(non-journal entry)
Sunday..
kaso hindi naman maka-spot na ng Sunday dress at heels..
eh kasi naman madalas na ngayong may tao sa bahay namin tuwing 9:00 AM ng Linggo..
hay..
mga buwiset talaga sila sa buhay ko...
maghapon lang ulit tumigil sa bahay nila ang pamilya Robledo..
may mga bisita ulit eh..
may binata rin, at sino naman kaya yun..? >,<
ewan ko ba..
parang iwas na rin nga sa akin ang buong pamilya nila ngayon..
nasira ko na yata talaga ang lahat..?
mukhang importante rin nga sa mga bata kung Katoliko o Iglesia ang isang lalaki..
medyo narinig ko kasi sila noong isang araw..
ayun nga, nagtatanungan kung ano ba ang relihiyon ni garine...
noong bandang tanghali, dumating ang Ninong at Ninang ko..
a-attend daw kasi ng meeting..
at may pasalubong sila sa amin na mga delicacies from Dumaguete..
yung isa dun eh may mga parisukat na parang may polbo kako..
naisip ko na nung una na parang katulad naman yun ng espasol..
tas bale inuna ko munang tikman yung iba..
pero nung yun ng parisukat na yun ang tinikman ko eh puta! - lasang Espasol nga..
kakaasar yun.. >,<
nagpaalala pa eh.. T,T
masarap ang Espasol, pero naaalala ko si Miss Robledo dahil dun...
---o0o---
parang may kinaiinisan o tinitira yata siyang babae online ah..
nakakapagtaka lang kasi sa bahay lang naman nila siya nitong mga nakaraang araw eh...
ayoko sa babaeng maganda lang sa panlabas na anyo..
seksi nga at maputi - kung mapagmataas naman at may pagka-salbahe..
mas maganda sana kung may kabutihan rin siya sa loob..
hindi ko gusto yung mga tipo na pakiramdam nila na parati silang nakakaangat sa iba..
hindi ko rin gusto yung mga naninira ng iba, gayong hindi rin naman sila perpekto...
kaunti pa sigurong evaluation at maaayawan ko na rin 'tong babaeng gusto ko sa ngayon...
No comments:
Post a Comment