this blog contains stories about my experiences & misadventures here on Earth.. most of which are about my very unsuccessful lovelife - basically about how to live a loveless guy's life.. some are about real life problems, strange dreams, South Korean stuff, women's volleyball, arts, computer games, business, issues of public interest, cute girls, & almost anything that i find interesting to write about...
Wednesday, April 16, 2014
August 20, 2013 - The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman
The Adventures of Thiefman, Liar-Boy, and Imbecile Woman
Subtitle: Attacks of the Thief
(inilagay ko na rin siya under ng public interest, para dun sa mga taong nakakaranas ng kaparehong sitwasyon sa buhay - yung may mga kasamang asal kriminal sa loob mismo ng kanilang mga sariling bahay...)
ayun nga..
naikuwento ko naman nareng mga nakaraang araw na tambay na naman dito sa bahay yung biological demon sperm donor ko (kalimutan na yung biological demon father o BDF na term, isang sperm donor na lang ang ita-trato ko sa kanya simula ngaun - isang biological demon sperm donor o BDSD)...
mukhang may tinatakasan nga yung hinayupak na yun..
at bilang resulta eh dito na siya lumalagi sa bahay..
at dito na rin siya nagkakalat ng kanyang lagim..
parating walang kaayusan sa loob ng bahay..
ang mga basura niya kung saan-saan lang iniiwan..
kapag napagsabihan mo eh siya pa ang galit..
ang tv eh bukas sa maghapon..
kapag napagsabihan eh ang laging rason eh kesyo wala daw siyang magawa eh..
hello!? maganda kayang option ang mag-suicide na!
akala mo kasi eh may ambag siya sa pambayad ng kuryente..
eh kahit nga yung ginagamit niyang tv eh hindi naman kanya eh..
tapos kung mamura lang yung asawa niya, eh yung tao kaya yung nakapanalo nun sa raffle..
ang pagkain niya eh sobra-sobra..
ang gusto eh may merienda sa umaga, sa hapon, at pati sa gabi..
hindi naman sa pinagdadamutan ko siya..
ang problema kasi sa kanya, kapag nakakita siya ng isang pakete ng choco sandwich halimbawa, ang gusto nung putang inang yun eh ubusin kaagad..
siya nga yung nagpauso dito sa bahay nung patakaran na 'ubusin hanggang may nakikita' eh - ibig sabihin kahit na may iba pang kakain o kahit na pwede pang kainin sa ibang meal time yung sobrang pagkain eh ang gusto niya eh uubusin na kaagad lahat-lahat (ganun siya katakaw at katanga at ka-impraktikal sa buhay)..
akala mo naman siya yung nagbibigay ng pang-grocery..
at kapag tinamaan pa siya ng lintik..
ang gusto niya eh niluluto yung pang-agahan sana naming mga pancit canton para lang may pang-merienda siya..
eh ako nga eh hindi naman nagme-merienda kung wala talaga eh..
sayang na sa basic resources, eh sayang pa sa gasul..
yung demonyong yosi niya eh ang gusto eh ipapasok pa sa budget ng pamilya..
gastos na nga na napupunta lang sa wala, tas posible pang magdala ng sakit..
eh kasi naman nagyo-yosi kahit sa loob ng bahay..
tas kapag napagsabihan mo, eh akala mo eh pinapatay na namin siya..
hindi na kasi siya mabuhay nang walang sigarilyo..
at ang masama pa nare..
ano kamo ang gamit niyang lighter..?
edi yung gas stove namin..
kaya ayun, aksaya na naman sa gasul siyempre..
bukod pa sa mga naunang nabanggit, eh may iba pa siyang request..
20 Php daw araw-araw para sa diyaryo niya..
edi ga'y halos 600 Php din yun buwan-buwan..
kesyo wala daw siyang mapaglibangan, eh maghapon na nga siyang nanonood ng tv..
kapag mas tinopak pa eh nagdi-DVD player..
okay lang sanang maging maluho kung may kontribusyon naman eh..
kaso eh wala naman eh..
simula pa noong pumasok ako sa high school eh nawalan na siya ng silbi..
tas aakto-akto siya ngayon na parang siya ang may-ari nitong bahay ng asawa niya...
ang hirap sa kanya puwerket alam niyang may pension na yung isa eh pinag-i-interesan niya..
eh kahit isumbat sa kanya yung 19,000 at 29,000 Php na mga utang niya na binayaran ng biological mother at brother ko eh parang wala pa rin eh..
hindi siya tinatablan ng hiya..
at mas inuuna pa rin yung mga luho niya sa katawan..
kesyo i-invest daw yung pera sa sugalan..
ay putang ina mo!
mamatay ka na lang kasi!
madalas na namang bumabalik sa akin yung trauma na inabot ko mga 7 years ago na..
lalo na't madalas ko na naman siyang nakakasama sa bahay..
parati na lang siyang nagkakalkal ng mga aparador..
ng mga wallet..
ng mga alkansya..
at palihim niyang ginagawa yun..
malakas lang talaga ang pandinig at pakiramdam ko kaya nahuhuli ko siya..
at kahit na malaman niyang nahuli na siya sa akto..
eh parang wala lang sa kanya, patay malisya lang..
na parang hindi naman masama ang ginagawa niya..
kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko na posibleng target-in na naman niya ako..
yung ipon ko mula sa suweldo ko..
yung 4 years ko nang iniipon na kita ng ice micro-business ko..
yung pera sa negosyo ng blood aunt ko..
o yung budget ng biological family namin para sa isang buwan na galing sa pension ng asawa niya..
o kahit yung mismong koleksyon ko ng mga 5 at 10 centavo coins na iniipon ko at pinapapalitan ng buo kapag puno na yung alkansya...
wala na akong katahimikan sa bahay na 'to..
parati na lang bumabalik-balik ang mga bangungot..
eh paano ba namang hindi..?
eh kasama ko mismo sa bahay ang diyablo na pinag-ugatan ng lahat ng kinatatakutan ko..
ang ugat ng tuluyang pagkasira ng pagkanilalang ko..
at wala akong magawa para tuluyan na siyang masupil..
ayaw namang pumayag ng biological mother ko sa cyanide-proposal ko..
parati na lang akong kinakabahan na baka maulit yung nangyaring nakawan dati..
wala akong konkretong katibayan na yung demonyong sperm donor ko nga ang may gawa nun..
puros assumption lang ako..
pero sa tuwing ginagawa niya ang mga pagnanakaw niya ngayon..
at simula noong araw na aminin niyang ninakaw niya yung bago (noon) na 10 Peso coin na taong-bahay sa wallet ko para lang ipambili ng pesteng sigarilyo niya..
eh mas tumitibay ang paniniwala ko na siya nga yung walang-hiyang sumira ng tiwala ko sa sangkatauhan..
nanginginig ako sa tuwing naiisip ko kung anong posible kong magawa para lang maprotektahan yung mga perang nasa pangangalaga ko...
muli sasabihin ko..
pinagsisisihan ko yung araw na sinubukan pa ng mga tao sa paligid namin na ayusin ang biological family namin..
hindi na namin siya dapat tinanggap noong panahon na wala na siya sa poder namin..
noong panahon na nambabae na siya para lang sa pera..
aanhin pa ang kunwaring buong pamilya, kung sariling pagkatao mo naman ang masasakripisyo..
wasak na wasak na ako ngayon..
kailan ko pa kaya matatakasan ang isinumpang bahay na 'to..?
o makakatakas pa ba talaga ako mula dito..?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment