yung setting feels like sa bahay nina Crush, pero iba yung orientation nung mga gamit sa bahay..
i was there inside their house, tapos parang nasa left ko ang isa kong biological..
sa kanan ko naman eh mukhang bisita ng family niya, at tila eh isa 'tong babae..
hindi ko na maalala ang eksaktong puwesto ni Crush (sa harap yata namin eh)..
pero it seemed na siya yung purpose ko kung bakit ako nandoon sa kanila..
i believe na nag-uusap rin daw kami noon...
tapos bigla daw siyang inutusan ng Stepmom niya..
basta parang may sinabi si Ma'am na 'nang tayo naman ay yumaman'..
kaya naalala ko tuloy yung pagtaya-taya ko sa Lotto..
anyway, mukhang sumunod naman si Crush at umalis na nga ito...
hindi ko sigurado kung before o after na nung 'utos' ako pinahiram ng isang tablet..
parang si Crush din yung nagpahiram sa akin nun eh..
basta ginagamit ko daw yung search engine nung browser nun nang biglang maputol ang internet connection..
everyone reacted, kaya sinilip namin ni Ma'am yung malapit lang na room na kawangis nung kuwarto ko sa totoong buhay..
and we found out na wala na ngang indicator light na naka-on doon sa router...
after nun, eh parang nagkuwentuhan na lang kami ni Ma'am sa may sala..
nakaupo sila ni Sir sa malapit sa may pinto (entrance yata), pero wala namang kibo si Sir..
tapos bigla daw akong nasabihan ni Ma'am na guwapo 'daw' ako..
eh siyempre nagulat ako doon sa comment niyang yun, eh kasi feeling ko na ayaw niya sa akin para kay Crush eh..
matapos yun, eh kuwentuhan na lang tungkol sa internet at sa pagre-repair nito..
(meron pa ngang eksena na gawa daw sa binder yung mga cabinet ng internet connection sa labas eh)..
at hanggang doon na lang yung natandaan ko...
parang pinaghalu-halo sa panaginip na yun yung mga mundo namin, pati na rin yung iba naming ugali..
pero sa totoo lang, pinagaan nun ang pakiramdam ko kahit na papaano..
yung regarding sa pagtingin ko kay Crush at sa pagharap ko sa family niya..
pero siyempre, iba pa rin yung istorya sa totoong mundo...
---o0o---
February 25, 2014...
early morning na yata yung oras doon sa panaginip ko..
medyo madilim-dilim pa...
paglabas ko daw ng bahay namin eh paalis na ang pamilya nina Crush..
o basta ganun yung dating sa akin nung eksena..
eh kasi wala na akong makitang auto na naka-park sa garahe nila eh...
sina Sir at Ma'am daw ay sumakay doon sa Chevrolet o doon sa Toyota (nalito ako dahil doon sa detail nung second car eh)..
para kasing black o basta dark car yung kabuntot nung naunang umalis na auto eh..
at mukhang yung sinundang biological brother ni Crush yung nag-drive neto..
at kasama niya sa kotse yung mga bata...
panic daw ako nung malaman kong paalis sila..
naka-dalawa daw akong labas-masok ng gate just to check on her..
ni hindi ko na nga naisip na baka makita at mahuli ako ni Crush na chini-check siya eh...
tapos na-realize ko na lang na nasa higaan pa pala ako noong mga oras na iyon, sa totoong mundo..
kaya imposibleng ma-witness ko yung mga ganung bagay...
ewan..
siguro napanaginipan ko yun, dahil sa takot ko na baka one day bigla na nga lang umalis dito sa lugar namin ang babaeng nagugustuhan ko... T,T
ang weird..
sa mga oras na nakikita mo yung panaginip mo eh parang ang linaw-linaw naman ng bawat detalye..
pero sa sandaling magising ka na eh parang lumalabo na yung ibang detalye..
at yung iba pa nga eh tuluyan mo nang nakakalimutan...
---o0o---
February 25, 2014 - Bangungot na Tumatagos sa Realidad
isa lang yung maiksing bangungot..
pero tumatak talaga siya sa isip ko...
ang nangyari..
naabutan ko daw yung biological demon sperm donor ko na inubos yung rasyon ko ng sandwich na crackers..
kaya nagalit ako..
unang rason, nakatago ang mga yun kaya nagulat ako na nakita niya ang mga iyon..
ikalawa, gaya nang madalas na nangyayari, kahit na alam niyang galit ka na eh pinakita pa niyang ubos na nga yung laman nung pack at nagawa pa niyang ngisian ka..
ikatlo, dahil sa kawalan niya ng respeto sa pagmamay-ari ng iba eh bumalik na naman sa akin yung insidente ng mga proven na pagnanakaw niya at yung isang hindi ko pa napo-prove...
dahil sa sobrang poot ko sa taong yun..
eh nagawa ko daw siyang murahin nang harap-harapan..
i believe inatake ko pa daw siya kasabay noon..
sinigawan ko siya ng pagkalakas-lakas na "PUTANG INA MOOOO!"..
pero ang nakaka-sorpresa sa ginawa kong iyon..?
tumagos yung naisip kong gawin doon sa bangungot ko sa totoong mundo..
dahil dun, sumigaw nga ako ng bad words na kasing lakas nang pagkaka-sigaw ko doon sa bangungot ko..
at maging ako ay nagising sa ginawa kong iyon...
hindi lang yun yung pagkakataon na nagawang tumagos ng aksyon ko sa tunay na mundo..
marami na ring beses na nangyari iyon sa akin..
madalas eh sa mga bangungot na ang tema ay kesyo may nakikialam daw ng mga gamit ko..
pero masakit talaga para sa akin na mapanaginipan ang pagnanakaw ng taong iyon..
at naisip ko na ganun na pala yung sugat na dinulot sa akin ng trauma ko sa mga magnanakaw..
na nagiging bayolente nga ako maging sa mga bangungot ko...
kinabukasan sa totoong mundo..
nabanggit sa akin nung biological demon sperm donor ko yung nangyari..
kung alam ko daw ba na nagsisigaw ako ng mura kagabi..
nanaginip daw yata ako..
at sumagot na lang ako na "binangungot ako eh"..
pero hindi ko na lang sinabi sa kanya na siya yung naging salarin sa bangungot kong iyon...
No comments:
Post a Comment