lagpas 100 days na...

---o0o---


October 18, 2022...

yung napasok na ang bayan ng XBB subvariant at maging ng XBC variant ng COVID-19 virus.. ๐Ÿ™
matagal na pala, noong August at September pa daw...

is feeling , ilabas na ang Omega...


>
sa Caloocan pa rin..
yung rambulan ng mga kabataan laban sa grupo na galing pa daw sa Malabon..
nagbabatuhan ng bote sa madaling araw, kahit pa may dumadaan na mga sasakyan sa kalsada...

is feeling , patayin na lang ang mga basurang kabataan.. para makabawas-bawas sa Global Warming...


>
yung hindi daw isasailalim ng PDEA sa drug test yung naarestong anak ng Secretary ng Department of Justice...

is feeling , lagot na.. to serve and protect who...??


>
yung mga basurang transport group na naghahangad ng surcharge sa pamasahe sa tuwing rush hour daw..
mga tanga kayo..
yung labis-labis na buwis sa petrolyo ang pag-initan ninyo..
hindi kaming mga pasahero na walang makukuhang increase...

is feeling , dati pa kayo.. mga kasabwat ng mga nagpapahirap sa bayan...


>
yung sumuko na hired killer daw doon sa kaso ni Percy Lapid..
kung saan nakakulong daw sa Bilibid ang itinuturong mastermind...

dati mga witness..
ngayon naman eh mastermind..
ang daming alam ng mga preso sa bayan na 'to... ๐Ÿ™

is feeling , mga kriminal ba ang may kontrol sa bayan na 'to...??


>
yung paglalagay ng initials sa ibinibentang asukal ng Sugar Regulatory Administration... ๐Ÿ™

is feeling , tinatatakan nila ang lahat.. samantalang sila ang mga promotor ng paghihirap na 'to...

---o0o---


October 19, 2022...

sa San Pascual, Batangas..
yung mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD)...

is ⚠ feeling , anak ng...


>
[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.4 na lindol..
sa area ng Davao del Sur...

is feeling , puppet areas...


>
sa Tagaytay..
yung 16 y/o na lalaki na aksidenteng nabaril ng kaibigan daw niyang security guard dahil sa kanilang pagbibiruan...

is feeling , hindi pwedeng gawing biro ang mga baril...

---o0o---


October 20, 2022...

yung sa mga module sa paaralan..
yung Bagong Lipunan kung saan itinatago na ang mga detalye tungkol sa kasamaan, kalupitan, at mga pang-aabuso sa panahon ng Martial Law... ๐Ÿ™

is ⚠ feeling , ginapang na ang sistema ng edukasyon...


>
yung pinakakasuhan ng NBI na hepe ng NCRPO at 12 pulis..
dahil daw sa pagdukot at pag-detain sa 4 na drug suspect..
na hanggang ngayon daw ay hindi pa din natatagpuan...

is feeling , magic...


>
yung Middleman daw sa naging pagpatay kay Percy Lapid..
na nakakulong sa Bilibid..
na lumalabas na ilang araw na daw patay...

put*ng ina, niluto na nila ang kaso ni Percy Lapid... ๐Ÿ™

panibagong kaso na gaya ng kina Ninoy Aquino..
kagaya din ng nangyari sa mga criminal witness, ginawang mga witness, tapos mga namatay habang nakakulong...

is feeling , mga demonyo kayo, mamatay na sana ang buong alyansa ng kasamaan...


>
mag-ingat na lahat ng mga bumabatikos laban sa kasamaan..
mukhang ganito na ang bago nilang estilo sa panahon ngayon ng bagong diyos ng kasamaan..
ang bagong format..
papatayin nila lahat ng mga hindi kaalyado..
ituturong pasimuno ang mga nakakulong..
tapos saka mala-himalang mamamatay ang mga nakakulong pagkatapos ng modus nila...

is ⚠ feeling , prison manipulation...

---o0o---


October 21, 2022...

yung bilanggo sa Quezon City Jail na nagtitinda pa rin ng ilegal na droga kahit nakakulong na siya..
at talagang palabas pa yung trasnsaction dahil gumagamit pa sila ng mga delivery rider...

is feeling , ingenious...