February 16, 2014...
late na silang umuwi ng stepmom niya from somewhere..
at nag-alala ako na mas late na naman siyang luluwas pa-Ermita...
by 8:39 PM eh lumuwas na nga yata siya..
at may sumundo pa yata sa kanyang kotse na may wing (i assume it's a guy's car dahil sa design nun)..
pero hindi naman yun mukhang magandang kotse (bitter)..
galing ako sa kabilang bahay noon kaya hindi ko nalaman ...kung sino yung laman o mga laman nung auto na yun..
basta pagbalik ko sa bahay namin eh napansin kong bukas na yung gate nina Crush, tas may nakaparada ngang kotse sa labas..
saktong pagkaupo ko naman sa sofa, eh natunugan kong lumabas na rin ng poder nila si Crush..
mukhang paluwas na siya base sa dami ng dala niyang bag..
at yun nga, base sa mga sumunod na pangyayari eh tila sumakay siya doon sa kotse...
nag-panic ako, and i had silly thoughts..
bigla na lang akong lumabas ng bahay namin to check on her..
at nakita ko ngang bume-buwelta na yung auto sa may kanto..
i felt stupid at natakot ako na baka naman mahuli ako ni Crush na chini-check ko siya, so nagkunwari na lang akong may nakalimutang gawin dun sa kabilang bahay..
kaagad din naman akong lumabas sa kalye matapos gawin yung alibi ko, at naabutan ko pa rin yung auto na papalabas na ng subdivision ang direksyon...
kung hindi ako nagkakamali, nakita ko nang ihatid si Crush ng ganung klase ng auto noong regular pa ang pasok niya sa school..
sa tanda ko eh noong minsang nag-seminar sila sa ibang probinsiya...
nangamba tuloy ako..
at nalungkot..
muli, naglaro na naman sa isip ko yung mga tanong..
na kesyo, boylet niya ba yun..?
o baka naman friends o batchmates..?
o di kaya naman eh step-sibling..?
pero naisip ko rin naman na kung 'oo', eh bakit sinabi sa akin ni Crush kailan lang na 'wala namang magagalit'..?
at na kung 'oo', eh bakit naman siya hahayaan nina Sir at Ma'am na ihatid pa-Maynila ng isa sa mga boylet niya...?
alam kong mali..
na hindi ko dapat maramdaman yun..
na hindi ako dapat na mabahala tungkol sa bagay na yun..
na hindi ako dapat na masaktan kung totoo man yun..
kasi from the start, eh wala naman sa objective ko na makuha yung puso niya..
gusto ko lang ma-express sa kanya lahat-lahat ng nararamdaman ko..
and eventually ma-exhaust, para ako na mismo yung sumuko..
pero minsan hindi ko talaga maiwasan na makalimutan yung mga binubuo kong rules para sa sarili ko..
hindi ko maiwasang makaramdam ng iba pang bagay...
— feeling , nagseselos ang walang karapatang magselos...
---o0o---
February 17, 2014...
ewan ko ba..
pero iniiwasan ba ako ni Ma'am (yung stepmom ni Crush)...?
ganito kasi yung nangyari..
nautusan akong bumili sa may kabilang kalye..
saktong paglabas ko ng gate namin, eh pabalik naman si Ma'am mula sa isang mas malapit na tindahan..
ang totoo gusto ko sanang subukang maging mas palabati na sa kanilang dalawa ni Sir..
kaso simula noong araw na kausapin ko yung... mag-asawa eh hinding-hindi na muling nagtagpo yung mga mata namin..
anyway, dumiretso na nga ako sa pupuntahan kong tindahan...
matapos kong makabili, edi pabalik na ako sa amin..
at nasorpresa ako noong pagpasok ko doon sa kanto na kailangan kong daanan..
nakita ko kasi si Ma'am na pabalik na sa lugar namin..
at nagtataka ako dahil hindi ko naman siya nakitang lumabas o lumampas sa kantong yun..
parang pumasok siya sa kalye na yun, tapos eh bumalik rin naman kaagad..
naisip ko tuloy na baka iniiwasan na ako ni Ma'am dahil sa pagiging pangahas ko..
na baka nga may mga nagawa akong inappropriate o hindi magalang noong nagkausap kami noon..
tapos pagdating ko pa doon sa lugar namin, eh nakita kong nakasara na yung gate nila..
at noong nakapasok na ako sa bahay namin, eh saka na lang ulit lumabas ng poder nila si Ma'am..
hinahanap niya kasi yung bunso nilang anak noon eh...
ano nga kaya..?
naging ilag na nga kaya sa akin ang stepmom ni Crush...?
---o0o---
tapos..
isang short afternoon dream noong February 17 din...
hindi ko nga inasahan na magkakaroon ako ng panaginip nang dahil sa maikling afternoon nap eh...
simple lang yung nangyari..
nakita ko daw na wala nang nakagarahe na auto sa poder nina Crush..
at nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko..
siguro dahil sa pag-iisip na hindi ko na naman siya makikita...
pero it was a Monday..
at i'm fully aware na Sunday night pa siya nakaluwas..
so basically, hindi talaga posible na makita ko siya that day..
kumbaga, non-sense yung naramdaman kong kalungkutan...
pasado 4:00 PM na ako nagising..
at na-realize ko na panaginip na naman ang lahat..
sumilip ako sa may bintana..
at nakita kong nakagarahe na parehas yung SUV at kotse nila...
— feeling , what have you done to me...?
No comments:
Post a Comment