Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 19, 2013)

June 19, 2013..
(non-journal entry)

pwede pa akong umimik..
meron pa naman akong 3 days na palugit para magmaktol..
after that..
kung anuman ang mangyari sa suicide mission ko..
edi saka na lang ako gagawa ng panibagong desisyon...

kung sakaling tuluyan na akong mapahiya..
edi itatapon ko na lang 'tong puso ko..
at hinding-hindi ko na bubuksang muli, kung wala rin namang kusang magbubukas nito..
rerenta na lang ako ng mala-Minami Ayase na teacher para sa tutorial, haha!

pagkatapos nun..
hindi ko rin maipapangako na magsa-shut up na ako..
sa ngayon nagagawa ko nga siyang tiisin na hindi makita..
pero ano ba namang malay ko..
sobrang lapit lang ng bahay nila sa lugar ko..
kaya hindi ko masisiguro na hindi na talaga kami magkikita habambuhay..
bahala na ang tadhana sa bagay na yun...

kung meron mang lumabas na bagong thought..
edi ipo-post ko pa din..
tutal, siya na naman talaga yung Espasol na nagmamay-ari ng puso ko sa ngayon eh...

back to basic..
isipin at diskartihan kung paano matutupad ang mga side-goals..
upang hindi naman mamatay sa masakit na paraan..
as usual...

---o0o---


i broke yung 6 days straight trend na hindi ko siya nakikita..
hindi man lang ako umabot ng 1 week eh..
back to zero again... T,T

kasi naman, i didn't expect na makikita ko siya sa lugar namin by 10:00 am..
usually kasi eh may pasok na siya sa mga ganung oras..
honestly, i was curious why i couldn't sense her presence nitong mga nakaraang araw (Monday, Tuesday)..
bako kako nagkasakit dahil sa kauulan..
o di kaya eh lumipat na ulit doon sa lugar ng mga kapatid niya..
para kasing may naiba sa schedule ng pamilya nila nitong pagpasok ng school year eh...

kaya ayun..
nung tumunog yung gate nila by 10:00 am nga..
i thought it would be safe to check out who it was na lumabas sa kanilang poder..
eh kaso si Miss Robledo nga yung nakita ko..
hindi ko alam kung bakit siya nandun, eh kinabukasan pa naman kasi ang holiday..
hindi kaya tapos na siya sa OJT..? at may isang linggo silang break bago dumiretso sa next semester ng curriculum nila..?
mga 3 o 4 na beses ko pa siyang nakita sa buong maghapon..
naka-sweater siya, pero wala naman sigurong sakit, kasi mukhang gumala pa sila noong hapon..
i was relieved, na kumbaga kahit papaano eh nandiyan pa nga rin siya sa bahay nila sa tapat namin..
at kapalit nga nun, eh nasira ko na naman yung pagtitiis ko na hindi siya makita... T,T

ayoko nang i-describe nang i-describe ang mga seksi niyang suot..
mas naa-attach ako sa kanya sa ginagawa kong yun eh... >,<

---o0o---


wala lang...

nagkaroon kasi ako ng realization..
noong makita ko siya...

siguro nga napapagod na ang utak ko sa kaiisip nitong sitwasyon ko ngayon..
isip ako nang isip kung bakit ganito-ganyan yung kinahantungan nung script ng love story kong ito..
bukod pa yung iba at halo-halo kong DEFAULT na problema sa buhay..
pero sa kabila ng lahat ng yun..
tila hindi pa rin napapagod kay Miss Robledo itong puso ko..
na yung tipo na sa tuwing nakikita ko siya - eh humahanga pa rin ako sa kanya sa halip na mairita..
yung pakiramdam ko na parang inlove nga ako sa kanya, sa kabila ng pagkabigo ko na...
hinding-hindi ko siya magawang ayawan kahit na sobrang sakit ng ginawa niyang pagtataboy sa akin..
ganito ba talaga ang function ng tinatawag na 'puso' o hypothalamus o kung ano pa man ang mas angkop na term ..?
eh parang bopols eh..
talo na eh nanlalaban pa..
hay naku, kailangan ko na talagang itapon 'tong pakiramdam na 'to..
dahil nakakasakit lang siya ng ulo..
at nakaka-aksaya pa ng oras... T,T

last 2 days bago ang final attack...


No comments:

Post a Comment