Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (October 17, 2013 - Counter-Ambush Team)

October 14, 2013...

mukhang nakapag-defense na sila ng mga classmates niya..
i don't know when..
pero hindi kaya noong Sunday, kung kaya't naka-long sleeves siya noong umuwi sila noon..?

well i hope everything turns out good for her..
both sa school at sa training niya..
mukhang maganda yung pangarap nung bata eh..
kaya siyempre, gusto kong maging successful siya sa career at sa buhay niya..
kahit pa hindi naman ako magiging parte na nun kahit na kelan...

5:03 AM siya umalis sa kanila..
sakto lang yun sa gising ko kaya hindi ko na naman nagawa yung balak kong gawin..
at 8:05 PM na siya nakauwi..
mukhang sa PAL na ulit siya nanggaling base sa ganung klase ng schedule...

end of Day 14...

---o0o---


October 15, 2013..
holiday nga dahil sa isang event sa isang klase ng relihiyon...

paggising ko ng 5:00 AM hanggang umabot na ng 5:30, eh nakampante naman ako..
kasi mukhang hindi umalis yung Espasol..
mabuti naman at kahit na papaano eh may rest day siya..
na nae-enjoy niya naman ang holiday..
at least nakakabawi siya ng tulog kahit na konti lang...

pagdating ng 8:40 AM eh umalis na din siya..
naka-casual lang..
hindi ko tuloy alam kung pasaan siya this time..
hindi kaya sa date..? T,T
o sa school pa rin..?
hindi ko din alam kung bumalik pa siya before lunch o ano...

12:45 NN eh lumabas na yung SUV nila..
kaso iniharang nila yun sa view ng gate nila, kaya hindi ko na tuloy na-detect kung sinu-sino ang mga nagsisakayan dun..
siguro dahil umaambon noon, kaya inilapit na lang nila yung auto sa may gate..
pero pagkalabas nga nung SUV eh may nag-lock nung gate mula sa loob ng bakuran nila..
naisip ko tuloy na may maiiwan na tao sa bahay nila..
medyo sigurado ako na hindi yun si Half-sister-in-law dahil isa siya sa mga naunang sumakay eh..
hindi rin yun si Tatay-in-law o si Stepmom-in-law dahil parehas ko silang nakitang nakabihis noong medyo maaga pa..
kaso nagtaka ako sa mga sumunod na nangyari..
hindi kasi umalis yung SUV nila kahit na nakasara na yung gate..
tas parang bumubusina pa 'to from time to time..
na parang may hinihintay pa ito..
by 12:54 NN eh may lumabas na ulit na tao mula sa poder nila..
at isinara na nito yung gate mula na sa labas..
bale 9 minutes rin yung itinagal nung paghihintay na yun..
pero hindi pa rin sila umalis after that..
tas parang bumubusina ulit paminsan-minsan..
hanggang sa umabot na ng mga bandang 1:08 PM..
biglang may tumawag mula sa may gate namin..
may kliyente pala ako, tas nagkusa na rin yung tao na yun na pumasok ng gate namin..
paglabas ko ng screen na pinto ng bahay namin eh kita kong andun pa rin naman sa tapat yung SUV ng pamilya nung Espasol..
tas maya-maya eh may huminto sa tapat ng bakuran nila na truck..
na yun pala ay kasamahan nung kliyente ko..
mga ilang minuto ko ring inasikaso yung kliyente ko..
at nang mga oras na iyon ay parang wala namang lumabas na sa bahay ng pangarap kong babae..
tas noong pagpasok ko ng bahay para kumuha ng panukli dun sa tao eh nalungkot naman ako na nasalisihan na pala ulit ako ng pag-alis nung pamilya nung Espasol..
kung ibabase ko dun sa 1:08 PM na oras, eh lalabas na 23 minutes ang ipinaghintay nung SUV nila bago ito tuluyang lumarga..
pero bakit kaya..?
hinintay pa kaya nilang makauwi yung Espasol para isama 'to sa lakad nila...?

---o0o---


hapon na...

by 5:25 PM eh mag-isang umuwi ang Espasol ko..
so i guess hindi nga siya sumama sa family niya noong tanghali...

by 5:35 PM eh lumabas siya ng bahay..
inilapat niya yung gate nila..
tas dumiretso na siya dun sa direksyon nung pinagseselosan kong tindahan..
nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa bahay, habang nanonood ng balita..
at hinihintay ko nga siyang pumasok nang muli sa kanila...

by 5:50 PM, bale 15 minutes na ang nakalipas noon..
eh nagtaka na ako na hindi pa nga ulit tumutunog yung gate nila..
kaya i decided na sundan na siya doon sa tindahan..
basta naisip ko na lang na kailangan kong malaman kung ano nga ba ang ginagawa niya dun..?
o kung andun nga ba yung luckiest guy on Earth niya..?
basta na lang ako kumuha ng pera at nag-isip kung anong pwede kong bilhin bilang alibi...

unfortunately..
pagdating ko dun sa tindahan, eh wala naman pala siya dun..
palingon-lingon ako dun sa may playground, sa may chapel, sa may basketball court..
hoping na mai-spot-an ko yung tambayan niya..
pero hindi ko siya nakita eh...

dahil dun eh mas nabagabag tuloy ang isip ko..
i was wondering kung saan nga ba siya nagpunta..
makailang beses rin akong nagpalabas-labas ng bahay namin, hoping na makikita ko siyang pauwi na..
pero wala eh..
may mga naririnig akong gumagalaw sa loob ng bakuran nila..
but i couldn't tell if it's her dahil hindi naman nagbubukas yung ilaw ng garahe nila..
kung anu-ano na tuloy additional assumptions ang pumasok sa utak ko..
na baka naman pinatuloy na siya sa bahay noong may-ari nung tindahan..
o baka naman tumambay siya doon sa mas malayo pang tindahan..
na baka kasama na nga niya sa mga oras na yun at nag-uusap na sila nung luckiest guy on Earth niya kung saan man doon sa bandang loob ng subdivision...

ilang oras pa ang lumipas..
hanggang sa dumilim na ang paligid..
hindi ko maiwasang isipin kung ano na ba ang ginagawa niya noong mga oras na yun..
gusto kong isipin noon na, ala, malabo namang mag-stay pa yun sa labas nang ganung kadilim na..
gusto kong isipin na, mas nanaisin niyang makapagpahinga nang maaga dahil may pasok na ulit siya kinabukasan..
gusto kong isipin na, sana nasalisihan lang niya ako..
na kanina pa siya nakauwi between 5:35 to 5:50 PM..
na siya nga yung naririnig kong gumagalaw sa loob ng poder nila..
sabi ko sa sarili ko, na sana buksan na niya yung ilaw ng garahe nila para lang ma-confirm ko na nasa bahay na nga siya at mali lang yung mga hinala ko..
sabi ko pa eh, if she's already there - then sasabayan ko talaga siya bukas pagpasok niya..
but if she's still outside noong mga oras na yun - then wala na akong magagawa laban sa luckiest guy on Earth niya..
pero wala talagang nangyari...

hanggang sa dumating na ang mga panggulo dito sa bahay..
as usual, andun yung biological demon sperm donor ko na regular nang bantay sa perimeter ng mga bintana namin..
tas dumating din yung nakatatanda kong biological brother para mag-laptop..
kaya pinaalis niya ako dun sa recon spot ko..
by 9:19 PM eh dumating na sa wakas yung SUV nila..
gusto ko sanang malaman at makita kung siya ba yung magbubukas ng gate nila..
o kung pagbubuksan ba niya man lang ng ilaw yung mga kapamilya niya..
pero nasa likod ko lang noon yung biological mother ko na may kausap sa cellphone..
na kundangan namang dun pa talaga tumambay kung saan makikita niya ako..
kaya hindi man lang tuloy ako nakapamboso sa bintana ng kuwarto ko...

that time eh sumuko na ako..
hindi ko kasi made-detect yung Espasol sa ganung karami ng mga basag-trip..
at dahil late na rin noon..
eh naisipan kong matulog na lang para maghanda sa kinabukasan..
habang hinihiling na sana nga eh kanina pang nakauwi sa kanila yung Espasol ko...

nakakaasar..
napaka-kritikal pa naman na panahon yun para sa observation ko..
pero kung kailan kailangang-kailangan kong gawin yun..
eh saka naman ako bantay-sarado ng mga pesteng tao dito sa bahay...

fatal end for Day 15...
[ feeling ano ga 'to - Romeo & Juliet...? ]

---o0o---


October 16, 2013...

so sila-sila rin nga palang magkakaklase ang magkakasama kahapon..
kahit na bakasyon naman dapat..
mukhang busy pa rin sila sa mga huling requirements nila sa school...

well, at least sigurado na ako na hindi date yung pinuntahan ng Espasol ko...

good luck na lang, mga bagets...

---o0o---


agang-aga - eh badtrip...

bale, plano ko nga today na ihatid palabas ng subdivision yung Espasol..
parang gaya lang nung ini-reveal ko ng game plan kamakailan..
pero bilang Hari ng Sablay..
eh siyempre, andami na namang pumalpak para sa akin sa araw na 'to...

mga 3:00 AM pasado pa lang eh napansin ko na yung unang butas sa plano ko..
noong nagising kasi ako ng oras na yun..
eh napansin kong sa ilalim pala ng higaan kong double-deck natulog yung biological mother ko..
at kasalanan yun ng biological demon brother ko..
dahil sa slavery at tratong piggy-bank eh iniiwasan na tuloy siya ng nanay niya..
at hindi talaga yun maganda para sa mga balak ko..
pero inisip ko na lang na baka naman malusutan ko rin siya kung iingatan ko ang pagkilos ko...

tapos..
sometime earlier than 4:40 AM (ito ang alarm time ko)..
nagising na ako dahil biglang nagtunugan yung dalawang cellphone ng biological demon brother ko..
kinabahan tuloy ako dahil naisip ko na mukhang maaga ang lakad niya ngayong Wednesday..
na posibleng sumapaw sa plano ko...

by 4:40 AM eh bumangon na ako..
nagbihis at nag-toothbrush..
pero noong saktong naghihiso na ako eh bumangon na rin nga ang biological demon brother ko..
naligo siya nang maaga..
habang naliligo yung ungas eh naisip ko na baka naman may tsansa pa rin akong malusutan sila..
pero dahil sa sobrang ingay niyang pakanta-kanta sa banyo eh naging dahilan yun para bumangon na rin ang biological mother ko..
since gising na rin halos silang lahat, eh wala na naman akong natirang privacy..
tuluyan na akong lumabas ng bahay para magbukas ng gate (na parte sana ng script)..
yun na sana yung huli kong sugal para masabayan ko yung crush ko..
pero wala pa rin noon ang hinihintay kong Espasol...

that time eh sumuko na ako sa plano ko..
nagbukas na ako ng computer para simulan ang daily routine ko..
by 5:14 AM eh tumigil na sa tapat ng bahay namin yung magpa-pandesal..
nag-potpot siya at bumati na rin sa amin (na madalas niyang gawin)..
kasabay noon eh narinig kong kumilos na rin palabas ng bakuran nila yung Espasol..
halos kaparehas rin 'to ng oras ng alis niya noong Wednesday last week..
nag-isip akong muli kung kaya ko pa bang sabayan siya noon..
pero dahil nakabangon na nga ang biological mother ko..
eh kinuha niya sa akin ang pera at siya na daw ang bibili ng tinapay..
hanggang sa wala na nga akong nagawa kundi ang pakinggan na lang na makaalis nang tuluyan yung babaeng nagpapagulo sa isip ko...

mga buwiset talaga kayong lahat..
2nd fail ko na 'to sa attempt ko ah..
bakit ba pakiramdam ko na sobrang kontra talaga kayong lahat sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko..?
halos paubos na ang October ko, pero sinisira nyo pa rin ang mga balak ko..
Thursday na ulit bukas eh..
eh nung last Thursday eh hindi ko naman siya naorasan..
paano kaya yan..?
[ feeling sa sobrang paghihirap ng kalooban eh wala nang alam na gamitin kundi ang 'broken hearted' na emoticon... ]

---o0o---


ayokong basta na lang pakawalan ang babaeng pinaka-gusto ko sa ngayon..
pero bakit hindi talaga umaayon sa akin ang pagkakataon at puros palpak ang ginagawa ko...?
[ feeling me against the world...? ]

---o0o---


she got home by 8:08 PM..
mabuti na lang at tila na noon ang ulan..
and that's it..
end of Day 16...

---o0o---


October 17, 2013..
ang kinakatakutan kong Thursday...

gaya kahapon..
sira na naman kaagad ang araw ko..
woke up around 3:00 AM plus dahil sa lamig ng panahon..
hindi pa rin tinatabihang muli ng biological mother ko yung anak niyang PRO- sa slavery..
i tried to sleep again para may sapat na energy for 4:40 AM..
pero ano..?

anak ng puta..
4:00 AM pa lang eh nag-iingay na yung dalawang cellphone na ginagamit na pang-alarm ng biological demon brother ko..
agang-agang mag-alarm pero hindi rin naman nagising, naghintay pa hanggang 5:00 AM bago bumangon..
ayun, hindi na tuloy ako nakatulog nang ayos..
kaya inabangan ko na nga lang yung crush na crush kong kolehiyala...

dumaan nga ang 5:00 AM pero hindi pa rin kumikilos ang Espasol..
pagbangon ng biological demon brother ko eh no choice na ako kundi buksan na yung gate namin..
lampas 5:15 AM na noong dumaan yung naglalako ng pandesal..
ako na rin yung kumuha nun, habang nagbabakasakali na makakasabay ulit nun yung paglabas ng bahay nung bata..
pero wala talaga eh..
3rd fail...

i guess hindi pa nga PAL-day ang Thursday niya sa ngayon..
hindi ko pa din sigurado, pero mukhang pang-school-day ang Thursday at Friday nung Espasol ko..
kaya hindi na muna ulit ako kikilos bukas..
hihintayin ko na lang ulit ang Monday, at aasa na kaparehas pa rin ng sa mga nagdaang linggo ang gagamitin niyang schedule...

pero paano nga kaya sa 2nd Semester...?
[ feeling parati na lang naghihintay sa WALA ]

---o0o---


i'm not so sure dahil hindi ko naman siya nakita..
pero base sa activities niya eh..
mukhang 11:25 NN siya umalis ng bahay ngayong araw...

tapos 8:17 PM na siya nakauwi sa kanila noong gabi..
mataas ang consistency pagdating sa schedule niya lately...

end of Day 17...

---o0o---


heto naman ang isang medyo luma nang music video..
na kung saan relate na relate din ako.. T,T
Foolish Heart by Nina..
pasalamatan na kung sinu-sino man ang mga nararapat na pasalamatan...



foolish heart..
don't be WRONG anymore... T,T


No comments:

Post a Comment