Wednesday, April 16, 2014

October 14, 2013 - Hari ng Sablay

hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong isipin tungkol sa sarili ko..
noong akala ko na magiging smooth na ang latest transaction ko sa ebay eh may mga nangyari na naman..
ang plano eh magbayad ngayong darating na Tuesday (October 15) by 9:00 AM through BDO bank deposit..
pero anu-ano ang mga nangyaring kapalpakan..? :

1) hapon ko na nalaman na bukas na pala yung holiday para sa mga taga-ibang religion

2) dahil sa holiday na yun eh wala daw bangko bukas, kaya ayoko namang lumabas pa para lang magbakasakali sa wala

3) dahil nga sa nabalitaan ko naisip ko na mag-deposit na ng bayad ko ng Monday, kaso dahil 1 hour ako maligo at hapon na hapon na eh nakiusap ako sa biological mother ko na siya na ang mag-deposit para sa akin since nakabihis na siya noong mga oras na yun.. pero ano pang nangyari..?

4) i told her na hindi pa ako sigurado dun sa account number na ibinigay sa akin nung ka-deal ko dahil parang odd yung number of digits niya, kaya sabi ko eh sabihan niya ako kaagad kapag nagkaproblema para ma-contact ko kaagad yung ka-deal ko

5) i also told her na sa SM branch magpunta dahil mas matagal na bukas yung BDO dun

6) sinabi sa akin ng ka-deal ko na sa Wednesday lang siya available para mag-ship ng items ko

7) umuwi ang biological mother ko dala ang masasamang balita:

a) hindi nagtagumpay yung bank deposit dahil nagkamali nga yung ka-deal ko ng naibigay na account number

b) hindi ako kinontak ng biological mother ko after nung error, dahil hindi pala niya dinala ang cellphone niya

c) sa BDO sa bus stop siya nagpunta at inabutan na rin siya ng closing nung mga oras na yun

d) hindi man lang niya tinanong dun sa mga empleyado sa bangko kung naka-holiday rin ba sila sa Tuesday o ano


super palpak na naman..
ano bang ibig sabihin nito..?
bakit ba kailangan na parating may mali sa lahat ng ginagawa ko..?
eh bihira lang akong makagawa ng bagay na pulido eh..
ganito ba talaga ang tadhana ko...?
[ feeling sobrang malas talaga sa buhay ]


No comments:

Post a Comment