share ko lang nang konti..
i have this blood aunt sa biological-demon-sperm-donor side...
mayaman siya..
pero matandang dalaga..
and i have always hated her simula pagkabata ko..
na kinalimutan ko na na we are somehow related by blood...
i started to hate her dahil sa isang insidente noong kabataan ko..
Christmas season noon..
at practicing-Catholic pa ako dahil sa musmos ko pang kaisipan..
paborito siyang puntahan ng mga kamag-anak dahil malaki siya kung magbigay ng pera..
isinama ako sa kanya ng paborito kong blood grandmother para daw maka-pamasko ako dun sa matanda..
kaming dalawa lang noon ng blood grandmother ko yung tumungo sa mansyon niya...
ayun nga..
so alam nung matanda kung bakit ako dinala doon ng tiyahin niya..
ang ginawa niya eh pinabigyan muna niya ako ng fruit cake..
at pinakain niya yun sa akin sa may piano nila..
first time kong makatikim noon ng fruit cake..
at noon ko rin nalaman na hindi pala masarap ang lasa nun...
habang andun ako sa may piano eh nag-usap muna yung mag-tiyahin..
tas noong tapos na silang mag-usap..
siyempre bata pa ako noon..
kaya nagtataka ako kung bakit walang ibinibigay sa aking pera yung matanda..
at
ipinaliwanag nga sa akin ng blood grandmother ko na hindi daw muna ako
makakatanggap ng papasko dahil may utang daw ang
biological-demon-sperm-donor ko sa pinsan nito (yun ngang matandang
dalaga)..
tapos alam nyo ba kung anong nangyari after that..?
nagsidatingan yung ibang mga bata doon sa lugar namin na yun..
mga blood relatives namin noong matanda..
at maging mga kapitbahay 'lamang'..
tas nakita kong pinagbibigyan niya silang lahat ng papel na pera..
at tuwang-tuwa naman silang lahat..
at inialis na ako ng blood grandmother ko mula doon sa lugar na yun...
andun yung pakiramdam na bakit ako 'hindi pwede'..
bakit kahit yung mga kapitbahay lang meron siyang bigay na pera, pero ako 'wala'..
napahiya ako sa sarili ko noon..
na parang iba ako sa kanila - dun sa ibang bata na mga kaibigan ko..
at andun rin yung palaisipan kung gaano ba kalaking pinsala yung dinudulot nung mga 'utang' na yan..
kung ano ba talaga yung 'utang'..
hanggang sa nagkaisip na nga ako at naintindihan ko na ang masamang pamamaraan ng biological-demon-sperm-donor ko..
kung
paano niyang ginagamit ang mga pangalan namin para manghingi o
makahiram ng pera mula sa ibang tao - maging sa mga blood relatives ng
biological mother ko at maging sa ibang tao na nakikilala lang niya...
yun yung last na beses na pumunta ako doon sa mansyon na yun para mamasko..
nadala na kasi ako sa fruit cake eh..
at sa pagtanda ko nga..
napag-isip-isip ko..
na hindi pa rin tama yung ginawa sa akin nung matandang yun..
ginantihan niya ang isang inosenteng bata dahil lang sa utang ng biological-demon-sperm-donor nito..
at ipinakita pa niyang mas matimbang para sa kanya yung ibang bata na hindi nga niya kadugo..
sobrang unfair..
nawala ang respeto ko sa kanya..
at tinanggal ko na nga siya sa listahan ng mga blood relatives ko...
at sa ngayon pumanaw na ang matandang yun..
natagpuan na lang daw na patay na sa kanyang kuwarto...
i would like to think na karma niya yun..
for being stupid..
binalak
ba naman kaming sugurin dito sa bahay dahil sa utang na naman ng
kanyang pinsan na ni hindi nga namin alam kung saan napunta..
kung
ga siya'y matalino edi dapat alam na niyang automatic na sa sugalan
lang napupunta yung perang nahiram nung isa mula sa kanya..
tapos puwersahan niyang pinagbayad ang panganay kong biological brother at mother kapalit ng ano..?
ng kahihiyan namin..?
nagbigay pa siya ng discount nun ha..
yung discount daw eh papasko na niya sa mga biological nephews ko..
wow, ang galing..
papasko na ni hindi nararamdaman...
No comments:
Post a Comment