Wednesday, April 16, 2014

September 3, 2013 - The First 10,000 Days of Darkness


The First 10,000 Days of Darkness

today..
ginugunita ko ang first 10,000 days ko dito sa Earth..
isang pangyayari na minsan lang dadaan sa buhay ng isang nilalang..
bagay na hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat sa kung anong entity..
ni hindi ko alam kung ito na ba yung last day ko, o kung simula lang 'to ng panibagong wave ng mga kalbaryo...

life has always been a burden for me..
marami akong gustong gawin, pero wala namang masunod sa mga plano ko..
dahil lang nag-originate ako sa isang mahirap at masamang pamilya..
puros negative na lang daw ang iniisip ko at hindi ko na kino-consider yung magagandang pangyayari sa paligid ko..
eh natural - alangan namang ikabahala ko kasi yung mumunting mabubuting bagay na nangyayari sa buhay ko..
siyempre, kung ano yung masasama, edi dun ako dapat mas mag-focus..
kasi yun yung nakakasakit eh, yun yung nakakasira ng behavioral pattern mo - yun yung mga dapat ko nang iwasan na maranasan...

hindi naman sa hindi na talaga ako marunong tumanaw ng mga utang na loob..
pero yung masasayang memories ko mula sa nakaraan..
puros alaala lang sila..
mapapatawa ka nila, mapapangiti ka nila..
pero sa bandang huli, babalik at babalik ka pa rin sa realidad..
sa nakakatakot..
nakakamuhi..
at nakakasira ng ulo na realidad...

bakit nga ba p-in-rogram na magwakas ang buhay..?
nakakainggit isipin na yung iba eh nabigyan ng pagkakataon para ma-enjoy yung sa kanila..
yung suportado yung mga 'i want this', 'i need this' nila..
samantalang sa akin, eh time at space na nga lang eh inaagaw pa..
kinamumuhian ko ang buhay ko..
pati na rin yung mga gumawa sa akin..
ang tagal ko nang nagdurusa, pero hinding-hindi naman ako makatakas sa buhay na 'to...

---o0o---


ayun..
end of the first 10,000 days..
pero heto't nagising pa rin ako sa kinabukasan..
walang gift of eternal slumber..
wala ring PM, offer, o regalo na botelya ng sleeping pills...

umpisa na naman ng panibagong bilangan..
bilangan ng mga araw na pagdurusahan ko at ng isip ko...


No comments:

Post a Comment