amp!
mga anak naman ng..
sino ba talaga ang panggulo..?
ang buong sambayanan ba..?
o ang media lamang..?
bakit ba naman kasi kailangan na kaagad na husgahan ang DAP o ang kini-claim ng MalacaƱang na Disbursement Acceleration Program..?
siguro nga may posibilidad na unconstitutional yun..?
pero
ang tanong eh may mga nakalap na bang konkretong mga ebidensya na
makapagsasabing sa maling paraan nga nagamit yung pondo..?
wala pa naman pating sinasabi na sa bulsa na lang talaga ito ng mga mambabatas dumiretso ng buong-buo eh..?
siguro
nga hindi kaagad i-d-in-isclose ng MalacaƱang ang tawag o term para dun
sa pondo na yun sa kung sino mang mga nabigyan nito..?
siguro nga na mga bumoto lang laban kay Corona ang pinondohan ng ganito..?
pero
whether or not ginamit nga itong pambili ng mga boto ng Senador noong
nakaraang impeachment eh kinakailangan pa ng matibay na ebidensya...
hindi pa ba sapat na ipahinto lang muna ang paglalabas muli ng ganitong klase ng pondo..
mangalap lang muna sila ng mga ebidensya kung sino nga ba ang nagkamali sa pagpapatupad nito..
at
alamin kung sa tamang paraan ba ito nagamit o baka naman natulad rin
lang nga ito sa naging pag-abuso ng maraming mambabatas sa tinatawag at
sikat na sikat ngayon na PDAF o Priority Development Assistance Fund...
kundangan namang pinagulo lang ni Senator Jinggoy ang sitwasyon eh..
although, tama na rin nga naman na isiniwalat na niya ang tungkol dun habang maaga pa..
ang pagkakamali lang niya kasi eh, dahil sa ginawa niya ay posible niyang masira ang buong sistema ng gobyerno..
bakit..?
dahil
kung mapapatunayan na ginamit yung DAP na pambili ng boto ng mga
Senador noong nakaraang impeachment - eh mangangahulugan yun na wala
nang mapagkakatiwalaan pa sa kanila, na lahat ng nabayaran noon ay mga
tiwali, at na wala sa kanila na mga binoto ng taumbayan ang nararapat na
maupo sa kanilang mga posisyon sa pamahalaan..
bakit, kung hindi
ba sila nabayaran eh ano..? - pawawalan nila ng sala si Corona kahit na
may konkreto ng ebidensya ng medyo malaking halaga na hindi niya
na-declare nang wasto sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net
Worth) niya..
ibig bang sabihin na hindi sila magbibigay ng hustisya para sa bayan kung walang kapalit na pera...?
are namang si Corona..
eh isa pang medyo mahinang mag-analyze..
ano bang akala niya, na nakabuti sa kanya yung isiniwalat ni Senator Jinggoy..?
ebidensya
na mismo, at siya na mismo ang umamin na may hindi siya na-declare nang
ayos sa SALN niya noong nakaraang impeachment..
kaya tapos na ang
usapan tungkol sa kanya - guilty siya kaya nararapat lang siyang maalis
sa dati niyang katungkulan bilang Chief Justice..
ang panibagong katanungan lang naman na nabuo ni Senator Jinggoy eh "totoo bang nababayaran nga ang mga Senador o hindi?"...
anyway..
sa ngayon eh wala pa nga namang mga solid na ebidensya..
parang
kasing hindi nakakatulong na maya't mayang nababanggit sa mga balita
yung mga haka-haka pa lamang patungkol sa kung paano at saan napunta
yung DAP eh..
kasi parang napo-provoke lang lalo ang mga tao...
ang sa akin lang naman eh..
yung PDAF ang meron ng mga ebidenysa..
yun yung talagang criminal case na eh (di gaya ng DAP na pinagdedebatihan pa lamang kung unconstitutional nga ba o hindi)..
may mga itinuturo na rin namang mga suspect dun..
eh sana naman eh tapusin na muna yun..
baka
kasi magaya lang yung kaso ng PDAF sa iba pang mga kaso noon na
natatabunan lang dahil sa mabilis na pagdaloy ng mga balita eh...
ang gulo na ng bansa..
mukhang
lahat ng government officials at maging mga government employees eh
kailangan nang lahat na pagsisibakin sa mga puwesto nila..
eh sa wala nang mapagkatiwalaan eh...
No comments:
Post a Comment